Chapter 6: (Rival)

129 13 0
                                    


Sinamahan muna ni Samantha si Lina sa pag gagala nito kaya 'di muna sya nangulit kay Tristan

Habang si Tristan naman ay nagtataka kung bakit wala sya pero nagawa naman nitong kalimutan sya saglit, Nakita nya na papalapit yung crush nya kaya napa tago sya sa isang sulok

"Ay! Nabasa mo na ba yung HU? Oh my girl, You should try reading it. It's so maganda" maarteng usal ng kasama nung crush nya, "Hindi, naging busy kasi ako lately kaya wala akong time mag watty pero I'll try naman" tila napa ngiti sya ng makita ang dahilan kung bakit sya napapangiti

Sumulip sya ng kaonti pero 'di sya nakaligtas sa mata ng crush nya "Kuya? Bakit?" Malumanay at angelic na boses na tanong nito sa kanya

Ni 'di sya maka galaw at makapag salita dahil sa hiya
"Uh..uhm..ano..w-wala..k-asi" napalunok sya dahil wala s'yang makapang salita na pwedeng idahilan.

"Hayy torpe problems" nagulat sya sa pagsulpot ni Samantha na nakahalukipkip habang naka ngisi, Sinamaan nya ito ng tingin

"Sorry?" Tanong ng crush nya at nginitian sya dahilan ng mas lalong pagtikom ng bibig nya "ay para kang tanga estatwa ka na ngayon? Pati pala kabahan Oa ka rin" pailing iling na usal ni Samantha

"Ahm bye haha.." Nagpaalam na ang crush nya pero sya ay na estatwa pa rin. Ng makalayo na ito tsaka sya naka galaw "bye! Labyu!" Pasimpleng sabi nya, Siniko naman sya ni Samantha "Landi mo din eh no? Pag malayo nga lang sya" pang aasar ni Samantha

"Aish, Epal ka din eh no? Manahimik ka na nga lang" masungit na ani ni Tristan at naglakad na. "Oy sabi mo tutulungan mo na ako?" Tanong na naman ni Samantha, Napa tigil ng paglalakad si Tristan at humarap sa kanya

"O sige pano na 'tin uumpisahan?" Tanong ni Tristan pero natahimik at napakamot lang si Samantha ng ulo
"He..he..Di ko rin alam eh" tanging sabi nya. Tinulak naman ni Tristan ang noo nito at tumaas ang isang sulok ng labi nya

"Yan! D'yan ka magaling sa pangungulit tapos pag ok na ewan mo lang pala" nagpatuloy na uli sa paglalakad si tristan habang naka pamulsa, Humabol naman sa paglakad nya si Samantha

"Ang yabang mo naman, Kaya nga nagpapatulong ako kasi  'di ko alam gagawin ko eh ayaw mo 'yun? Para manahimik na ako tsaka wala ng manggugulo sayo mamumuhay ka na ng tahimik!" Sinabitan nanaman sya nito sa braso.

"Ang hirap kaya ng pinapagawa mo, Maski nga ikaw 'di alam dinadamay mo pa 'ko" iniwasiwas na naman ni tristan ang braso nya

"Heh!" Iritang sigaw ni Samantha. Napagpasyahan nito na 'wag munang guluhin si tristan at naiirita rin sya pag nakikita ang pagmumuka nito

Nakita nya si Rey na nag sa-soundtrip sa ilalim ng puno sa garden at tahimik rin dun at walang masyadong tao, Tumabi naman sa kanya si Samantha









"Mabuti pa dito walang asungot na masungit na 'yon, Nice choice rey!" Nag thumbs up sya sa katabi na wala namang malay na nandun sya.

Isinasayaw ni Rey ang ulo nya kasabay ng tugtog na pinakikinggan, Tumingin lang sa malayo si Samantha at nag bugtong hininga. Habang si Rey ay halos mapatalon sa kinauupuan nito

"Miss nakakagulat ka naman, Kanina ka pa ba d'yan?" Tanong nya sa 'di kilalang babae na nasa tabi nya bigla

"Hays, Sana may mga ganyang reaksyon pa sa 'kin no? Nahihirapan na 'kong magmuka lang hangin no. Kaya gustong gusto ko na talaga umalis" malungkot na sabi ni Samantha sa sarili habang naka nguso.

"Huh? Ano?" Lumapit naman si Rey at kinalabit ang katabing babae na iba ang suot na uniform

"Ha? Hala!!!" halos mapatalon rin si Samantha dahil nakikita pala sya ni Rey pero pano?? "Miss? Bago ka lang ba dito?" Tanong uli ni Rey

Imbis na sagutin ay niyakap lang ni Samantha ito at masayang napa ngiti "Yes! Rey ikaw na lang tumulong sa 'kin!" Sabi nya.

Samantala si Tristan naman ay papunta kung nasa'n si Rey pero nagulat sya na naka yakap si Samantha dito kaya medyo nairita sya

Lumapit agad sya sa kinaroroonan ng dalawa at pinaghiwalay ito "Tsk 'di ka nakikita n'yan kaya 'wag kang mag feeling ako na lang yakapin mo" inilahad ni Tristan ang braso nya sa naka simangot na si Samantha

"Heh utot mo!" Pagtataray ni Samantha at sabay ninirapan sya

"Teka ba't mo 'ko niyakap? Tska mag kakilala kayo?" Takang taka si Rey "tulungan? kita? Saan?" Dugtong nito, "Nakikita mo sya??" Takang tanong ni Tristan

Lumapit naman si Samantha at kumapit sa siko ni Rey "Oo bakit? Sa kanya na lang ako hihingi ng tulong hindi sayo!" Inirapan nya na naman si Tristan mas lalong nairita si tristan sa inaasta ni Samantha

"Sa 'kin ka nangungulit ah tapos bigla kang kakapit sa iba? Hah! Wala kang loyalty!" Dipensa ni Tristan

"Teka nga! Ano ba kasi pinag sasabi nyo?" Tanong na naman ni Rey, Tinanggal nya ang pagkakakapit ni Smantha sa kanya.

"Nakikita mo kasi ang pretty face ko eh hindi ko naman alam kung pano pero alam ko na matutulungan mo 'ko, 'di tulad ng isa d'yan ang sungit!" Mataray na usal ni Samantha

"Ah? Hello malamang makikita kita ano ka multo?" Pagkasabi nun ni Rey ay sabay na natawa sina Tristan at samantha.

"Oo multo nga ako" pagkasabi nun ni Samantha ay nanlaki ang mata ni Rey. Akala nila'y hihimatayin ito o kung ano man pero hunagalpak ito sa kakatawa

"Pati rin pala kaybigan mo namana ang pag ka OA mo" pagkasabi nun ni Samantha ay naka isip si Tristan ng ipang aasar dito. "Eh sino kayang nag A-I love you sa 'kin tsaka kanino mo kaya namana ang pagiging makulit mo na kahit natutulog ako ay na--" 'Di na natuloy ni Tristan ang sasabihin dahil tinakpan ni Samantha ang bunganga nya.

"Tama na, Ang dami mo ng nasabi na katokisan..nabibwisit na ako" mariing tugon ni Samantha, At nagpapakita ng mapait na ngiti. "Ano? Ka? May gusto ka sa kanya ate?" Biglang tanong ni Rey, Napamulahan naman ng muka si Samantha at feeling nya ay nagmistulan na s'yang kamatis.

"O--" "Wag ka nang mag salita..ok!" Tila naiirita na talaga si Samantha. Sa ginagawang pang-aasar sa kanya ni Tristan. Magsasalita pa sana si Tristan pero 'di na nakapag timpi si Samantha at agad na sinikmuraan ito. "Sabi ko sayo tumigil ka eh" nanlaki naman ang mata ni Rey.

Napalunok ito at pinilit na ngitian si Samantha, At nilapitan nya agad si Tristan na namimilipit sa sakit. "O-ok k-ka lang?" Kamusta nya sa kaybigan

Ng muling tinignan nya si, Samantha ay parang wala lang na naka ngiti ito ng matamis.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon