Chapter 17: (Bear)

90 8 0
                                    


Nang makabalik sa klase ay patuloy ang pagsimangot ni Rey dahil tila gusto pa nito magbakasyon.

Nagpaalam muna si Tristan at lumabas ng room, Pupunta muna sya sa library at manghihiram ng libro bago mag umpisa ang klase.

Habang naglalakad sa walang katao taong hallway ay napa tigil ang paghakbang nya at napa tingin sa isang silid, Tila nagtaka s'ya dahil walang napasok dito pero bukas ang mga ilaw.

Tumingin muna s'ya sa paligid upang matiyak na walang sisita sa kanya

Dahan dahan nyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob pagpasok nya ay may mga hile hilerang libro na naka lagay sa mga book shelves na engganyo s'yang lapitan ito

Hinawi nya ang mga libro para mabasa ang mga title nito, Humugot s'ya ng isa

"A girl with a teddy bear" basa nya at mejo natawa

"Halatang pinag isipan ang title nito ah" sabi nya at inilibot ang mga mata sa paligid. Natigil ang mga mata nya sa isa pang pinto na hindi nya napansin kanina

Tumingin s'ya saglit sa pintuan na pinasukan nya kanina para ma check kung walang tao.

Ibinalik nya ang tingin sa pinto at nilapitan 'yon madilim at walang ilaw sa loob no'n kaya kinuha nya ang phone nya at binuksan ang flashlight.

Pagkabukas ng flashlight ay saktong nakatapat ang ilaw sa muka ng isang lalakeng naka ngiti munit punit ang bibig nito, Naka luwa ang mga mata at bali bali ang buto sa katawan.

Napa atras si Tristan at 'di maka paniwala sa nakita.

Lalabas na sana s'ya pero biglang may humatak ng mga paa nya

"Aaahhh!!! Jusq 'di na po ako babalik dito! Basta patakasin nyo lang ako!" Sigaw ni Tristan.

"Hahahahaha..." Naka rinig s'ya ng malamig na tawa ng isang bata, Nag sisisipa s'ya para matanggal ang pagkakahawak sa kanya nang kung ano man.

"Laro tayo!" Sigaw muli ng batang boses.

"Ayoko!" Sagot ni Tristan, Pinilit nyang abutin ang kamay na nakahawak sa paa nya. Ng maabot ay naitapon nya 'yon dahil sa malansang amoy at pakiramdam nito.

Nanginginig man ay pinilit n'yang itapat ang flashlight sa bagay na'yon.

Isang putol na kamay ang nakahawak sa isang brown na sirang teddy bear, Puro drawing ito at itinahi lang ang mga mata.

"Aaaaahhhhh!!!" sigaw ni Tristan at pinilit na tumayo

Pagkatayo ay nabangga s'ya sa isang pader na hindi nya nakita.

Napahawak s'ya sa ulo nya at unti unting nahilo

"Hahahhaha..taya ka.."

Natumba sa sahig si Tristan at unti unting nandilim ang paningin









"TRISTAN gising naaa! Tristaaannn" mangiyak ngiyak na gising ni Rey sa kaybigan ng bigla s'yang itulak nito

"Ano nangyare? Nasa'n ako? Sabihin mo!" sigaw ni Tristan

"Ha? Kawawa ka naman paslit hayaan mo aalagaan kita!" Sabi ni Rey habang hinihimas ang ulo ni Tristan na agad itinulak niya.

"Hala! Rey naalala kona ahhhhhh!!!!" Sumigaw ng napakalakas si Tristan kaya nag pasukan ang iilang estudyante at nurse sa clinic

"Boi 'wag mo ipahiya sarili mo baltukan kita dinadamay mo pa ako eh" sita ni Rey

Tumigil naman si Tristan at yumakap ng unan "Sabi nya maglaro daw kami! Sabi ko ayoko kaya tumakbo ako pero nabangga ako sa pader kaya aahhhhhh--"

"Gago ka tris oo na naiintindihan ko ang inahing mo, Mamaya ipapa check ko kung naalog na ang utak mo ok?" Anang ni Rey habang nahihiyang tumitingin sa ibang tao.

"Naku Sir. Mendez ok lang kayo? Ayos na po ba ang lagay nyo?" Takang tanong ng school nurse habang chi-ni-check ang lagay nito

"Nakakita ako ng multo!" Sagot ni Tristan, Nasapo naman ni Rey ang noo nya at sumigaw sa isipan

"Anong tingin mo kay Samantha? Aswang? Haynako napano ba kasi 'to?"

"Ahaha hehe..sige..mukang ayos kana nga pwede na kayong bumalik sa klase nyo" usal nang nurse at nagbigay ng pekeng ngiti.

Inalalayan naman s'ya ni Rey at itinayo "dre alis na tayo litsi ka" bulong nito

"Pero Rey maniwala ka nakakita ako ng multo! Dalawa sila saka isang teddy bear! Y-yung A girl with a teddy bear"

"Hahahaha ano yun?"

"Bobo! Nakita ko s'ya saka yung lalakeng punit ang bibig d-do'n sa room na 'yon!" Tinuro naman ni Tristan yung room na pinuntahan nya kanina.

"Naniniwala naman akong nakakakita ka ng multo kasi pareho naman tayo eh, Pero teddy bear mo ulo mo" asar ni Rey.

"Sana makita mo sila mamaya sa tabi ng kama mo" pananakot ni Tristan dahil ayaw sa kanya maniwala ng kaybigan.

"Heh!" Tanging sagot ni Rey habang naglalakad na pabalik sa room nila.

Tumingin saglit si Tristan sa room na 'yon at biglang may dumungaw na batang babae habang kumakaway.

"Aahhhhh" sigaw ni Tristan at nagmadaling umalis.
















"Hays, Wala namang magawa dito nakaka bored. Ayoko naman sa school nila Tristan kasi hindi ko sila makakausap" reklamo ni Samantha habang naghihintay na maka uwi si Tristan.

Tumayo sya saglit para mag teleport pababa ng apartment Ng makalapat ang mga paa n'ya sa lupa ay bigla syang napaupo at napahawak sa ulo dahil sa mga bagong ala ala

'Hay, Salamat ah? Ibabalik ko nalang 'to sayo. Bukas na agad haha'

'Okay lang kahit kaylan, Bye ingat ka ah'

'Sige bye'

"Ah aray ko naman, Yun lang? Yun na talaga? Grabe naman. Pinasakit lang ulo ko" reklamo ni Samantha habang hinihimas ang sintido nya.

"Multo tayo d'yan ano trip mo?"

Nagulat naman at agad napatayo si Samantha dumating na pala si Tristan.

"Pake mo umupo lang ako, Wala namang makakakita eh" sagot ni Samantha habang naka crossed arms

"Pataray effect ka ngayon, kiss kita d'yan eh" asar ni Tristan pero 'di nya namalayan ang huling sinabi nya kaya mejo nailang syang tumingin kay Samantha.

pasimple lang itong tumitingin pero nahuli sya ni Samantha kaya nagmadali nalang syang umakyat sa apartment nya.

"Bwiset talaga" inis na himutok ni Samantha habang nagpatuloy na sa pupuntahan na kahit saan.

Napa tigil sya ng may naka stop na lalaking matangkad naka kulay itim, Maputla ang balat pero may mapupulang labi na naka sumbrerong itim

"G-grim R-reaper?" Nauutal na usal ni Samantha habang naka yuko

"Bakit hindi mo pa ako kinukuha?" Tanong ni Samantha at pinilit na tumingin sa mata ng grim reaper

"Kaya pala hindi ka natatakot na tumayo sa harapan ko? Dahil gusto mo nang kunin na kita?" Usal nito gamit ang mahinahong boses na may pagbabanta.

"Hindi muna ngayon, Maghintay ka sa supresa" dugtong nito at biglang lumitaw ang nakakakilabot na ngisi nya.

Napalunok naman si Samantha at saka agad na tumalikod "B-bahala ka sa buhay mo" tanging sagot nya at nagmadaling maglakad

"Makikita mo" pahabol ng grim reaper bago tuluyang makalayo si Samantha.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon