Chapter 21: (Finding Me)

63 9 5
                                    

Samantha's POV•

Habang nasa klase pa si tristan mag gagala muna ako at pipiliting makaalala pa ng nakaraan ko. Dahil napaka konti pa lang at hindi ko pa kayang ipag dugtong ang lahat.

Napadpad ako aa lugar na tinuro ni lina kung sa'n nya ako nakita 2 yrs ago, Hays namiss ko na naman si Lina.

Convenient store lang ang naka tayo dun, bakit naman kaya dito? Lumibot ako sa lugar na 'yon sa likuran pala ng convenient store bakanteng lupa ang creepy ng lugar dahil bakante at bungkal ang mga lupa.

Gusto ko sanang magtanong sa mga tao sa loob kaso nga hindi ako tao diba? Bigla namang may papel na nadaanan ng paningin ko, Lumapit ako do'n dahil na intriga ako. Natakpan na 'yon ng lupa

Nang makalapit ako dyaryo pala hindi basta basta papel lang, Hinugot ko 'yon pero biglang may humatak ng kamay ko mula sa lupa

"Aaahhh!! Bitawan mo'ko!" Sigaw ko at nagpumiglas pero hindi pa rin ako binibitiwan ng kamay na naagnas na. Bigla namang lumitaw ang ulo nito at agad akong kinilabutan sa takot

Nanlaki ang mga mata ko at lalong lumakas ang pagsigaw. "SUMAMA KA NA SA'KIN!" Sigaw nito pero tumanggi ako

"Ayoko no! Mas okay pa kay grim reaper kesa sa'yo halimaw!"

"SUMAMA KA SA'KIN!" sigaw muli ito, Nadagdagan pa ang mga kamay na nakahawak sa'kin kaya mas kinabahan ako doble na ang lakas nila ngayon. Nag iisa lang ako!

Hindi ko kinaya kaya nahatak nila ang buong braso ko, Naluluha na'ko sa hirap at takot. Pinilit ko pa ring lumaban pero mas dumodoble ang lakas nila

"Ahahahahaha" tawa nila.

Kalahati na nang katawan ki ang nasa hukay hindi ko na kaya nauubos na ang lakas ko.







•Tristan's POV•

Wala pa rin sa bahay si Samantha kaya mejo nagtaka na'ko kung na sa'n sya, Pumunta muna ako sa 7-11 pa kumain tutal tinatamad na rin naman akong magluto.

"Close"

Naiinip na nga ako nagugutom pa!? Akala ko ba 24hours 'to? Tsk.

Naghanap pa'ko ng iba pang convenient store habang naka yuko, Alam nyo namang samut saring multo ang nakikita ko! Nakakatakot na nga nakakabadtrip pa kahit saan saan sila nagpapakita.

Kahit sa mismong cr 'pag nagpapasabog ako kaya pumipikit nalang ako at hindi sila pinapansin. Nakarating ako sa mejo tagong lugar may nakita naman akong,convinient store mejo pamilyar yung lugar 'di ko lang maalala.

Papasok na sana ako ng biglang may narinig ako pag hikbi "Multo nanaman -_-" usal ko kaya tinulak ko na ang glassdoor pero

"Tulong.." Napa lingon ako sa bulong na'yon at alam ko kung sinong nag mamay ari ng boses na 'yon. Agad akong napatakbo at sinundan ang hikbi na 'yon.

Napadpad ako sa likuran nanlaki ang mga mata ko ng makita si Samantha habang ang kalahating katawan nya na lang ang nakalitaw may mga na aagnas na kamay ang humatak sa kanya.

Agad akong lumapit at pinaghahampas ng bato ang mga kamay na 'yon, Tinignan ko si Samantha namumutla na sya at wala nang lakas.

Mas lalo akong nagalit hinatak ko ang braso nya pero masyadong malakas ang pwersa ng demonyo. Dumilat naman ng konti si Samantha baka sa mga mata nya ang takot.

"Ama namin sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo..

Sumigaw ng napakalakas ang mga 'yon at pinagpatuloy ko ang pagdarasal. Unti unting napupulbos ang mga kamay na nakapulupot sa katawan ni Samantha.

Natumba kaming dalawa sa sahig, Ang dumi na ng damit nya wala na syang lakas, Umupo ako at inilagay ang ulo nya sa braso ko

"S-samantha ayos ka lang?" Tanong ko habang inaayos ang mga buhok nyang nakaharang sa muka nya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at paulit ulit na tinatanong kung okay lang sya kahit lam kong hindi.

Umiyak sya kaya agad ko syang niyakap "Ok lang andito na'ko ligtas ka na" pagtahan ko habang hinihimas ang likuran nya

"A-akala ko..m-makukuha n-nila ako.." Mahinang usal nya nanginginig ang buong katawan nya at tila walang buhay na nakayakap sa'kin

"Shhh..okay na hindi ka na mapapahamak uli hanggat nandito ako" bulong ko.

Binuhat ko na sya at naglakad na pauwi.

•Samantha's POV•

takot na takot ako sa mga oras na 'yon, Pero nang makulong ako sa mga bisig nya napawi lahat ng kaba at takot ko kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko..

Nakatitig lang ako kay tristan habang binubuhat nya ko ng bride style. Nakarating na kami sa apartment inihiga nya ako sa kama nya

"Ayos ka na?" tsnong nya uli habang nakahawak sa kamay ko tinignan ko lang sya saglit at tumango

"Ba't ka kase nagpunta do'n? Sinabing mag stay ka lang dito tsk. Ang kulit mo kasi" nagulat ako kasi nag OA nanaman sya! Akala  ko ok na eh.

"Wala ka namang sinsabi ah?" Reklamo ko

"Meron na ngayon" sabi nya habang naka halukikip at magkasalubong ang kilay

"Hindi talaga kita maintindihan oa ka" pagtataray ko at tumagilid ng higa.

"Magpahinga ka, Saka pala bukas sumama ka nalang sa school, Pano kaya kung 'di kita nakita? Edi nilamon ka na ng lupa kasama yung mga aswamg na yun" pang sesermon nya pero hindi ko sya pinapansin.

"Alam kong nakikinig ka ha, Bukas sa school ka at hindi ka mag gagala" dugtong nya pa napaikot nalang ang mata ko

"Opo tatay" diin ko sa sinabi ko, Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at pagpatay ng ilaw. Mejo kinilabutan nanaman ako

Oo alam kong multo ako at patay na pero naman kahit pala multo ako may banta pa rin sa buhay ko? Hays. Hindi pa rin ako ligtas hanggat hindi ko pa naaalala ang nakaraan ko kaylangan kong mag ingat.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon