Chapter 11: (Vase)

102 10 0
                                    

Mama: 091234557891

Son, How are you? Hope you come and visit here soon. I miss you.

'Na-mi-miss na rin kita ma, Pero konting panahon pa.'

'Di na nag reply si Tristan sa text na natanggap nya mula sa mama nya. Naghanda na sya sa pagpasok

Napansin nya namang ang aga aga ay busy si Samantha sa kung ano mang ginagawa nya, Kaya lumapit sya dito at sinilip ang ginagawa ni Samantha, Napansin n'yang magaling ito, Mag drawing isang lalake ang ginuguhit nya

"Oy sino 'yan ha?" Tanong ni Tristan, Napatago naman agad si Samantha doon at medyo namula pa ang muka.

"Magaling ka pala mag drawing ah! Pero mas magaling pa rin ako" ani ni Tristan at sabay pogi sign, Umalis na sya para magluto

'Sino naman kaya 'yung di-no-drawing nun? Tsk baka si Rey na naman. Ipa-flat ko na talaga dimples nun eh'

Usal ni Tristan sa isipan nya. Habang si Samantha naman ay nagpatuloy sa pag da-drawing nya. Matapos nila kumain ay "Sasama ka sa school?" Tanong ni Tristan kay Samantha.

Umupo sa couch si Samantha at umiling "Uhm, 'Di muna may gagawin pa kasi ako" naka ngiting tanggi nya

"Tsk punitin ko 'yon eh.." Bulong na sabi ni Tristan at lumabas na.

Habang nasa school ay mainit ang ulo ni Tristan, At palagi n'yang naiisip ang muka ni Samantha na hindi nya alam kung bakit.

"Tris pinapatawag tayo ni prof. Sa faculty" usal ni Rey at tumungo na sa pintuan, Napakunot naman ang noo ni Tristan at inisip kung bakit.

Ng makarating sa faculty ay may tinurong vase yung prof. Nila "Dalhin nyo 'yan sa blg. A teachers faculty"

"Eh, May mga omni naman po ah bakit po kami?" Reklamong tanong ni Rey habang naka taas ang isang sulok ng labi nya. "May reklamo ba ha?" Mariing usal nung prof. Nila

"Ah wala po" singit ni Tristan at siniko si Rey. Ng maka alis na ay sinamaan nya ito ng tingin, Sumimangot naman si Rey "Nagbabayad tayo dito para mag-aral hindi para pagbitbitin ng vaseeee" parang batang reklamo ni Rey habang nagpa pungas pungas.

Habang naglalakad sa hallway ay bitbit nila ang vase na tig-isa sila, Kung sa tutuusin ay maliit lamang 'yon para mag inarte si Rey

"Tristan!" Tawag ni Grace. Nanlaki ang mata ni Tristan ng nagtatakbo ito papalapit sa kanya, "Waaag!!" Sobrang bilis ng pangyayare at nabasag ang hawak na vase ni Tristan

Napatakim ng bibig si Grace dahil 'yon sa kagagawan nya "Lagot ka, Binasag mo hala lagot ka grace" nang aasar na turo ni Rey, Habang si grace ay sumama ang tingin sa kanya kaya napalunok sya

"Hehe, ang dulas kasi ng sahig eh..lagot" pagbabago nya ng sinabi nya at nagtakip ng bibig.

Habang si Tristan ay 'di mapakali "Pano na 'yan? Grace ang kulit mo kasi eh!" Sisi nya kay Grace, habang si Grace naman ay kabado na

"I-ikaw may kasalanan kasi bitbit mo eh!" Sisi nya pabalik kay Tristan. Nagkasalubong ang kilay nilang dalawa ni Rey.

"Ano? Ikaw kaya yung patakbo takbo d'yan" pagtatalo nung dalawa, "Yung nag utos sisihin mo! Bye good luck" ang maltidang si grace ay tumakbo paalis at iniwan ang dalawang 'di alam ang gagawin sa nabasag na vase.

"Pano na 'yan? Tristan? What we going do?" kinakabahang usal ni Rey, "Basta 'wag kang mag-english tsaka 'wag kang kabahan! Ok lang 'yan!" Hinawakan ni Tristan ang dalawang balikat ni rey

"Wag ka nga kabahan! Ok lang 'yan ay sabing ay! 'Wag nga kabahan eh!" Natatarantang usal nya eh samantalang nagtataka lang si Rey. "Ikaw nga mukang kinakabahan d'yan eh" balik sa kanya ni Rey.














"How could this happened! It's just a small thing but why you can't do it right?" Sita nung prof. Na nag utos sa kanila.

"Haha small thing lang pala sir eh e--" 'di natapos ni Rey ang sasabihin nya dahil siniko agad sya ni Tristan

"Sir madulas po kasi talaga yung sahig eh, Kaya na out of balance ako ang sakit nga eh" dahilan ni Tristan habang naka yuko. "Masakit? Dapat masakit balakang mo 'diba?" Tanong nung prof.

Agad na umacting si Tristan na masakit ang balakang nya "Oo sir masakit eh" palusot nya. Napa iling na lang yung prof. At pinaalis na sila pero binigyan sila ng quiz sa math

"Wala ng mas sasakit pa sa pagbibigay sayo ng 1 to 100 na quiz sa math, Paepal kasi yung grace na 'yon eh" pagrereklamo ni Rey

Habang si Tristan ay napapakamot na lang "Humanda talaga sa 'kin yung grace na 'yon" reklamo rin ni Tristan.

Sa kabilang banda ay may mga ilang estudyanteng bumibili ng shawarma sa cafeteria

"Shawarma nga apat" bili nung isang estudyante "Ay sorry sira na kasi 'yan 'di lang natanggal" usal nung tindera, Na dismaya naman yung bumubili at umalis na lang.

"Jugs ikaw muna magbantay mag c-cr muna ako saglit" bilin nung tindera at umalis

Naka ramdam naman ng gutom sila Rey "Tara shawarma tayo" aya nya kay Tristan

Dahil gutom na rin ay pumayag si Tristan pagdating ay bumili agad sila "Shawarma dalawa" bili ni Rey. Dahil nga iba ang nagbabantay ay 'di nito alam na sira na ang shawarmang 'yon

Nang isusubo ay medyo naamoy nilang iba ang amoy nito "Sira na ata 'to eh" suhestyon ni Rey

"Ah? 'Di yan baka basura flavor" ani ni Tristan at sinubo na agad 'yon kaya ganun din si Rey.

Maya maya ay nakaramdam sila ng sakit ng t'yan sabay silang nagka tinginan "Nanjejebs ako" usal ni Rey napa tango naman si Tristan habang naka hawak sa t'yan,nya "Basura flavor pala ah!" Binatukan nya si Tristan pero agad itong gumanti.

"Gusto mo naman din kainin eh, Sabihin mong hindi!" Sigaw nito, Natawa naman si Rey habnag nakahawak sa tyan

Nagtatakbo sila papuntang boys comfort room, Nagunahan silang pumasok
Nauna si Rey pero nahatak sya ni Tristan sa likuran at tinulak sya patalikod

Kahit masakit ang t'yan ay pinilit na mauna ulit ni Rey pero nadulas sya. Nakahawak sya sanpantalon si Tristan

"Bitawan mo! Nahuhubaran ako!" Sigaw ni Tristan habang tinatanggal ang pagkakapit ni Rey

"Ayoko! Natatae na 'ko!" Sigaw naman ni Rey. Sumuko na si Tristan at may naalalang isang bagay

"Limang cubicles meron sa loob bakit pa tayo nag uunahan?" Tanong nya kay Rey na halos 'di na maka tayo sa sakit ng t'yan "O-ona pasok na!"

Nanlaki ang mata nila parehas ng may tumulong kulay brown na buo buo at basang bagay sa baba ni Rey, Unti unting nagusot ang muka ni Tristan "Yaaak naka tae ka!" Turo ni Tristan habang naka ngiwi

"Ang lamig" ani ni Rey, Biglang may sumilip sa likuran nya "Ay sorry kuya nabuhos lang yung chocolate shake ko pasensya na" paumanhin nito

Naka hinga naman ng maluwag si Rey parehas silang tumakbo papasok ng c.r at dun na nagpasabog.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon