PAGBALIK NI LESLIE sa Grace Apartelle, naroon na ang kanyang mga gamit, courtesy of her housemates. She sent a thank you text to her friends earlier, telling them she is okay and she will visit them soon.
Isa-isa niyang inayos sa dapat kalagyan ang kanyang mga gamit. Pagkatapos ay binasa naman niya ang text message mula kay Joshua.
Kinabahan siya dahil nakasulat roon na gusto siyang makilala ng pinsan nitong si Mike. Nakapag-set na ito ng date tomorrow evening sa La Bouvere Hotel, isang primera klaseng five star hotel.
Isang katok sa pinto ang umagaw ng kanyang pansin, ito'y kanyang binuksan.
"Aling Nelly, kayo po pala. May kailangan po ba kayo sa akin?"
"Wala naman. Tinitingnan ko lang kong okay na ang lagay mo dito. Kung may kailangan ka pa ba, sabihin mo lang." Kusa na itong umupo sa bakanteng silya.
"Ah-Tungkol po sa renta, magkano po ba ang renta dito?" aniya.
"Huwag na. Si Boss na ang bahala doon. Iyan ang bilin niya sa akin."
"Kilala niyo po si Boss? N-nakita niyo na po siya ng personal?" Sunud-sunod niyang tanong dito.
"Aba, hindi ko pwedeng sabihin sa'yo, Leslie. Iyon din ang mahigpit niyang bilin sa akin. Mas makakabuting huwag ka na lang magtanong." Napakamot tuloy sa kanyang batok ang Ale.
"Okay lang po ako dito. Salamat po," dismayado niyang turan.
"Sige, iiwanan na muna kita. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin," habilin nito bago umalis.
Pagkatapos maayos ang higaan, umidlip na si Leslie. Hindi agad siya nakatulog dahil maraming bagay ang bumabagabag sa kanyang isipan. Isa na roon ang nabuong relasyon nila ni Joshua. Hatinggabi na nang dalawin siya ng antok.
LA BOUVERE HOTEL, eight o'clock na ng gabi. Hindi mapalagay sa kanyang kinauupuan ang dalaga. Ang kagandahan ng hotel ay nakakaaliw sa paningin pero hindi man lang iyon nakapag-pakalma sa balisang si Leslie. Kanina pa napapansin ni Joshua ang pagiging balisa nito.
"Sweetheart...relax..." Pinisil-pisil pa ni Joshua ang nanlalamig na mga kamay ng kasintahan.
"Josh, I t-think your cousin is a monster," pabiro niyang sabi dito.
Joshua grinned. "Nah, don't be afraid of him. He is such a nice guy. Mabait na tao si Mike." Paninigurado nito.
Ewan ba ni Leslie sa sarili. Pakiramdam kasi niya mabigat ang kanyang loob sa di pa nakilalang pinsan nito.
Isang mestisuhing lalaki ang papalapit sa kanilang table. May pagkahawig ang lalaking iyon kay Joshua. Si Mike? Hindi maiintindihan ni Leslie kung bakit ganon na lang ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib.
"There you are guys...sorry to keep you waiting." Umupo na ito sa bakanteng silya.
"Pinsan, here you are at last! Akala namin hindi ka na darating," wika ni Joshua
"P'wede ba naman 'yon. I wont simply miss this chance of meeting your lady love." Nakangiting turan nito. Ang mga mata ay nakatitig na agad sa mukha ng dalaga.
Nagkatitigan sina Mike at Leslie.
"I'm Mike Lubre, pinsang buo ni Joshua. A-and you are Leslie Valdez, right? The new girlfriend of my playboy cousin..." Kinamayan siya nito.
Leslie nodded at tinangap niya ang kamay ng lalaki.
Tumikhim bigla si Joshua. "Pinsan, she is the last I swear. Huwag mo naman akong siraan sa kanya," pakiusap niya dito.
BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
RomanceTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...
