Chapter 7: (Crushy)

124 12 0
                                    


"Totoo ba talagang...multo ka?" 'Di makapaniwalang tanong ni Rey, Kasalukuyang nasa apartment sila ni Tristan

"Oo nga, Gusto mo tumagos ako sa pader or mag teleport?" Masayang usal ni Samantha, Parang bata na ngumiti si Rey at pumapalak pak pa.

Nagpakitang gilas pa si Samantha, habang si Rey parang tangang batang tuwang tuwa
Habang si Tristan naman ay hinaharas ang tinatagang manok

Naiirita kasi sya sa lakas ng tawanan ng dalawa, 'tsk ignorante hmp! Tagain ko mga dila nyo eh'

Sigaw nya sa isipan. Napansin naman ni Rey ang niluluto ni Tristan kaya iniwan nya muna si Samantha sa sala

"Oy! Mukang masarap ah, Nga pala ang saya pala kasama ni Samantha no?" Nakangiting usal ni Rey

Napa isip naman si Tristan.

Nagpupumilit na tulungan sya, Nag A-I love you pa sa 'kin nag papa cute, Pinahiya ako pinaasa ako tas niloko pa ako! tas bigla akong sinikmuraan tsaka naghanap pa ng panget na tutulungan sya.

"Oo masaya nga" walang buhay na sagot ni Tristan habang malakas na tinaga yung manok. "Hoy easy lang hinaharas mo walang ka muwang muwang 'yan no! Tinaga mo na nga mapupunta pa sa t'yan ko mamaya" naka ngiting sabi ni Rey habang hinihimas ang t'yan nya.

Tinapunan ng matalim na tingin ni Tristan si Rey itinaas nito ang itak na hawak nya

"Gusto mo ikaw tagain ko? At ikaw rin ang mapupunta sa t'yan namin ni Samantha!?" Pananakot ni Tristan, Napalunok naman si Rey at marahang tinapik sa balikat si Tristan "Ito naman..Nagbibiro lang eh, Ang sabi ko aalis na 'ko bye!" Tumakbo sya pabalik sa sala

Nagtaka naman si Samantha. "O ba't ka namumutla d'yan?" Tanong nito.

'Phew. Grabe ni-nerbyos ako dun ah? Ano kayang natira ni Tristan at ang init ng ulo nya?'

Tanong ni Rey sa isipan, Nginitian nya lang si Samantha.
"No worried, I'm no blood flowing my face" bara barang english nito at 'di pa sya sigurado kung tama man 'yon

"Ahh..muka nga" napa ngiwi na lamang si Samantha dahil sa pagtataka dahil wala s'yang naintindihan sa sinabi ni Rey.







TAPOS ng magluto si Tristan at tanging isang plato lang ang nakalagay sa lamesa.

Pumunta naman sila Samantha sa kusina, Kukuha na sana si Rey ng plato pero wala ng iba pang plato sa lalagyan. "Tris asa'n na yung ibang plato dito?" Tanong nya.

Masarap na kumakain si Tristan at tinignan sila "ah yun? Malay ko magic ata naglaho eh" tanging sabi nya, Sa bawat subo ay gutom na gutom na naka tingin si Rey habang wala lang 'yon kay Samantha na sanay nang walang kinakain.

"Pano ba yan nagugutom na ako eh" kumamot sya ng ulo at umupo sa katapat na upuan ni Tristan mas lalong nag pa inggit si Tristan.

Masaya kayo kanina ah, Tawa tawa pa humanda ka ngayon

"Bilisan mo kumain nagugutom na 'ko pariham plato!" Pangungulit ni Rey.

Matagal pa bago matapos si Tristan, Napapalunok pa at mas lalong kumakalam ang sikmura nya habang naiinggit sa kaybigan, Nang natapos na si Tristan ay masayang kukuhanin na sana ni Rey ang plato na ginamit nito pero pinigilan sya ng kaybigan.

"Uy pano ba 'yan gutom pa ako" pang aasar nya.

"Hala! Ano ba 'yan eh, Patay g ka ata eh" naiirita na talaga si Rey sa inaasta ng kaybigan at naisip nya na mukang ayaw talaga sya nito pakainin

Napansin naman 'yon ni Samantha

"Ah Rey gusto mo nakawan kita ng pagkain sa mcdo? Dali!" Masayang sabi ni Samantha
"Ha? We? Eh baka pagpag ibigay mo sa 'kin 'wag na lang" napahawak sa batok na sabi ni Rey

"Ah! Hindi saglit mabil--"

"O kumain ka na bilisan mo pakabusog ka ah!" Mabilis na singit ni Tristan at tsaka binigyan si Rey ng malinis na plato, Nilabas nya lahat ng plato at kutsarang naka kalong kanina pa sa hita nya.

Napanganga na lamang si Rey ganun din si Samantha. Umalis na si, Tristan at nagtungo sa C.R habang kumakain naman si Rey ay lumapit sa kanya si Samantha at umupo sa pwesto kanina ni Tristan

"Ang sungit nya talaga 'no ginawa ka pang aso" sabi nya habang naka gusot ang muka.

Napakamot naman ng ulo si Rey at ngumiti na lang bilang tugon.

'Grabe naman 'tong babaeng 'to, Pwede naman sabihing pinaghintay ako pero ginawa pa 'kong aso hmp! Tampalin kita eh'

ani nito sa isip nya.






KINABUKASAN

"Tris asa'n si Samantha mukang wala ah?" Tanong ni Rey habang nasa klase sila. "Kitang wala eh tatanong ka pa" pagsusungit ni Tristan

"Hmp sungit mo" tanging usal ni Rey at nakinig na. Nakita nilang biglang sumulpot si Samantha sa harapan nila pero nasa bandang harapan ito, Kumaway sya at ngumiti. "ayun!" Mahinang sabi ni Rey

Inuga nya pa ang upuan ni Tristan, Dahil sa harap nya lang 'to nakaupo.

"Hi!" Masayang wika ni Samantha at nagtatakbo. Kumaway din si Tristan akala nya ay sa kanya pupunta ito pero nilagpasan lang sya dumiretso ito kay Rey.

Nakaramdam na naman sya ng pagkainis. Naririnig nya na naman ang ipit na tawa ng dalawa at tila pagpipigil pa ni Rey dahil sa mata ng ibang tao ay wala s'yang katawanan.

"Sino ang may alam ng equation nito?" tanong ng guro sa harapan dahil sa inis kanila Samantha ay itinaas ni Tristan ang kamay nya

"Yes Mr. Mendez?" Tanong nito "Alam po ni Rey ang sagot ready na nga daw po sya eh" laglag nya rito

Nagulat naman si Rey dahil wala s'yang kaalam alam sa lesson, Napakamot sya ng ulo "Yes Mr.Buencamino kindly proceed here in front"

"Tris ang hirap hirap nun,eh ba't mo naman ginawa yun?" Naka ngiwing tanong ni Samantha

Tanging ngisi lang ang ginawa nya habang si Rey ay hirap na hirap sa pag-iisip.

"Epal ka talaga alam mo bang ang poor brain ko? Naghirap sa pag so-solve eh 'di ko naman alam yang math na 'yan" Pagrereklamo ni Rey habang sumusubo ng burger

"Ang ingay nyo kasi ako dapat sasagot nun" sagot naman ni Tristan habang kumakain ng binaon nya kanina

"Huh? Eh ba't ako!"

"Kasi nakalimutan ko kaya ikaw nalang" pang aasar nya dito, Kinaltukan sya ni Rey natawa na lamang sya.

"Parang crush ko si Samantha ang cute nya kaya" parang nag de-day dream pa ata si rey

"edi wow" tanging sagot ni Tristan.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon