chapter 3: (Help Me)

176 14 2
                                    

•Tristan's POV•

"Lubayan mo na 'ko! Wala nga 'kong matutulong sayo" Sigaw ko dun sa magandang multo na 'yon habang naka tago ako sa likod ng couch sa bahay.

Mag-isa pa naman ako dito
"Alam mo kaya kong mapunta d'yan agad sa tabi mo" pananakot nya. "Wag!" Sigaw ko, Wala ng nagsalita kaya dahan dahan akong umangat at hinanap sya

Nagulat ako dahil ang muka sya ang sumalubong sa 'kin at nagkasalubong ang tingin namin, Bigla s'yang kumindat.

Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo papasok sa kwarto la!? Baliw na sya!
Mukang 'di naman sya

susunod dito, Nagtakip ako ng kumot at namaluktot habang may yakap na throw pillow natatakot ako baka mag sama pa 'yun ng ibang multo dito. Teka? Dati lang ako may kakayahang makakita pero ba't bumalik?

•Samantha's POV•

May bumalik sa ala ala ko, Pero ba't ang konti lang? Dahil sa muka nya ba? Imposible.

Flashback

Nagtatago pa rin sya sa likod ng couch bakla ba sya? Pumasok kasi ako sa bahay nila at kanina ko pa sya pinipilit pero mukang ayaw.

Dahan dahan akong lumapit  sa couch, Sumilip sya kaya nag kasalubong ang tinginn namin pero agad naman n'yang s'yang tumakbo

"Wag kayong lalapit!" Sigaw ko sa mga lalakeng malalabo pa ang muka.

"Eh nagmamatigas ka pa kasi" maangas na sabi nung isa, Nagpatuloy ako sa pag-iyak

Ano 'yon!? Yun lang!?

End

Pumasok ako sa kwarto nya, tulog na ata sya? Mukang tanga kasi nakatalukbong pa ng kumot kala nya naman talaga sa 'kin.

Napansin ko 'yong mga picture frame sa study table nya, Sinilip ko sya saglit at hinawakan ang isang frame

S'ya lang ang nandun at bata pa sya naka ngiti sya ang cute pero parang malungkot kasi lahat ng pictures sya lang mag-isa. Lumapit ako at dahan dahang tinakpan ang naka talukbong na kumot nya

Dahan dahan akong lumapit sa muka nya ang pogi pala talaga neto eh no? Pero sana pagbigyan mo 'ko isang titig lang may kukumpirmahin lang ako, Inilapit ko ang muka ko at tinitigan sya malay mo gumana no.

Tinagalan ko pa pero wala namang nangyare ano kaya yun? Edi pano nangyare yung kanina? "Hoy! Manyakis kang babae ka! Pervertito!" Nagulat ako sa OA na sigaw nya nasa sulok na sya ng kama habang ako nakayuko pa rin.

Inayos ko ang pagkaka upo ko "uhm. May kinumpirma lang naman ako ang OA mo!" Sigaw ko habang naka halukip kip

"Hindi! Manyak ka pervertito, Ba't ka nandito labas!" Binato nya ako ng throw pillow ibinato ko naman pabalik yun sa kanya "Pabebe, Kala mo naman 'di labag sa loob ko yun no" inirapan ko sya at nag teleport na palabas ng kwarto nya

Umupo ako sa couch at nag-isip pano naman kaya yun?

Kinabukasan...





She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon