*Chapter 11: New Life!

2.7K 70 77
                                    


DALAWANG LINGGO NA ANG nakalipas mula ng makauwi sa kanilang nayon si Leslie. Naipagtapat na niya lahat sa kanyang ina ang tungkol sa kanyang ipinagbubuntis, ang tungkol kay Joshua at ang trabahong napasukan niya. Wala siyang itinago para mabilis siyang makapag-move on.

Nagpasalamat na lang siya at kahit papaano wala siyang narinig na kahit anong sumbat mula sa kanyang ina. Nanatili itong maunawain at mapagmahal na ina sa kabila ng mga nalalaman nito.

Luluwas silang dalawa ngayon ng kanyang ina sa lungsod para tubusin ang kanilang dalawang ektaryang niyugan na naisangla noong kasalukuyang na-ospital ang kanyang ama dahil sa sakit nito sa puso. Malaki ang nagastos nila sa ospital kaya naisangla ang kanilang niyugan, sa kasamaang-palad di pa rin nailigtas ang kanyang ama.

Kapag natubos na nila ang kanilang niyugan malaking tulong ito para sa kanilang pangkabuhayan. Hindi na niya kailangang lumayo para magtrabaho uli. Sapat na ito para matustusan ang kanilang pangangailangan. Pwede rin naman silang magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng mga hayop para dagdag kita din. Balak pa niyang magtayo ng munting tindahan para may mapaglibangan pero saka na lang iyon kapag naisilang na niya ang kanyang baby.

Ang perang pabaon ni Boss sa kanya ay gagamitin niya sa tamang paraan.

Kumusta na kaya si Joshua? 

Miss na Miss na kita! Sigaw ng kanyang puso...Sa alaala na lang kita patuloy na mamahalin...

Muntik na siyang mapaiyak, na agad niyang binawi ng makitang lumabas na sa kanyang silid ang kanyang ina na si Aling Flor na nakangiti.

"Tara na anak! Umalis na tayo baka aabutin pa tayo ng gabi sa daan. Sa wakas matubos na rin natin ang ating nakasanlang niyugan!" bulalas ng nakangiting ina.

"Sama kami Ate, Inay!" Sabat ni Jordan at BamBam ang kanyang 13 years old at 10 years old na nakababatang kapatid na lalaki at babae.

"Huwag na! Pang-gulo lang kayo roon," saway ng ina.

Lumapit ang tabatsoy na si BamBam sa kanyang Ate. "Pasalubong ate, ha? Yung paborito kong tinapay at palaman, samahan mo na rin ng ice cream!" anitong namimilog ang mga mata.

"Hay naku, bata ka! puro kain na lang ang nasa isip mo!" saway ni Leslie sa kapatid.

"Ako rin ate! Ibili mo ako ng bagong sapatos, pantalon at t-shirt!" hirit naman ni Jordan.

Napapailing na lang ang dalaga sa nakakatuwang request ng mga kapatid.

"Naku, saka na lang 'yang mga hinihiling niyo, uunahin na muna natin tubusin 'yung niyugan natin para may mapagkakitaan tayo..." Paliwanag ng ina.

Inakbayan ni Leslie ang dalawang kapatid. " Don't worry mga kapatid, one of these days, mag-shopping tayo sa bayan. Bibilhin natin yung mga hiling niyo. Hindi muna ngayon, sa ibang araw na lang. Okay?"

Pagkatapos magbilin sa mga kapatid ng mga gawaing bahay na dapat tapusin, umalis na ang mag-ina.


PININDOT NI ALING FLOR ang doorbell sa may malaking gate ng angkan ng mga Arcenas. Ang angkang ito ang isa sa pinakamayaman sa kanilang lugar.

Nang bumukas ang maliit na tarangkahan, mukha ni Aling Dolores ang bumungad sa kanila. Isa ito sa mga katulong ng mga Arcenas, kapitbahay at kaibigan ng ina ni Leslie.

"Flor...Leslie! kayo pala, pasok kayo, kumusta na kayo?" anitong masiglang binuksan ng maluwang ang maliit na tarangkahan.

"Kumusta ka na rin Dolores? Dalawang buwan ka ng 'di nakadalaw at nakauwi doon sa atin?" ani ni Aling Flor.

Kapantay Mo Ay Langit (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon