Chapter 31: (Which?)

54 7 4
                                    

•Third Person's POV•

Pag uwi ni Tristan ay naabutan nya si Samantha na naka tulala lang sa t.v kahit 'di naman yun bukas,
'Na trauma kaya sya dahil sa nangyare kahapon? malamang.' Usal nito sa sarili.

Inilapag ko sa mesa ang mga pinamili kong lutong pagkain, Tinatamad na kasi akong magluto. "Samantha 'lika kain tayo, Alam kong pag ino-feran mo ang multo pwede syang makakain. Saka napansin ko na hindi na tayo nagkakasabay na kumain" paliwanag nito habang inaayos ito sa mesa.

Napa lingon naman sya sa sala dahil hindi sumasagot si Samantha "Samantha?" Tawag nya sa kanya, Lumapit naman si Tristan sa sala at sinilip sya nakatulala pa rin sya sa t.v.

Tumabi naman sya sa pagkaka upo nito at tinignan din ang t.v. "Ano pinapanood mo? The blacky show? Hahaha" corning usal nya pero mukang hindi natawa si Samantha

"Hay halika na kasi" pilit ni Tristan at hinatak si Samantha "W-wala akong gana" natigilan sya sa sinabi ni Samantha. Napa tingin naman sya sa mesa na may naka handang dalawang pagkain.

'Mukang mag-isa nanaman akong kakain'

malungkot na usal ni Tristan sa isipan. Napa bitaw agad sya sa pagkakahawak kay Samantha. Napa buga na lamang si Tristan nang hangin dahil pansin nya na wala talaga sa wisyo si Samantha ngayon. 'Di na rin sya naka ramdam ng gutom

Iniligpit nya ang mga pagkain at nilagay 'yon sa ref bumalik sya sa sala at tumabi uli kay Samantha

Bahagyang nagtaka naman si Samantha dahil do'n. "B-bakit ka nandito? Kumain ka na" usal nito, Nilingon lang sya ni Tristan habang naka ngiti at umuling ito "Hindi na rin ako kakain para hindi ka op" sabi nya. Napa iling naman si Samantha "hindi mo naman kaylangang hindi kumain dahil sa'kin baliw" pinilit ngumiti ni Samantha pero alam ni Tristan na pilit lang 'yon.

"Ah! Did you know that graduated peoples are hot" pakulo nito, Napa kunot naman ang noo ni Samantha

"Ha? Bkit naman?"

"Because they've got more degrees"

Dahil do'n ay mas lalong napa simangot si Samantha

Nawala ang ngiti ni Tristan "Ito pa"

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon