Chapter 14: (Market)

113 11 1
                                    


"Rey"

"Uy gising na"

"Reeeey!!"

Inalog alog ni Tristan si Rey hanggang malaglag ito sa kama pero hindi pa rin sya nagigising kaya kinabahan si Tristan, At agad ring natawa sa naisip

"Hahaha hindi sya patay, Gising pa siya kahapon tulog lang 'yan" usal niya sa sarili at agad uling ginising si Rey. "Tayo na d'yan oy! Mamamalengke pa tayo!" Sigaw niya sa tenga nito pero wala pa ring kibo si Rey

Kaya kinabahan na si Tristan sa lagay ng kaybigan iniangat niya ito sa higaan at hinawakan ang pulso niya

"Rey! Gising!" Inalog at tinampal niya ang pisngi ni Rey pumasok naman si Samantha sa kwarto nila

"Bakit? Anong nangyayare kay Rey?" Tanong nito, Hindi siya sinagot ni Tristan

"M-mukang Patay na rin si Rey tulad ko" bulong ni Samantha. Umiling at may naisip na paraan si Tristan

Kinuha niya ang sapatos niya at dinukot ang lamang medyas no'n, Napatakip ng ilong si Samantha at napahalakhak naman si Tristan.

Inilapit niya ang nabubulok na medyas sa ilong ni Rey at minudmod ito.














"HAYOP KA TRISTAAAAANN!! MAKAKAGANTI DIN AKO SAYO, HUMANDA KA! ANGBAHOOOOO!!"

Natawa na lamang si Tristan kay Rey na sigaw ng sigaw sa C.R habang si Samantha ay naka ngiwi at masama ang tingin ka Tristan, Napansin naman siya ni Tristan kaya humalukipkip siya

"Ba't ganyan muka mo ha?" Tanong ni Tristan

"Dugyot ka" tanging sagot ni Samantha, Kaya ngumisi si Tristan

"Gusto mo rin?" Tanong niya
"Dug..yot" ulit at may diin na usal ni Samantha

"Shattap" ibinaling ni Tristan ang tingin sa mga tinutuping damit pero ginugulo lang 'yon ni Samantha, "La? Inaano kaba?"

"Dugyot" ulit pa rin ni Samantha habang nag me-make face.

Nag poker face si Tristan "Ginawa ko lang 'yon kase ayaw n'yang gumising" paliwanag nito at inayos ang mga damit na ginulo ni Samantha.

"Hindi naman 'yon eh, Ang punto ko mga ilang buwan ka pa ata bago maglaba ng medyas, Kaya dugyot ka" asar ni Samantha

"Wala kang pake do'n, Gusto mo salit salitan pa tayo eh" inilagay ni Tristan ang mga damit sa bagahe, Lumapit ng kaonti si Samantha

"Ba't mo ba tinapon yung glasses na binigay ko para kay Rey?? Nasira 'yon!" Naka simangot na tanong niya at tsaka humalukipkip. "Ba't ba puro ka nalang Rey rey rey!" Nagkasalubong ang kilay ni Tristan at marahas na sinara ang bagahe at inilagay 'yon sa gilid ng higaan.

"Kase mabait sya, Cute siya, Ang cute ng dimples niya! Magkaybigan kami! Lagi n'yakong pinapatawa lagi kaming nag ku-kwentuhan! Ang cute cute cute ni Rey ko!" Usal ni Samantha

"At higit sa lahat tanggap niya ang pagiging makulit at pakiala---"

Nanlaki ang mga mata niya ng idinikit ni Tristan ang labi niya sa kanya.

Ng humiwalay ay ngumisi ito

"Ngayon, Mananahimik ka na" naka ngising mapang asar ang suot ni Tristan sa mga labi niya humalukipkip ito at tsaka lumabas ng kwarto

Habang si Samantha ay naka tulala pa rin, Dahan dahan niyang hinawakan ang labi niya at ang pulang pula na niyang pisngi.

"M-manyak ka tristaaaan!!"

Lumabas na ng C.R si Rey at ang sama ng tingin nito kay Tristan, Ngumisi lang si Tristan

"Mabango no? Samahan mo 'ko sa palengke mamimili tayo" utos niya kay Rey pero masama pa rin ang titig nito sa kanya.

"Lalala!? Pabebe ah titig pa 'yan" natatawang usal ni Tristan, Napatalon siya ng binato siya ng sapatos ni Rey

"Uy gagi masakit ah" reklamo ni Tristan, Pumulot uli si Rey ng upuan at iniangat ito sa ere

"Masakit?" Ngayon ay mala demonyong ngisi ang nasa labi ni Rey, Napa sign of the cross naman si Tristan at pinilit na ngumiti ng matamis

"Joke lang 'yon, G-ginising lang naman k-kita..labyou"

Nagtatakbo siya palabas. Ng medyo malayo na ay nakahinga siya ng maluwag

"Ha! Kung wala syang hawak na upuan makakaya ko syang patumbahin gamit ang muscles ko no! Hayaah!" sumisipa at sumusuntok suntok pa siya sa ere.

Ng may dumaan ay umayos siya agad ng tayo at yumuko
Inayos niya ang buhok niya "Makapamili na nga"













SAMANTALA si Samantha ay paikot-ikot sa kwarto gusto kasi n'yang magpabili ng hairpin pero nahihiya siya dahil sa ginawa ni Tristan, Napagpasyahan n'yang bumaba na at natagpuan si Rey sa sofa habang naka face mask.

"S-si Tristan?" Tanong niya kay Rey, Nagkasalubong ahad ang kilay ni Rey "Ewan! Ewaaan!!" Sigaw nito nagulat naman si Samantha

"Siraulo ka" taray niya at nag teleport palabas ng beach house,  'Nasa'n kaya siya?' umatras ayras siya para makita si Tristan pero agad s'yang natalisod sa bato at

"Lampa" bulong ni Tristan, Nasalo siya nito at ngayon ay naka tingin lang sila sa mata ng isa't-isa. Agad nanamang namula ang pisngi ni Samantha dahil nag flashback ang ginawa kanina ni Tristan.

"B-bitawan m-mo na ak--" binitawan siya ni Tristan dahilan ng pagbagsak ng pwetan niya sa buhanginan. "Bwiset kaaaaa!" Asar na sigaw ni Samantha

"Sabi mo eh, Tsaka napansin ko lang hindi ka na sweet simula nung nakikita kana ni Rey, Tsk wala kang loyalty" nag pout si Tristan kaya naalala na naman ni Samantha yung kanina kaya umiwas ito ng tingin

Si Tristan naman ay parang wala lang na naka tingin sa kanya

"S-sama ako, May bibilhin ako" bulong ni Samantha.

"Bakit may pera kaba?" tanong ni Tristaan, Nahiya naman lalo si Samantha. Tumayo si Samantha at nagpagpag ng sarili, Tumalikod na ito at naglakad pabalik sa beach house pero nagulat siya ng biglang siyang hinigit ni Tristan at inakbayan.

"Joke lang lika na" 

'ano kayang meron kay tristan ngayon? Ba't parang nakapalan masyado muka niya?'

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon