Chapter 19: (Past)

82 9 2
                                    

Dahan dahang lumabas ng bahay si Tristan dala dala ang malalaking bag. Alauna na ng umaga at tanging buwan nalang ang liwanag nya sa dilim. Paglabas ng gate ay tinignan nyang muli ang bintana ng kwarto ng kanyang mga magulang.

"Hindi na'ko babalik pa dito" bulong nya at agad na umalis

Pagkarating sa maynila ay iniikot nya ang tingin sa naglalakihang building ibang iba sa dagat at punong tanawin sa pinaggalingan nya

"Hindi nila ako makikila, Unang una ay kaylangan kong maghanap ng matutuluyan" usal nya sa sarili.

Tumungo muna sya sa bangko upang maka pag
Withdraw ng pera,

Mas pinili ni Tristan na 'wag makipag usap at makipag kaybigan nino man nang mag umpisa na ang klase.

Takot rin s'yang makipag salamuha sa iba, "Hi!"

Nagulat naman si Tristan ng biglang may tumabi sa kanya habang busy sya sa pagbabasa sa garden ng school. Tinignan nya lang ito at hindi pinansin

"Hoy mamansin ka" pangungulit ng lalakeng todo maka ngiti at labas pa ang dalawa nitong dimple. Lumipat ng inuupuan si Tristan at muling nagbasa

"La? Ok lang 'wag kang mahiya. 'Di ako papayag na maging loner ka kaya ok lang na maging magkaybigan tayo" usal nito at muling tumabi sa kanya.

"Wag kang lumapit" usal ni Tristan kaya agad na napa atras ang lalake

"Eh? Nakakatakot ka naman. Ah! Alam ko na anong pangalan mo?" Tanong nya at umurong palapit "Layo" taboy ni Tristan dito.

"Ako si Rey Buencamino at yorr serbizz" usal nito habang iniiba ang tono ng pananalita

"Wala akong pake" pagsusungit ni Tristan

"Sungit mo pare ah, Ano pangalan mo ha?"

"Wala nga akong sabeng pake sayo kaya umlis ka dito, Teka bakla kaba?" diretsong tanong sa kanya ni Tristan at malakas na isinara ang libro

"Hindi no! Teka nga sa'n kaba pinaglihi ang sungit mo ah! Ano tara sapakan!?" Sigaw ni Rey. Napa pikit naman ng mariin si Tristan at saka tumayo habang naka yukom ang kamao

Marahas nyang kinuwelyuhan si Rey at pinagbantaan

"Ayaw ko ng gulo kaya umiiwas ako diba? Pero pinilit mo'ko gusto bang mabarag 'yang bunganga mo" mariing usal ni Tristan

Tinapik tapik naman ni Rey ang braso ni Tristan at pinilit na ngumiti. "E-eh j-joke lang a-ayoko n-nang g-gulo, M-may i-ire-re...commend lang ako s-sayo" paliwanag ni Rey at sabay napalunok.

"A-alisin m-mo na k-kamay mo pwede" pakiusap ni Rey kaya naman tinanggal ni Tristan ang pagkakahawak nya at tinignan ito ng masama.

"Ehem..So ito nga 'di ko naman talaga balak na manggulo pero gusto ko sanang mabenta 'tong laptop ko kaylangan ko ng pera. Na scam ako! Wala na'kong allowance at siguradomg magagalit ang parents ko pag nagkataong nalaman nila ang katangahan ko." Paliwanang ni Rey habang kinukuha sa bag nya ang laptop

"tanga ka nga, Pero 'wag mo naman akong idamay sa problema mo"

Naglakad paalis si Tristan kaya napa dive at napayakap si Rey sa binti ni Tristan "Tulungan mo'ko please sige na wala pa'kong kain nagugutom na'ko please"

Nag igting ang panga ni Tristan at napa buga ng hangin.

"Magkano ba kaylangan mo?" Tanong nya kaya agad na napatayo si Rey habang wagas ang ngiti







"Chalamahat ah! Guhutom nah ghutom na'ko eh" usal ni Rey habang punong puno ng pagkain ang bibig habang si Tristan naman ay gigil na napapa tingin sa ibang direksyon.

"Ah yung laptop ko kunin mo nalang d'yan bye" naka ngiting usal nya

Tumayo naman si Tristan at saka naglakad paalis

"Hoy yung laptop!"

"Sayo na 'yan bulok 'yan" sigaw ni Tristan habang naglalakad.

"Yabang nya 1 year palang 'yan sa'kin no"

Kinabukasan ay naglalakad papasok ng gate si Rey at nakitang pinag tutulungan si Tristan, Binabatok batukan 'to at ikinakalat ang mga gamit.

Nagkadugtong naman ang mga kilay ni Rey at tinignan  ang mga muka ng lalakeng gumugulo dito.

"Hoy!" Sigaw ni Rey at napa tingin naman silang lahat
"Ano!?" Sagot ng isang lalake

"Wala" usal ni Rey sabay takbo

Maya maya ay nagtungo si Rey sa garden at nakita ang puro galos na katawan ni Tristan

"Pare ayos ka lang?" Tanong nya dito, Tumingin lang saglit si Tristan at ibinalik ang tingin sa librong binabasa nya.

"Pasensya ka na hind--"

"Salamat" pasalamat ni tristan kaya napa kunot ang noo ni rey "ha? Bakit hindi naman kita tinulungan eh" napakamot ito sa ulo.

"Salamat kasi hindi mo 'ko tinulungan, Kaya ko naman sila eh. Mabuti duwag ka"

Hindi maintindihan ni Rey kung nang iinsulto o bati sila nito "Eh? Hindi kita ma gets"

Napatawa naman si Tristan kaya nakitawa nalang din si Rey "hahaha..bakit tayo tumatawa? Hahaha" tanong ni Rey nang biglang tumigil si Tristan at inilahad ang kamay nito

Hinawakan naman 'yon ni Rey at nakipag shake hands bigla namang napa poker face si Tristan.

"Hindi ako nakikipag kamay, Akin na ang laptop"

"Eh? Sabi mo ayaw mo kasi bulok" naka simangot na usal ni rey

"Nasira kasi kanina habang BINUBUGBOG AKO tapos DUMAAN KA LANG" diniinan talaga ni Tristan ang mga salita nya

"Ang gulo gulo mo naman, O sya ito oh" kinuha ni Rey ang laptop at iniabot kay tristan

"Salamat" pasasalamat ni tristan at bago sya umalis humarap muna sya kay Rey

"Ako pala si Tristan Mendez"




"Rey ang lalim naman ng iniisip mo, Ano crush mo ba 'yan?" Tanong ng mama ni Rey at biglang nasamid si Rey

"Ano? Mom naman eww" usal ni Rey habang kumakamot ng ulo.

"Eh kasi sino ba iniisip mo?"

"Hindi sino mom, Kundi ano"

"Eh ano naman yun?"

"Ano ba kinain natin kanina? Kanina pa'ko tumatae ang sakit ng t'yan ko"

"Ang baboy mo namang bata ka, Ewan ko tignan mo nalang sa tae mo"

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon