TWO MONTHS PASSED, mabilis talagang lumipas ang panahon. Parang kelan lang na huli silang nagkita ni Damien. Simula ng umalis ang binata at bumalik ng Maynila, wala na siyang balita dito. Hindi na ito nagparamdam kahit isang text man lang. She tried texting and calling him several times, yet she always got the same irritating answer...the number you are calling cannot be reached at this time...
If tama ang hinala niya, maaaring nagpalit na ng celfone number si Damien.
If that is the case, then, sa tingin niya masyadong brokenhearted ang binata dahil hindi niya sinuklian ang pagmamahal nito sa kanya. Marahil gusto nitong kalimutan na siya ng tuluyan. She understand his feelings very well...
I wish you well in everything you do Damien, wherever you are right now...
She returned her attention to what she is doing. Kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman sa likuran ng kanilang bahay. Napuno ng luntiang gulay ang labas kanilang munting tahanan. Sa harapan ng bahay nakapuwesto ang mga namumulaklak na mga halaman. Sa likuran naman ay mga taniman ng gulay tulad ng talong, kalabasa, malunggay , ampalaya, kamatis at iba pa.
The explosion of green scenery surrounding here is refreshing to the eyes and has a soothing effect to ones soul. Here she feel at peace.
Nasa ganoon siyang ayos, hindi man lang niya namalayan ang paglapit ng kanyang ina sa kanyang likuran, na halatang nagmamadali at mukhang balisa ang anyo.
"L-leslie, anak! Diyos ko po, may bisita ka!" anito sa nanginginig na boses, halata ang pag-alala at takot sa mukha.
Biglang natigilan ang dalaga. " Inay- bakit? Anong problema? Bakit ganyan ang hitsura mo?"
"Naalala mo pa ba 'yung tatlong lalaking naghatid sa'yo dito sa bahay natin dalawang taon na ang nakalipas?
Biglang sumikip ang didbdib ng dalaga. Nahirapan siyang huminga...b-bakit sila bumalik?
"S-silang tatlo? Nandito s-sila?" Bumalik bigla ang nakaraan sa kanyang isipan. Bumalik sa kanyang alaala ang huling gabi niya sa apartelle. Hindi man lang siya nakapag-paalam kay Joshua...ang saklap ng kanilang ending!
" Isang lalaki lang ang nandito- pangalan daw niya ay Mang Celso. Kailangan ka raw niyang makausap anak, importante daw," patuloy ng ina.
Natigilan si Leslie...
Bakit naparito si Mang Celso? Ano ang kailangan nito sa kanya?
Baka may nangyari kay Joshua!
Nagmamadali siyang pumasok ng bahay, at nadatnan niyang karga-karga ni Mang Celso si baby Josh habang nakaupo sa silya. Magaling magpatawa ng bata ang matandang lalaki kasi tawa ng tawa ang sanggol ng itoy datnan niya.
" M-mang Celso, bakit naparito po kayo?" tanong niya sa mahina at nag-alalang boses.
Ibinaling ng lalaki ang atensiyon sa dalaga. "Kumusta ka na Leslie? Long time no see. Ang cute ng anak mo, magkahawig sila ng kanyang ama," puri nito sa sanggol.
Kinuha ng kanyang ina si baby Josh mula sa pagkahawak ng matandang lalaki at dinala ito sa itaas ng bahay.
Nanatiling nakatayo si Leslie...hindi niya alam kong ano ang gagawin, papalayasin ba niya si Mang Celso or tatanungin ito kong nasaan na si Joshua?
"Bakit ganyan ang hitsura mo? Para kang nakakita ng multo- ah?" nakangiting tanong ng matanda sa kanya. "Hindi mo man lang ako painumin ng tubig? Kanina pa ako nauuhaw, "
Hindi pa rin makaimik si Leslie sa kabiglaaan...
"Don't worry, hindi masama ang pakay ko sa pagpunta dito," patuloy na paliwanag nito.

BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
Storie d'amoreTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...