DALAWANG ORAS NA ang nakalipas, tulala pa ring nakatitig sa kisame si Leslie. Nilulukob nang matinding lungkot ang kanyang kalooban.
Tinawagan siya ni Boss kanina, sinabi nito sa kanya na isa sa mga araw na ito matatapos na ang kanyang misyon. Matatapos na ang maliligayang araw nila ni Joshua. Hindi na rin niya masisilayang muli ang ang guwapong mukha nito.
Sasabihin na kaya niya sa binata ang kanyang sekreto?
Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip dahil sa tatlong magkasunod na katok sa pintuan. Nang ito'y kanyang buksan, ang guwapong mukha ni Joshua ang kanyang nasilayan.
"Hi sweetheart, here... flowers and chocolate for you," anito sabay kiss sa kanyang pisngi.
Maluwang ang ngiting tinanggap ng dalaga ang pasalubong ng binata sa kanya. "How's the business trip? Akala ko next week pa ang uwi mo?" malambing niyang tanong dito.
Nang maisara na ang pinto, agad na binuhat ng binata ang nagulat na dalaga papuntang silid.
"Josh! Ano ba, ibaba mo muna ako. Aayusin ko muna ang mga bulaklak sa plorera, malalnta ito 'pag hindi ko mailagay sa plorera," reklamo niya.
"Okay..." tumalima ito at ibinaba na ang dalaga.
Habang inaayos ni Leslie ang mga rosas sa plorera, seryoso naman siyang pinagmasdan ng binata. Naglalaro sa utak nito ang isang eksena kung saan ikinasal na sila ni Leslie. Grand wedding of the year na pagdadaluhan ng mga kamag-anak nila at mga kilalang personalidad sa bansa. Nasa ganoon siyang ayos ng mapansin ng dalaga ang ngiting namutawi sa kanyang labi.
"Hey, why are you smiling?" sita niya dito.
Lumapit si Joshua sa kinatatayuan ng dalaga, hinapit ito sa beywang at hinalikan sa batok na puno ng pagmamahal. "Am thinking about our wedding, soon. Let's get married!" Masiglang yakag nito sa kanya.
Natameme ang dalaga, di agad siya makasagot o makuhang ngumiti man lang. But deep inside her, it's one thing she desired so much! Ngumiti siya at yumakap sa nobyo. "Pag-isipan natin ng masinsinan one of these days- okay?" masaya at malambing niyang wika.
At muli siyang ikinulong ng lalaki sa matipunong mga bisig nito.
TAHIMIK LANG SI LESLIE habang nakikinig sa kuwento ni Joshua. Hindi na siya nagulat ng ikinuwento nito sa kanya ang tungkol sa pagtataksil ng stepmother nito sa kanyang ama at ang pagpalayas niya dito mula sa kanilang tahanan.
"So-saan na si Tita Brenda ngayon?" usisa niya.
"Malamang nagsama na sila ng lalaki niya!" Inis pa ring turan ng binata.
"How does your father reacted to the bad news? I hope he is okay." Nakisimpateya niyang sabi.
"Oo naman, bilib nga ako sa ama ko, dahil agad niyang tinanggap ang mga pangyayari ng maluwang sa kalooban. Siyempre may kirot pa rin sa puso niya pero hindi niya ipinahalata sa akin." Puno ng pag-alala ang boses ng lalaki.
"Your father is very brave!" puri ng dalaga.
"Ang ipinag-alala ko baka mas lalo itong makasama sa kanya," nag-alalang dagdag nito.
"Stop worrying Josh, your father will survive the pain, just keep supporting him and always be there for him, para kahit papaano ma-feel niyang di siya nag-iisa." Niyakap niya ang nobyo ng mahigpit tanda ng kanyang pakikiisa sa nararamdaman nitong kalungkutan.
Makaran ang limang minuto, tumayo si Leslie at nagbalat ng hilaw na mangga sa may kusina. Pagkatapos mabalatan ang tatlong pirasong mangga, hiniwa niya ito sa maliliit na piraso at nilagyan ng bagoong. Yummy!
BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
RomanceTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...
