Chapter 9: (Detectives)

106 12 0
                                    


"Guys! Sem break ngayon mag imbistiga na tayo" pangungulit ni Rey habang naka akbay sa dalawa

Nagkatinginan naman sila Tristan at Samantha at sabay na tumango

•••

"Hoy ano ka ba Rey? Ki-na-reer mo ah? Naka checked ka na, Na jacket naka checkered ka pang sumbrero! Green pa!" Pagrereklamo ni Tristan sa outfit ni Rey

Dahil nagmistulang detective ito may dala s'yang telescope camera at Identifying glasses.

"Whats? It detective and using there!" Baluktot at walang patutunguhang sagot ni Rey. "Ano!?" Iritang tanong ni Tristan habang si Samantha naman ay natatawa lang.

Naka rating na sila sa unang destinasyon at unang i-embistigahan Sa tapat ng isang department store, "Ang alam ko sinabi ni Lina na dito nya raw ako nakita 2 years ago" usal ni Samantha

"Ano daw itsura mo nun? Ganyan pa rin ba o may iba kang kasama?" Nagboboses matanda si Rey habang naka salamin "Wag ka nga d'yan kala mo naman" iritang saway ni Tristan

"Uhmm..ewan eh ginising nya lang ako pero naka uniform na talaga ako ng gan'to" sagot ni Samantha, Tumango naman si Rey at humawak sa baba nya

"Kung ganon ay, Mag-isa ka lang napadpad sa lugar na ito na naka uniform na talaga, At si Lina ang nakakita tama ba?" Ulit ni Rey habang naka taas ang kaliwang kilay

"Inulit mo lang eh!" Sita ni Tristan dito. Napakamot naman si Rey "Alam nyo wala namang patutunguhan 'to eh sigurado akong babalik naman ang ala ala mo, Kaya mag stay ka na lang muna sa bahay. Mag-tagayan na lang tayo tara!" Paliwanag ni Tristan at umakbay sa dalawa

"Oo nga eh, Tsaka wala ring pumapasok sa utak ko. There nothing in me brains" kamot ulong usal ni Rey kinaltukan naman sya ni Tristan na naka akbay sa kanya

"Tama!" Sang ayon rin ni Samantha

Nang makarating sa kanila ay bumili sila ng juice at beer in can at pwedeng pampulutan

"Sigurado ka bang iinom ka?" Paninigurado ni Tristan kay Santha na excited na naka tingin sa binubuksan n'yang can ng beer.

Masayang tumango si Samantha "Ikaw rin eh! Kaya ako rin"

"Ok" kibit balikat na sagot ni Tristan dito, Umupo na sila sa sahig gamit ang lamesa sa sala 'di na sila gumamit ng upuan at sa sahig na lang umupo.

Na sa tabi ni Samantha si Tristan habang si Rey naman ay nasa harap nila, "For Sam memory wish backing again!"  Masayang sabi ni Rey at itinaas ang can ng beer "Wala akong naintindihan pero cheers!" Itinaas rin ni Samantha ang kanya
Natawa na lamang si Tristan at sabay sabay nilang pinag untog ang mga can nila.

Maya maya matapos ang ilang laro at kwentuhan pare parehas silang nalasing

"Uy! Shino,uminom ng alak ko! Nawala oh..naubosh!" reklamo ni Samantha habang itinataas ang can nya

"Di ko alam baka shi Trishtan o baka akho! Hahahah!" usal naman ni Rey habang kumakain at pinaglalaruan ang ilang mga can na wala ng laman

"Rey!" sigaw ni Tristan kaya nagulat ang dalawa na napa tingin sa kanya. "Kanta tayo!"

Kinabukasan ay nakatulog ang tatlo habang naka patong ang ulo nila sa lamesa, Unang nagising si Tristan nakita nya na mahirap ang posisyon ni Samantha kaya inayos nya ito sa couch.

Nilinis na nya ang mga kalat nila kagabi at nagluto ng hangover soup, "Tris!" Tawag sa kanya ni Rey habang papalapit ito. "Bakit si Sam hiniga mo sa couch? Tas ako hinayaan mo magpa gulong gulong sa sahig! Malamig dun 'di mo ba inisip na lalamigin ang aking likod na pwede ako mag kasakit! 'Pag may kaylangang gamot 'wag mahiyang magtanong kung may r--Aray 'to naman" himutok ni Rey kaya binatukan na lang sya ni Tristan

"Babae 'yon eh" tanging dahilan ni Tristan. "Wow mahal mo talaga ako ah para sa 'kin ba 'yan?" Hinimas nito ang likod ni Tristan dahilan na nasapak sya ni Tristan sa braso. "Bakla ka na! Layo!" Taboy nito sa kanya

Habang naka higa si Samantha ay may bimalik na ala ala dito dahilan ng pagsakit ng ulo niya.

"Please paalisin nyo na 'ko" pag mamakaawa ni Samantha, "ano!? Eh naawa ba pamilya mo sa 'min ha!?" Sigaw nito pabalik sa kanya

May narinig silang tunog mula sa itaas nanlaki ang mga mata ni Samantha dahil sa kanya ito babagsak.

Napapikit na lamang sya

Napaupo sa pagkakahiga si Samantha at napahawak sa sindito nya. Naamoy nya ang mabangong niluluto ni Tristan kaya pumunta sya sa kusina

Nakita nya na naka upo habang humihikab si Rey at si Tristan naman ay nagluluto, lumapit sya sa tabi ni Tristan at nginitian ito.

"Ano 'yan?" Tanong nya, "Para sa hang over, upo ka na muna dun" tanging sabi ni Tristan tumango naman si Samantha at nagtungo sa tabi ni Rey

"Woah, Woke up like that ba? Ang ganda mo pa rin ah" naka ngiting parang bata na sabi ni Rey sa bagong gising na si Samantha. Nginitian lamang sya ni Samantha iniisip nya pa rin kasi ang mga ala ala nya.

'Sino kaya ang tatlong lalake na 'yon? Bakit sila galit sa 'kin? Dahil sa pamilya ko? At yung nalaglag sa taas..Isang bagay na hindi ko masyadong naaninag..Sa ngayon 'yun pa lang ang alam ko.' Usal nya sa isip niya, Napa buntong hininga na lamang sya

"Ah nga pala may bumalik na ba sa ala ala mo?" Tanong ni Tristan habang naglalagay sa mga mangkok ng niluto nya

"Ah..W-wala pa eh" tanging ani ni Samantha at nagbigay ng pilit na ngiti. "Don't Sam worry you ok? Memory would backing soon!" Masayang sabi ni Rey habang naka ok sign. Napa iling na lamang si Tristan at bahagyang natawa

"Rey lamunin mo 'yan baka sakaling dumeretso na pag i-english mo ah" usal ni Tristan at nilapag ang soup sa tapat nya

Sabay sabay na silang kumain

"Mag outing kaya tayo?" Suggest ni Rey habang sumusubo. Napa tingin naman si Tristan ganun din si Samantha, Nabuhayan naman si Samantha "Tara! Tristan uhm..amusement park kaya?" Suggest din nito

"Di naman outing 'yon eh, Pero sige try din natin" tanging sabi ni Tristan

"Sa batangas kaya?" Singit ni Rey. "Wag!" nagulat sila sa pagsigaw ni Tristan at mukang seryoso ito

"Bakit? O sige 'wag na" napakamot na lamang si Rey

Inayos ni Tristan ang kinainan nya at nagtungo sa sink para hugasan iyon, Tumingin sya saglit sa mga kaybigan nya

"Ayokong bumalik pa sa nakaraan"

tanging usal ni Tristan sa isip nya.

She's A Ghost [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon