HATINGGABI NA NANG MARATING nila ang rest house sa Bulacan. Hindi na ginising ni Joshua ang mag-asawang katiwala roon, palibhasa natawagan na niya ito kanina na huwag na lang silang hintayin. Dumeretso na sila sa rest house. Sadyang iniwanan ng katiwala na bukas ang lahat ng ilaw.
"Pasok ka na Leslie, welcome to our little mansion."
Napansin ng dalaga na puti ang kulay ng rest house, outside and inside. Wow...white house, aniya sa sarili, very elegant looking!
Dumeretso na sa kanyang silid ang binata, kasunod naman niya ang nag-aatubiling dalaga.
Binuksan ni Joshua ang mga closet roon. Naglabas siya ng dalawang jogging pants at dalawang white t-shirt. Ibinigay niya ang isang pares sa dalaga. "Pasensiya ka na- ito lang ang kaya kong ipa-suot sa'yo."
"P'wede na ito. Salamat."
"Banyo iyang nasa gawing kanan mo. Pwede kang magpalit ng damit roon or mag-shower kung gusto mo. Teka muna may binili pala akong disposable underwear. Hindi ko alam kung kakasya sa'yo, medium size kasi ang napili ko." Ibinigay ng binata sa nahihiyang dalaga ang supot na may laman ding toothbrush at toothpaste.
Shiiit! Namula ang pisngi ng dalaga sa hiya. Nakakahiya talaga, aniya sa sarili. Ano ba itong napasok niya!? Nag-mamadali siyang pumasok sa loob ng banyo. God I hate this! Paulit-ulit niyang usal sa sarili.
Tapos na siyang nagsipilyo, nag-half bath at nakapagpalit na rin siya ng damit at underwear. Ano pa ba ang hindi niya nagawa? Ang totoo, ne-nerbiyos na talaga siya. B-baka may masamang mangyayari sa gabing ito. Diyos ko po tulungan niyo ako! Gusto niyang sumigaw.
Nagulat siya sa magka-sunod na katok sa may labas ng pintuan.
"Leslie, kailangan ko ng gumamit ng bathroom. Hindi ka pa ba tapos diyan-?"
Hindi na siya sumagot. Dagli niyang binuksan ang pinto at nakatungong lumabas, dahilan para bumangga siya sa matipunong katawan ng lalaki na nakaharang na pala sa labas ng pintuan. Agad naman siyang niyakap ng lalaki para i-balanse dahil kamuntikan na silang matumba dalawa. Damang-dama niya ang pagsanib ng init ng kanilang katawan.
"S-sorry..." aniyang agaran nang dumistansiya sa lalaki.
"A-are you scared?" His eyes and voice is assessing her worried face. "Are you okay- Leslie?" Nag-alalang untag nito sa kanya.
"Bakit-may dapat ba akong ikakatakot?" tanong niya sa malumanay na boses. She is trapped in a very delicate situation and she can't get out!
"Relax...sweetheart. Masyado ka lang tensed. I'm not going to bite you. At kung sakali mang gagawin ko 'yon, masarap akong mangagat, promised!" Pilyong kindat ng binata sa kanya.
"A-anong balak mong gawin-?" Litong tanong ni Leslie.
Hindi na sumagot ang lalaki at napapa-iling na lang itong pumasok sa banyo. Pero bago pa nito isinara ang pintuan nang tuluyan, iniwanan muna niya ng isang makahulugang ngiti ang dalaga, a devilish playful smile. Batid ni Leslie kung ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon. She shivered all the way to the tips of her hair down to her toes.
Umupo siya sa upuang kaharap ng tokador na naroon. Sinuklay niya nang maraming beses ang kanyang lampas balikat na buhok. Nasa ganoon siyang ayos nang lumabas na ang binata mula sa banyo. Dumeretso ito sa kama at humiga, nakapagpalit na rin ito ng damit.
Ang totoo pagod na rin si Leslie both physically and mentally. Gusto na rin niyang humiga at umidlip sa malambot na kama. Tumayo siya at lumapit sa kaliwang bahagi ng kama. "P-pwede na ba akong matulog?"
"Yes, of course. Humiga ka na sa tabi ko," anitong titig na titig sa kanyang mukha.
"T-tabi tayo!?" nabibilaukan niyang tanong rito.
BINABASA MO ANG
Kapantay Mo Ay Langit (On Going)
RomanceTulak ng mapaglarong tadhana, napabilang si Leslie sa mga babaeng for hire. Sila ang uri ng mga babaeng tumatanggap ng malaking halaga ng pera para gawin ang ilang maseselang misyon. Bilang neophyte sa bagong mundong pinasukan, isang simpleng misy...
