Chapter 1: (Lost Ghost)

453 23 2
                                    

A/N: Grammatical errors  Typos, O kung ano ano pa mababasa nyo dito kaya sorna agad haha. Fictional lang po lahat ng mababasa nyo dito, Pagbigyan nyo nalang 🤓

•••

Pumupungas pungas ako'ng naglalakad sa gitna ng dagat ng mga tao.

"Hello!" Tawag ko pero ni 'di manlang ito tumingin sa direksyon ko, Napa simangot ako dahil dito "Help!" Sigaw ko munit ni isa sa mga naglalakad ay 'di tumigil para tanawin manlang ako.

"Hoy 'wag ka ngang mag assume na makikita ka nilang multo ka" sulpot ni Lina ang bestfriend kong multo. Naglakadlakad kami hanggang sa paglubog ng araw "Sa tingin mo malalaman ko pa kung pano ako namatay?" Tanong ko kay Lina

"Hmm 'wag ka ng umasa! Magsama na lang tayo dito sa lupa at maghanap ng mga pogi" Masiglang sabi nya na tila kinikiliti pa. Napa titig ako sa kanya, Gulo gulo pa ang buhok at may kakaibang feslak basta shh.

"Ikaw sa tingin mo pano ka namatay?" Tanong ko sa kanya "hmm. Naka bestida ako ng puti may konting make-up at maganda naman ako" tila nasusuka ako sa utak ko sa mga pinagsasabi nito

"Ah! Siguro nag da-drugs ka o kaya naman sinal-vage ka 'di ka naman mukang ni-rape kasi muka kang may HIV" naka tikim naman ako ng batok

"Aray!" Inda ko habang hinihimas ang ulo ko

"Ang Oa naman nun! Tsaka ang harsh mo ah, Baka namatay ako dahil sa  kagandahan ko" usal nito at nag bu-beautiful eyes pa. Agad kong tinulak ang muka nya "Ang sagwa" Inirapan na lamang nya ako

"Siguro namatay ka sa school" biglang sabi nya napatigil naman ako sa paglalakad at napa upo sa gilid ng kalsadang nilalakaran namin.

"Shunga ka pala eh, obvious naman malamang naka uniform ako" tinarayan ko sya, Habang sya naman ay umupo rin sa tabi ko at ngumiti

"Tange, Malay mo nagsusukat ka tas nabagsakan ka ng puno!" bigla ko s'yang kinurot, sensya sadista eh.

"Ano 'yun? Sa ilalim ako ng puno magsusukat siraulo" ipinag salikop ko ang mga daliri 'ko at tumitig sa kung saan

"Alam mo ikaw ata ang pinaka magandang multong nakita ko, bukod sa 'kin syempre" complement ata yung sinabi nya o kaya naman joke.

"Basta ang alam ko two years na 'kong gumagala. Ang kaylangan ko na lang ala-ala para maka alis na 'ko, Ikaw ayaw mo bang tumahimik na?" Tanong ko kay lina

"Gusto pero, sinusulit ko pa kasi basta 'wag mo 'kong problemahin patayin kita eh" maarteng sabi nya habang inaayos ang magulo pa ring buhok

"Patay na 'ko correction!" Tinuktukan ko nanaman ulo nya, Napatayo naman sya "May pogi dun wait!" Nagtatakbo sya paalis.

Ilang buwan na'kong naghahanap sa mga school kung makita ko man ang pangalan ko, Ako si Samantha Partalejo 'yun lang ang alam ko nakasulat sa name plate eh.

Hindi ko alam ang nakaraan ko so mas pahirapan na sa paghahanap ng pagkatao ko

Ginulo ko ang buhok ko at napa buga ng hangin

"Ano bang dapat kong gawin aish!"

*sigh*

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon