Chapter 34: (Unexplainable)

81 5 2
                                    

Samantha's POV•

"Tristan" pabulong na tawag ko kay tristan "Uy tristan" tawag ko ulit, Lumingon sya at binigyan ako ng
'Bakit-ba-look' "Naboboringan ako! Aalis na muna ako ah" paalam ko

"Wag.." Pagalit na bulong nya habang naka tingin sa harapan, Kasalukuyang nagtuturo kasi ang prof nila ngayon. At sobrang nababagot ako. "Bahala ka! Aish!" Inis na sigaw ko at saka tumalikod

"Samantha!" Nagulat ako sa pagtawag nya, Kaya naman lahat ng tao dito sa room ay naka tingin sa kanya "Bakit Mendez?" Tanong ng prof nya. "Ha? Ah..a-ano..yung aso ko po kasi..S-sa bahay nag txt.."

"HAHHHAHHAHAA!" Tawanan sa paligid, Kinunutan ko sya ng noo. Ginawa akong aso! Pero ha? Nag txt? Kelan pa natutong mag txt ang aso.

"Pambihirang aso, May super powers ba sya?" Tanong ng prof habang naka taas ang kaliwang kilay. "P-po..w-wala po.." Nahihiyang sagot ni Tristan at saka sya napayuko

"Kala ko meron, Dahil successful sya sa magic eh nabaliw ka nya"

"Hahahahahah!"

"Quiet! And Listen!" Sigaw ng prof at muling nagsulat sa board, Napa tingin naman ako kay tristan

"Sorry" bulong ko sa kanya, Napahiya tuloy sya. Tinignan nya lang ako

Maya maya ng mag break time ay pinuntahan na namin si Rey para sabay sabay na kaming makakain
Sila lang pala.

"Kamusta araw Tris?" Bungad agad ni Rey sa naka busangot na si Tristan. "Mendez anong txt ng aso mo? Hahaha" singit ng mga ka blockmate ni Tristan

"Sabi nya wala daw kayong pake, Letche!"

Kaya naman agad na itong nag sialisan "ok, 'Di ko na tatanungin" sabi ni Rey at bahagyang natawa
"Ikaw Samantha?" Baling ni Rey sa'kin "Wala boring" tanging sagot ko dahil wala naman talaga akong nagawa kundi makinig din sa lessons.

"Ok, Mukang parepareho tayong sira ang araw. Kaya kumain nalang tayo" usal ni Rey sabay tapik sa balikat namin.

"Nga pala Rey, Death an--" hindi na natapos pa ni Tristan ang sasabihin dahil pinutol  na agad ni Rey

"Ah oo, Sasama ka?" Tanong nya, Tumango naman si Tristan kaya nagtaka ako. Death anniversary ba yung tinutukoy ni Tristan? Ah oo

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon