Chapter 15: (Ano'ng tawag)

90 11 0
                                    

•Sorry for the slow update guys, I'll promise that I'll make it up to you. Maybe I'll try posting 3 chapters on the next weekends I guess. Thanks for understanding •

°°°°

"Bakit ka ba sumama ha? Ano bang bibilhin mo?" Umpisa ni tristan habang tinatahak nila ang daan papunta sa bilihan. "Ikaw ang bibili at hindi ako" tanging sagot ni Samantha kaya napa ngiwi lang si Tristan.

"Teka, Parang wala na yung palengke dito ah." Usal ni Tristan sa sarili, Beach resort naang ang natagpuan nila at himdi ang hinahanap na palengke

"Baka naman sa iba pa 'yon, Nakalimutan mo lang?" Suhestyon ni Samantha pero agad na umiling si Tristan

"Hindi, Alam ko dito talaga 'yon" sagot niya

"O totoy nawawala ka ba?" Agad na napatingin silang dalawa sa nagsalita, Isang matandang lalake na naka pajama at sandong naka tack in at meron pa itong sumbrerong puti.

"Ahh, Nasa'n po ba yung palengke? Alam ko po dito 'yon eh kaso mu--"

"Tama ka dito 'yon, Kaso matagal na 'yong pinatanggal may nakabili kasi ng lupa dito saka pinatayuan ng beach resort na 'yan" paliwanag nito habang itinuturo ang beach resort.

Napatango na lamang si Tristan at na dismaya

"Pero malapit lang 'yong nilipatan ng palengke, Kung gusto mo mag arkila ka ng motor ko para 'di ka na mahirapan" ngumiti ang matanda at itinuro ang mga naka hilera n'yang motorsiklo

"Motor" bulong ni Samantha kaya napatingin sa kanya si Tristan pero agad rin itong umiwas ng tingin.

"Mukang 'di naman po masyadong mainit ah? Bakit po kayo pawis na pawis?" Tanong ni Tristan habang naglalagay ng helmet sa ulo

Nagpunas lang ang matanda ng muka gamit ang nakasampay na face towel sa balikat niya. "Wala 'to"
"May madadaanan kang dalawang tindahan pagdating sa ikatlo lumiko ka sa kanan diretsuhin mo lang 'yon" paliwanag nito

Tumango naman si Tristan at sumampa sa motor "Salamat po ah, Medyo may kalayuan na pala" usal nito

"Sige, Ingat kayo" usal nito at sumilong sa isang kubo

"Sakay na" usal ni Tristan, Nag aalangan man pero sumampa na rin sa likod niya si Samantha. Ng ayos na ay pinatakbo na niya ang motor

Sa kalagitnaan ng byahe ay ikalawang beses na, Na muntik malaglag si Samantha kaya itinigil ni Tristan ang motor

"B-bakit ka tumigil?" Tanong ni Samantha, tinignan lang siya ni Tristan sa side mirror
Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Samantha patalikod at iniyakap sa bewang niya

Nagulat si Samantha dahil do'n ng iaalis niya ang kamay niya pinaandar agad ni Tristan ang motor kaya mahigpit na napayakap si Samantha.

"DAHAN DAHAN KASE!" Sigaw ni Samantha "HINDI NAMAN SA'TIN 'TO KAYA SUSULITIN KO NA" Sagot ni Tristan "ANG BAIT NI KUYA NO?" Saad niya.

Maya maya ay nakarating na sila sa palengke, Ng makababa ay "Tristan, Tungkol nga pala sa matandang nagpa arkila sayo nito.."

"Ano?" Tanong ni Tristan kay Samantha. "Ano, Naki--wala halika na" nauna na siyang maglakad

"Hintay naman"


















"Bilisan na na'tin baka nagugutom na si Rey" usal ni Samantha habang naka tingin sa mga pugita na binebenta. "Tsk, Naalala mo ba siya? Dahil sa mga pugita na 'yan? Pffttt" usal ni Tristan

Inirapan lang siya ni Samantha, tumitingin ng fresh na isda si Tristan kaya lumapit si Samantha "Ayan fresh oh" turo niya sa isang isda, Umiling naman si Tristan "Lahat 'yan fresh kabilang na 'ko dun"

Hindi na sumagot pa si Samantha, "Anong tawag pag pinagsama ang english at tagalog ng isda?" Tanong ni Tristan, Nagtaka naman si Samantha

"Anong klaseng tanong 'yan?" Pagtataka niya "Sabihin mo ano" usal ni Tristan

"Ano?" Tanong ni Samantha
"Edi Fishda! Hahahhahahaha" tinitigan lang siya ni Samantha ng seryoso at saka iniwan

Natatawa pa rin si Tristan sa walang kwenta niyang joke ng mapatingin siya sa tindera
Naka titig ito sa kanya habang naka kunot ang noo

"Galunggong gusto mo? Kasi mukang gunggong ka sa pagtawa mo ng mag-isa, Bakit friends kayo isda ko?" mataray na tanong nito umiling si Tristan at napayuko

Agad s'yang umalis ng makuha ang sukli

Hinabol niya sa paglalakad si Samantha at mahinang nagtatanong "Ano naman ang sikat na shell?"

Napa tingin nanaman sa kanya si Samantha ng naka kunot ang noo "Tristan, Pwede ba? Ano--"

"Edi shelebrity, pfft..haha..ahaha" napa iling si Samantha.

Bago maglagay ng helmet si Tristan ay napahawak si Samantha sa balikat nya. "Bakit?" Tanong ni Tristan, Pero hindi umimik si Samantha.

"Yung clip, Hays. Next time nalang"

Ng makarating ay nag luto na agad si Tristan para sa umagahan, Habang si Samantha ay nag tungo sa kwarto ni Rey at sinilip ito. 'Mukang wala pa rin siya sa mood' nag kibit balikat nalang si Sam at lumabas patungo sa terrace, Napa ngiti siya sa sarap ng hangin at ganda ng asul na dagat.

Ng may biglang pumasok sa isip niya "Sige, Ingat kayo"
Agad s'yang umiling, "Baka naman nag kamali lang siya" Napa tingin naman siya sa baba may naglalakad na matandang babae, May itim iting balabal na nakatakip sa ulo niya. Tinignan lang siya ni Samantha ng bigla itong tumingin sa direksyon niya

May pilat ito sa mga mata na agad nag patayo ng balahibo niya, Kaya dali dali s'yang pumasok at napa sandal sa pader. "B-bakit n-naman ako matatakot? E-eh, M-multo naman na ako" usal niya at pinunasan ang pawis sa noo

"Sam okay ka lang?" Tanong ni Tristan na naka tingin pala sa kanya, Tumingin si tristan sa terrace at tutunguhin ito ng hinawakan siya ni Samantha "Lika na sa baba" aya niya kaya tumango naman si Tristan.

Samantala

"Babae..Masasaktan ka lang, At sana matanggap mo ang lahat" usal ng matanda at inayos ang balabal at agad na umalis.

"Hoy Rey galit ka pa rin?" Tanong ni Tristan habang naka tingin sa naka busangot na muka ni Rey. "Don't talking in me" usal nito, Kaya natawa sila sam at tris ng sabay.

"Ito nalang, Anong tawag sa anak ng shell at fish?"

Napa iling na agad si Samantha at nag takip ng tenga "Shellfish! Hahahah"

Napa tingin sila ng  sabay sa pagtayo ni Rey bitbit ang pagkain nito, At saka walk out. Napahawak ng muka si Samantha ng mapansin niya ng naka ngisi sa kanya si Tristan

"Oh no"

"Ano'ng tawag pag"

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon