Dumaan ang ilang araw, naging linggo at lumipas na ang tatlong buwan...ganun pa rin walang pagbabago sa kalagayan ni Joshua. Leslie do the same routine everyday, talking to Joshua, reading news to him and telling him stories about their son and their lives in the province.
She is getting desperate now...
She's afraid Joshua will eventually die sooner or later...
Until one day, nakapag-decide na siya to bring baby Josh to meet his father. It's her last resort.Umuwi ng probinsiya ang dalaga. Ipinaliwanag niya ng maayos sa ina ang kalagayan ni Joshua. Pumayag naman ang kanyang ina na dalhin niya ang bata sa Maynila.
One week na ang nakalipas simula ng dalhin ng dalaga ang kanyang anak sa hospital pero wala pa ring pagbabago sa kalagayan ni Joshua. Araw -araw niyang ipinakilala sa natutulog na binata ang anak nito. Pinaparinig niya rito ang iyak at tawa ng anak, nagbasakaling makatutulong ang proseso para magising na ito. Madalas din niyang pinaghahawak-kamay ang mag-ama, baka sakaling maramdaman ng binata ang init ng pangulila ng anak sa isang ama. Wala pa rin...
Until one afternoon, inihabilin sandali ni Leslie ang anak sa nurse on duty kasi mag-grocery siya ng mga gamit ng bata, naubusan na kasi ito ng diaper, gatas at baby foods. Pagkatapos makuha lahat ng kailangan, pumila na siya sa counter at binayaran ang lahat ng mga pinamili. Nag-ring ang kanyang celfone, ang nurse on duty ang tumawag...nagising na raw si Joshua! Kailangan niyang umuwi kaagad!
Kamuntikan nang nabitiwan ng dalaga ang hawak na shopping bag sa tindi ng kabiglaan at kasiyahan. Sa wakas nagising na si Joshua! Natapos na rin ang kanyang mahabang paghihintay. Thanks God! Ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam, para siyang lumulutang sa matinding kasiyahan.
Nagmamadali siyang pumara ng taxi pauwi sa hospital. Pero naipit siya sa traffic, mahigit 30 minutes din siyang naghintay bago umusad muli ang mga sasakyan.
Nang huminto na ang taxi sa tapat ng hospital, halos liparin ng dalaga ang room na kinalalagyan ng binata. Super excited na siyang makita at mayakap ito. Sa loob ng elevator magkahalong kaba at kasiyahan ang kanyang nararamdaman.
Paglabas niya ng elevator, dumeretso na siya sa room ni Joshua, nadatnan niya sa labas ng room ang ama ng binata at si Mike na nakaabang na, puno ng kasiyahan ang kanilang mga mukha. Nang akma siyang papasok sa room, pinigilan siya ni Mike.
"Doctor Hernandez is currently checking Joshua's mental and health condition before allowing any visitor," paliwanag ng lalaki.
Tumango ang dalaga at umupo sa tabi ng ama ni Joshua.
"Thanks God, nagising na finally si Joshua! Isa itong magandang regalo ng Diyos, pangalawng buhay ng anak ko!" masayang bulalas ng ama ni Joshua kay Mike at Leslie.
Nagkatingnan silang tatlo na pawang may mga ngiti sa labi.
Leslie tried hard to contain her happiness, parang gusto na niyang maiyak sa sobrang kaligayahan. Salamat Lord! Salamat Lord! Paulit-ulit niyang usal sa saili.
Maya't-maya pa unang tinawag ni Doctor Hernandez ang ama ni Joshua at pinapasok sa room. After 10 minutes, lumabas na ito, punung-puno ng kasiyahan ang mukha.
Pangalawang tinawag ay si Mike, mabilis itong pumasok sa silid. Nang lumabas ito, masayang-masaya rin ang mukha nito. "Leslie, you're next!" masigla nitong sabi sa kanya.
Super excited ang dalaga ng pinapasok na siya ng doctor. Nadatnan niyang mulat na ang mga mata ng binata, nakahiga pa rin ito sa kama.
Nang lumapit na siya dito, nagtama ang kanilang mga mata...
"Hi Josh...am here na," maluha-luha niyang bati dito, puno ng pagmamahal ang kanyang boses. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili.
Matagal siyang pinagmasdan ng lalaki...
Hindi ito nagsalita, tahimik lang itong nakamasid sa kanyang mukha.
"J-josh," muli niyang sambit sa pangalan nito.
Nang magtangka siyang hawakan ang mga kamay nito, biglang kumonot ang noo nito, at umiwas sa hawak niya. Parang sasabog ang puso niya.
"S-sino ka?" waring naguguluhang tanong ng lalaki sa kanya. "Hindi kita matandaan, hindi kita kilala. D-do I know you?" tanong nito sa kanya.
At tuluyan ng sumabog ang mundo ni Leslie sa narinig. He forgot her? Damn!
Nagkatinginan naman ang doktor at and nurse. Bagamat nagtataka man, naiintindihan ng doktor kong bakit nagkaganito si Joshua ng magising.
"Leslie, I'm afraid, he is having selective amnesia. He totally forgotten about you. He has no memory of you. Am so sorry. At this time, mas mabuti pa sigurong lumabas ka muna para makapagpahinga na si Joshua. I will talk to you later," mahinang paliwanag ng doktor.
Nanlumo ang dalaga nang lumabas ng silid. Joshua has totally forgotten everything about her! She did not expect this! Nakakalungkot...
Nang lumabas na ang doktor, ipinaliwanag niya sa tatlo ang current condition ng binata. All Joshua's vital signs are good, except he can't remember Leslie. Therefore may selective amnesia ang binata. It can happen to somebody who undergo car accident.
"He was talking about a certain name, a woman's name...Brenda, fiancee daw niya. He wants to see her. Am so sorry Leslie, at this point in time we can't do anything, except to wait for him to remember you," may simpatiya sa boses na sabi ng doktor.
"B-brenda is Joshua's 'ex'... Dok," paliwanag ni Mike.
"Ah ganun ba," patangu-tango nitong sabi.
Parang may bikig sa lalamunang hindi na makapagsalita ang dalaga sa sobrang pighati. Her whole world is crumbling down, nasira lahat ng pag-asam niya na mabuo silang tatlo ni Joshua at ang kanyang anak, bilang isang masayang pamilya.
Pero ayaw niyang sumuko agad! Ayaw niyang bumitiw ng basta na lang na walang gagawin...
"D-doc, may pag-asa pa bang maalala niya ako-?" malungkot niyang tanong.
"Yes. But I can't give you the exact time and date. It may happen tomorrow, next week, next month or even after one year. Nobody knows. It's all depend on Joshua," sagot ng doktor. "By the way, I still have other patients to check. I will check back on Joshua later," paalam nito.
Matagal ng nakaalis ang doktor...
Tahimik pa rin ang dalawang lalaki. Parehong di nila alam kong paano i-console si Leslie.
"Everything will be okay in the end, Hija." Iyan ang huling sinabi sa kanya ng ama ni Joshua bago ito umalis.
Maya't-maya pa umalis na rin si Mike. Hindi ito nagsalita pero tinapik siya sa balikat, tanda ng pakikiramay sa kanyang nararamdaman.
Naiwan siya sa labas mag-isa. Saka lang niya naalala ang kanyang anak, pumasok na siya sa loob ng sleeping room, nadatnan niyang mahimbing pa rin ang tulog ng anak. Pinigilan niya ang sarili sa pag-iyak ng malakas baka magising ang bata. Paano niya ipakilala ang anak sa kanyang ama-na mismong siya na ina ay hindi nito kilala? Naguguluhan siya...
BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
RomanceTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...