Chapter 23: (My First Dance?)

75 10 4
                                    

Rey's POV•

Hyper na hyper ako ewan ko kung bakit, Umupo muna ako nakakapagod kaya. Hinabol ko pa ang hininga ko at nagpunas ng pawis saka bigla akong may naalala

"Samantha" usal ko at agad na hinanap sya. Sa paglalakad lakad ko napadpad ako sa bandang gate ng school. Galing kasi ako sa quadtriangle.

Walang estudyante dito kasi lahat nga sila nandun sa party, "Samantha?" Pabulong na tawag ko. Lumapit naman sa'kin at nagtanong yung guard. Hays.

Bumalik na'ko sa party at naisip bigla yung garden, Yung lagi naming pinupuntahan napatakbo naman ako papunta dun. At nakita ko nga si Samantha na nakaupo sa plant box.

Napasimangot ako at agad na tumabi sa kanya "A-ayos ka lang?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya. Napa tingin naman sya at napansin kong nagpunas sya ng mata umiiyak ba sya? Bakit naman?

"Oh R-rey? Bakit ka nandito?" Pinilit nyang pasayahin ang tono ng boses nya. Pinilit kong ngumiti "Ayoko na dun dito na lang ako" sabi ko

"Ha? Eh diba may party dun ba't naman ayaw mo 'di ba masaya?" Tanong nya kaya napa isip agad ako ng idadahilan.

"Ah? K-kasi w-wala akong kasayaw saka pagod na 'ko" palusot ko habang naka tingin sa sapatos ko, At agad ibinalik ang tingin sa kanya. Masama bang kaawaan ko si Samantha? Napapaisip tuloy ako kung pano sya nawalan ng buhay. Edi sana nagagawa nya pang maging masaya ngayon.

Alam kong gustong gusto na nyang makaalis para hindi na sya mahirapang makisama at mainggit, 'Di bale sasamahan ko naman sya.

Hindi sa langit ah! Dito!

"Naaalala mo ba yung pagsayaw mo din sa iba?" Tanong ko habang naka tingin ngayon sa stars.

"Hmm..Diba nga wala ak--"
"Oo nga pala sorry" sabi ko habang naka piece sign ngumiti naman sya. "Dapat naka ngiti ka lang palagi, Gusto mo ba magaya ka sa ibang multo jan na mukang binagsakan ng langit at lupa?" Pinilit kong pagaanin kahit papaano ang nararamdaman nya sa paraang alam ko. Ang magmukang shunga.

"Hindi lang naman ang itsura nila ang problema nila, Pareho lang kami. Gusto naming mabuhay uli"

Pagkasabi nya nun parang nanlumo ako naiiyak ako kasi naaawa ako kay Samantha anong gagawin ko? Eh nag ddrama.

"Diba hindi mo maalala ang dati edi parang wala kang naka sayaw, Kaya sa ngayong ala ala mo ako ang magiging first dance mo!" Masayang usal ko at tumayo
Inilahad ko ang kamay ko kaya napa kunot ang noo nya

"H-ha? Eh hindi ako marunong sumayaw" natatawang sabi nya pero hinila ko sya, Sumayaw sayaw ako ng kahit ano bahala naagmukang tanga. Basta makita ko lang yung totoong ngiti nya yung ngiting masaya talaga sya.

"Sayaw! Sige na 'wag ka nang mahiya sa'kin. Cmon now wohoo!" mukang timang na pasigaw kong aya. Natawa naman sya. Mas lalo akong napangit dahil masaya na sya.

Samantha's POV•

Ang saya ko talaga dahil kahit paano naranasan kong maramdaman na parang hindi ako iba, Na parang buhay ako. At dahil yun kay Rey. Nagpapasalamat talaga ako kasi nakilala ko sya. Hindi tulad nung isa! Hmp.

Nagpatuloy sa pagsayaw si Rey kaya lalo akong natawa isama pa ang muka nya 'pag titingin sya sa'kin. Napa lingon naman ako nang maka rinig ako ng pagtawa, May mga babaeng naka tingin sa kanya at pinagtatawanan sya. Narinig ko pang bumulong na

"Mukang tanga si kuya oh, Sumasayaw nang mag-isa"

"Sino kasayawan nya? Baliw ata 'yan eh"

"Multo ata hahaha"

Umalis na sila pero nanggigigil ako eh! "Rey ayos na'ko, Salamat ah. Bumalik ka na at may aasikasuhin ako" paliwanag ko. Nagtanong pa sya pero tinaboy ko na sya at may gagawin nga ako diba?

Napa ngisi ako dahil sa iniisip ko, Walang aapi sa kaybigan ko. Lumapit ako sa mga babae kanina, Naka tayo sila sa tabi ng lamesa at nakapaikot na nag chichikahan pa tungkol sa mga kras daw nila.

Nakita ko naman yung punch na nasa baso, Tinulak ko 'yon kaya nabasa naman ang palda nung babae "Gosh! My dress is ruined!" Napa tingin naman sya sa katabi nya. "It's your fault, You pushed it!" Sisi nya nanalaki naman ang mata nito at saka humalukipkip "No way girl, Why would I do such thing? Stop blaming me stupid!" Nag away away na sila habang ako naman tumawa lang.

Lumapit naman sa'kin si Rey habang umiiling at pasimpleng nagsalita habang naka tingin ng diretso "Dapat hindi mo na lang pinatulan, Andaya mo" usal ni Rey,l. Kumapit naman ako sa braso nya at ngumiti

"Ayaw ko nang inaapi ang kaybigan ko kaya bagay lang sa kanila 'yon" sabi ko habang naka ngiti. Umiling naman sya at ngumiti.

Ang cute talaga ng dimple nito haha. Lumapit naman si Tristan kaya nawala ang ngiti ko. Psh, Tinignan lang ako kanina kala mo kung sino

Hinatak nya naman si Rey "Halika minsan lang 'to" aya nya, Nagpaalam naman si Rey at naiwan nanaman ako

Gumala nalang ako palibot sa school nang bigla akong may naka salubong na multo rin "Bakit mag-isa ka?" Tanong nya. Matandang lalake sya na mukang 90's pa ang pormahan.

"Ok lang naman po eh, Kasi patay naman na 'ko" Sabi ko habang natatawa

Tumingin naman sya sa'kin

"Uhm kayo po? Hindi pa rin po ba bumabalik ang ala ala nyo?" Tanong ko pero hindi na sya sumagot

"Masama ka! Masasamang tao kayo!" Sigaw nya, Kaya napaatras at nagtaka ako.

Hindi ko naman sya kilala bakit bigla nalang sya nag ganyan? Tsk. Baliw na. Tumakbo sya nang mabilis ng hindi lumilingon

Napakibit balikat ako nagulat ako kasi pagharap ko nakatayo si Grim Reaper, Tinignan nya lang ako at nilagpasan. Sinundan ko sya ng tingin, Siguro susundan nya yung matanda.

Napa tingin naman ako sa paligid, Napaka dami namin. Madami kaming tanong at mga bagay na gusto naming malaman. Alam ko na naghahanap din ang mga multong 'to nang kasagutan at siguro nahihirapan na rin sila sa araw araw na pagtataka.

Gusto ko na talaga makaalis

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon