Chapter 16: (Rey)

97 10 0
                                    


NASA terrace lang si Rey,hinanap siya ni Samantha para makausap dahil may ginagawa pa si Tristan. At ayaw nya ring lumapit dahil sa ka-kor-nihan nito.

"Um, Rey?" Tawag ni Sam kaya agad itong tumingin, Tumabi si Samantha sa tabing upuan ng inuupuan ni Rey, "Galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ni Tristan?" Hindi umimik ng ilang sandali si Rey at saka ngumiti.

"Baliw ka ba? Haha. Para yun lang inaasar ko lang siya, Yaan mo 'yon" usal ni Rey at muling tumingin sa malayo. Pero alam ni Sam na wala sa mood si Rey kaya tinapik niya lamang ang balikat nito at iniwang mag-isa.

Pag alis nya ay lumandas ang luha sa mga mata ni Rey

Flashback

~In Rey's Dreams~

Bakit kaya gan'to panaginip ko? Feeling ko bata ako ng sobra, Haha. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay namin

Nag lu-lucid dream ako, Nakawan ko kaya mga department store dito! Aha! Department store labas labas!

"Kuya"

Natigilan ako sa iniisip ko ng marinig ko ang boses na matagal ko ng gustong marinig uli. Boses ng kapatid ko

Dahan dahan akong humarap para makita ang tumatawag sa 'kin, Agad nag unahan ang mga luha ko. Agad akong napaluhod

"Kuya, Miss na kita" usal niya. Inilahad ko lang ang dalawang braso ko para lumapit siya sa'kin. Tumakbo siya papalapit at mahigpit akong niyakap "ok ka na ba? Kumakain ka ba ng maayos? Kamusta kana?" Tanong ko habang naka ngiti at patuloy sa pag iyak.

Hinagot nya ang likod ko at randam ko ang pag ngiti ng kapatid ko "Kuya. Wag ka nang mag-alala sa'kin, Alagaan mo ang sarili mo ah?" Usal niya at kumalas sa pagkakayakap ko.

Tumayo ako at ngumiti
"Sana lagi kitang nakikita, Miss na miss na kita eh. Miss na kitang makalaro fey"
"Ako din kuya, Hay basta alagaan mo sarili mo kuya kundi isasama kita! Hahaha" napa ngiti ako at ginulo ang buhok niya. Naiyak nanaman ako bakit sya pa? Ang bata bata niya pa. Ilang panahon ko pa lang siya nakakasama pero kinuha na agad siya.

"Kuya wag ka nang umiyak, Naiiyak din ako n'yan"

Niyakap ko lang siya ng biglang may liwanag na hinahatak sya, Kumapit siya sa'kin ng mahigpit at sabay umiyak "kuya! Kuya!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko, Hinawakan ko siya ng mahigpit. "Rey! Gising na!"
"Rey!"

Napunta si Fey sa gitna ng kalsada pinilit ko s'yang habulin pero.. May malaking truck na bumangga sa kanya.

"Rey!"

Ililigtas ko pa dapat ang kapatid ko!!

Nagising ako sa ginawa ni Tristan, Mahina akong bumulong "sana hinayaan mo muna ako"

END OF FLASHBACK

Lumabas ang tatlo sa dalampasigan para mag bonfire. At nag barbeque
"Pre, Sorry na" usal ni Tristan at tinapik si Rey. Tumingin sa kanya si Rey at may inilabas sa bulsa, Agad niya itong itinakip sa ilong ni Tristan

"Tan***a mo! Rey!" Sigaw ni Tristan habang pinupunsan ang ilong. "Hahahahah!" Tawa ni Rey dahil naka ganti na ito. "Tama na nga 'yan" tigil ni Samantha sa dalawa.

Inagaw ni Tristan ang medyas nya at itinapon sa malayo habang sumisinga, Tinuro nya si Rey "Bwi-hahahahaha" natawa nalang s'ya kaya nagtaka ang dalawa "Ang baho pala talaga" reklamo ni Tristan. Napa ngiti naman si Rey at agad ding natawa, napa iling na lamang si Samantha at nakisabay na rin sa pagtawa ng dalawa

Sa kabilang banda habang nakangiti si Rey

"May nawala man sa'kin, Maswerte ako dahil may mga kaybigan ako na laging nand'yan para pasayahin ako"

Naglagay sila ng marshmallows sa stick at inihaw sa bonfire, Habang nakapa ikot ay biglang may lumapit na matandang babae habang may puting balabal ito sa balikat. "Painom ako ng tubig parang awa nyo na" usal nito kaya nagulat ang tatlo ng aalalayan sya ni Tristan ay agad s'yang nagulat at naitulak ito. "Ayoko! Layo! Wag!" Sigaw nito at saka tumakbo palayo

Tinulungan naman ni Rey na tumayo si Tristan at napa tingin sa tumatakbong matanda.

"Ano kaya yun?" Tanong ni Tristan.


















"AYOKO pa umalis!" Mangiyak ngiyak na usal ni Rey habang naka sabit sa legs ni Tristan, Na pilit naman s'yang tinatanggal.

"May pasok na sa monday! Bahala ka edi maiwan ka dito" usal ni Tristan pero patuloy pa rin sa pagyakap si Rey "Ayoko pa rin" diin nito

"Yuck, Baka nabakla kana tas chinachansingan mo lang ako! Ikaw ha" asar ni tristan
kaya agad bumitaw si Rey at binatukan sya "Ulol!"

Ng nakapag ayos na sila ay pumasok na sila ng kotse, Habang si Rey ay naka busangot

Bago pumasok si Samantha ay napa tingin sya sa matandang nakita nya nung nakaraan nakatingin nanaman ito sa kanya. Kaya agad s'yang pumasok at napa isip. Nakikita nya ako?

ayoko nga! Nakakatakot sya no

naisip nanaman nya yung clip at napa simangot

Wala naman akong pambili, Wala rin namang makakakita kung bagay 'yon sa'kin

Napa tingin naman si Tristan sa rearview at nakita si Samantha ba't nakasimangot nanaman 'yan?

Dumukot sya sa bulsa n'ya at nakapa ang ribbon na clip 'siguro ito yung gusto nya' inilabas n'ya 'yon at pasimpleng inihagis kay Samantha. Laking gulat naman n'ya nang bigla itong maiyak

"Hala bakit?" Takang tanong ni Tristan

"Wala nakakaiyak lang" usal ni Samantha habang sinusukat sa ulo ang clip at patuloy sa pag iyak.

Habang naka titig sa muka ni Samantha ay biglang may mga visions na tila humampas sa ulo ni Tristan dahilan ng pagsakit nito.

Napahawak s'ya sa ulo nya at nakatuon pa rin ang mga mata sa muka ni Samantha

"M-may kamuka ka" mahinang usal nya kaya napa tingin si Samantha at kinunutan s'ya ng noo

"Sino kamuka nya? Ano meron dito?" Takang tanong ni Rey busy kasi ito sa phone nya kaya 'di namalayan ang nangyare. "W-wala alis na tayo" sabi ni Tristan at saka pinaandar ang kotse.

Habang nasa gitna ng kalsada ay tulog na si Rey habang si Samantha ay nakatitig lang sa bintana

Tinignan s'ya saglit ni Tristan at ibinalik ang tingin sa daan, 'ano kaya 'yun? Ang labo hindi ko maintindihan' usal nya sa sarili.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon