*Chapter 10: The Final Day

1.8K 35 44
                                    


LESLIE STARED HARD AT THE PREGNANCY TEST  on her right hand with a mixture of joy and sadness. It's a positive result, she is pregnant with Joshua's baby.

Lumabas siya ng banyo na hindi naiintindihan nang lubusan ang nais mararamdaman sa mga sandaling iyon.

"O ano? Negative ba ang result?" tanong ni Tracy na kanina pa nakaantabay sa paglabas ng kaibigan.

"Hindi..." Mahina niyang sagot.

"W-what do you mean?"

"I'm pregnant Tracy," aniya sa malungkot na boses.

"Oh my God! Paano na 'yan? Ano na ang gagawin mo ngayon?" nababahalang usisa nito sa kanya.

Agam -agam meron pero nakapagdesisyon na si Leslie na ilihim muna ang lahat kay Joshua. Tiyak na magiging kumplikado lamang ang lahat.

"Sasabihin mo ba kay Joshua ang tungkol sa pagbubuntis mo?"

Leslie shook her head sadly. "Joshua doesn't need to know about it for now."

"P-pero," naguguluhang wika ni Tracy. "...he is the father of your baby, he needs to know."

"Oo nandoon na tayo pero hindi ito kasali sa misyon ko, am paid to do 'something' not to get preggy!" May diin ang pagkasabi nito dahil gusto niyang ipaalala sa sarili ang muntik na niyang nakalimutan na obligasyon.

"Kung ang ikinatatakot mo ay si Boss. Puwede kang humingi ng tulong kay Joshua, mayaman sila, may magagawa siya para tulungan ka sa sitwasyon mo ngayon."

Nagkibit balikat ang dalaga. He is truly afraid of her Boss. "Kapag hindi ako tutupad sa usapan baka may gagawin siyang hindi maganda sa pamilya ko. I can't afford that..."

"Sorry hindi ko naisip 'yan Leslie," anitong nag-alala sa gulong napasukan ng kaibigan.

"Kung sakaling wala na ako, huwag na ninyong ipagtapat kay Joshua ang tungkol sa pagbubuntis ko. Tayong tatlo lang ni Kimberly ang makakaalam nito. Maipapangako mo ba sa akin Tracy?"

"Oo naman friend. I promised." 

Nakahinga nang maluwag si Leslie. "Hindi pa ba darating si Kimberly? Gusto ko na siyang makita."

"Kanina pa siya umalis, dinalaw niya sa Marikina 'yung kapatid niya na doon nakatira."

May nararamdamang kakaiba si Leslie. Hindi niya maipaliwanag, kanina pa siya hindi mapakali. Her heart keeps beating fast...

"Gusto mo na bang umuwi?" anito.

"Why, you want me to go now?"

"Hindi naman, in fact, puwede kang matulog dito ngayong gabi, na-mimiss ka na namin ni Kimberly. Girl bonding tayo," masiglang anyaya nito sa kanya.

"Pag-isipan ko," sagot niya. Makaraan ang ilang minuto nakapagdesisyon siya na umuwi na lang. "Sa ibang araw na lang siguro Tracy. Hintayin ko na lang until one hour si Kimberly, 'pag hindi pa siya dumating uuwi na ako, baka kasi pupunta ngayon sa apartelle si Joshua, wala siyang madatnan roon."

"Okay- ikaw ang masusunod friend," ani ni Tracy.

Nanood sila ng isang science fiction film. Maganda ang palabas pero hindi naaliw si Leslie, something is bothering her and she can't put a words to it...

After one hour wala pa ring Kimberly na dumating. Time to go, anang dalaga. "Aalis na ako Tracy, pakisabi na lang kay Kimberly am here, bonding tayo minsan sa ibang araw...okay?"

"Teka muna, ihahatid na lang kita..." Alok ni Tracy.

"Huwag na, kaya ko namang umuwi mag-isa. Salamat na lang," tanggi niya. 

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon