TAHIMIK LAMANG si Mang Celso habang nagmamaneho, ang buong atensiyon ay nakatuon sa daang tinatahak ng kotseng minamaneho. Ayaw sana siyang distorbohin ng dalaga pero may mga bagay siya na dapat itanong at malaman. mula dito.
Tumikhim muna siya at nag-ipon ng lakas. "Mang Celso, m-may asawa na ho ba si J-joshua?" Parang may bikig sa lalamunang muntik na niyang di-matapos ang ibig sabihin.
"Wala,"agad nitong sagot.
Namutawi ang konting ngiti sa kanyang labi, may pag-asa pa! Hiyaw ng kanyang puso.
"M-may bago na ba siyang g-girlfriend?" ulit niyang tanong.
Tumikhim lamang ang matanda, pero hindi na ito nagsalitang muli.
Five minutes passed. Nakakabinging katahimikan...
Ano ba! Nabingi ba bigla si Mang Celso at hindi na siya narinig? tanong niya sa sarili. Sa pagkakaalam niya di naman ito tinamaan ng kidlat at biglang nabingi, super linaw naman ang tanong niya, bakit ayaw siyang sagutin nito?
Biglang kinabahan ng todo si Leslie-di kaya-may b-bago ng nobya si Joshua kaya ayaw siyang sagutin ng matanda?
Sa isipang may-iba na si Joshua, gusto niyang maiyak at maglumpasay sa kanyang kinauupuan. Mamamatay na yata siya at parang hindi na siya makahinga. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso.
"Mang Celso, naririnig niyo ba ako? May bago na bang girlfriend si Joshua!?" Inulit niya ang tanong, medyo nilakasan na niya ang kanyang boses baka sakaling di siya nito narinig.
Wala pa rin siyang makuhang sagot sa matanda.
Grrr! Nakakainis, naiirita na siya, ka-simpleng tanong bakit ayaw siyang saguti nito! Masayadong cliffhanger ang matanda, mamamatay na siya sa suspense! She's dying between hope and despair, right now at this very moment.
"Mang Celso, pakihinto niyo muna ang kotse sandali sa tabi! Di ako makahinga! "Bigla niyang sigaw. "I need fresh air!"
Nagulat naman ang matanda sabay lingon sa kanya, inihinto nga nito ang kotse sa may tabi ng daan, at hinarap siya.
"Sobrang Over Acting ka naman Leslie!" anito sabay tawa. "Para kang bibitayin sa hitsura mo," patuloy ito sa pagtawa, halatang nang-aasar.
Nakasimangot pa rin ang dalaga, wala siyang balak makipagbiruan dito. "Mang Celso, pakisagot na po ng tanong ko please!"
"Wala- walang bagong girlfriend si Joshua." Malinaw na sagot nito. "-At pwede ba, tantanan mo na ako sa kakatanong. Am focusing on my driving," anitong nakangiti pa rin. Muli nitong pinaandar ang kotse at naglakbay na silang muli.
Sa mga sanadling iyon nakaramdam ng tuwa si Leslie. Nakaramdan siya ng konting pag-asa na katulad rin niya and binata, parehong di nila makalimutan ang isat'isa.
Biglang nagliwanag ang kanina lang ay nakasimagot na mukha ng dalaga.
Hindi niya namalayang, kanina pa pala pasulyap-sulyap sa kanyang mukha ang matanda pagkuway bigla itong nagsalita. "Ambisyosa ka rin-ano?" anitong nakangisi.
Dahil sa kasiyahang nadarama, di agad rumehestro sa utak ng dalaga ang sinabi ng matanda, kahit na malinaw niya itong narinig.
Pagkaraan ng ilang minuto, rumehestro na ang sinabi nito sa kanyang isipan, imbes na magalit ay nagbiro siya.
"Mang Celso, masama ba ang magmahal?" aniya.
"Hindi naman" sagot nito.
"Masama ba kung ang taong mahal ko ay isang mayaman at mahal din ako?" dagdag niyang tanong sa seryoso na tinig.
"Hindi rin..."
"Masisisi mo ba ako Mang Celso kong sakaling mangarap ako na mapabilang muli sa buhay ni Joshua, kami ng anak niya? Na mabuo ang pamilya namin balang araw?" seryoso niyang sabi.
Tumikhim ang matanda. Patangu-tango ito. Hindi naman siya bata para hindi maintidihan ang ibig sabihin ng dalaga.
"I got your point. Go girl!" pabiro nitong sabi sabay ngiti. "Don't forget to invite me sa kasal niyo ni Joshua someday," pahabol pa nitong sabi.
"Sure!"aniya. Ginantihan niya ito ng ngiti. Pero ang kasiyahang naramdaman ay agad napalitin ng agam-agam at pag-alala. Ang lalaking mahal niya ay comatose pa rin ito until now. His life depends on God's grace alone. She can only pray and pray she did.
BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
RomanceTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...
