Chapter 16

501 17 0
                                        

Chapter 16

PARK JIMIN POV:

Kumatok ako sa pintuan ng bahay nina Joanna, akala ko pa naman siya ang magbubukas pero si Tita Belle pala. Namumula ang kanyang mga mata na para bang kakagaling lang nito sa pag-iyak.

"Tita, si Joanna po?" ngumiti siya ng mapakla at may inabot sa akin na isang papel at may laman itong sulat. Napakunot ang nuo ko, anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito?

"A-Ano po 'to?" hindi ko mapigilan ang sarili na maging kabado. N-Nasaan ba si Joanna? D-Dapat tinawag na ni tita si Joanna, at hindi 'yung may ibibigay siyang sulat.

"Galing 'yan kay Joanna, pinapabigay niya sayo. Maiwan na kita, iho" at iniwan naman ako mag-isa ni tita, tinignan ko ang hawak kong papel na may sulat na galing 'daw' kay Joanna. P-Para saan ba 'to?

Binuksan ko ang sulat na 'yon, at mahinang binasa.

Dear Park Jimin,

                      Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung hindi dahil sa akin, 'edi sana nakapag-audition na kayo. Kung hindi dahil sakin, maayos pa sana tayo. Gusto ko man ipaliwanag ang sarili ko sayo, pero hindi ako makakuha ng tyempo. Palagi nalang akong sinasabayan ng takot. Takot na hindi ka naman makikinig at hindi ka naman maniniwala. Sorry rin kung nilalapitan ko si Youngjae, pero sorry din dahil hindi ko siya magawang iwasan dahil kaibigan ko siya. Ayokong iwasan ang iisang kaibigan na natitira, ayokong may mawala pang kaibigan ko, Jimin. Simula noong iwan mo 'ko, natatakot na akong iwan ang mga bagay-bagay, natatakot ako dahil baka sa huli wala ng matira sa akin. Ang sakit, sobrang sakit noong sinabi mong hindi na talaga maayos ang pagkakaibigan natin. Ang akala ko pa naman, isang araw—sana malaman mo na pinagsisihan ko ang araw na 'yun. Pero isang maling akala lang 'yun, dahil tinapos ko na ang mayroon tayong dalawa.

Tumigil na ako kakabuntot sayo, dahil meron ka ng iba. Nakita na kitang masaya kapiling ang iba, nakita ko ang isang ngiti na akala ko makikita ko na ang dahilan ay ako, pero hindi pala—iba na ang dahilan sa ngiti na 'yun. Masakit pala talaga magmahal 'no? Katulad ng pagmamahal ko sayo, sobrang sakit kaya hindi na kinaya ng puso ko hanggang sa bumigay na ito. Sorry Jimin, kung hindi ko napanindigan ang pagmamahal ko sayo, *chuckled* ikaw naman kasi 'e, dinurog mo na kasi ang pusong dati pang nagmamahal sayo.

Salamat sa pagkakaibigan na binigay mo bago nag-iba ang lahat. Masaya akong nakilala kita, Park Jimin. Hindi ko pinagsisihan na naging kaibigan kita noon, at hindi ko pinagsisihan na minahal ko ang lalaking nangangalang Park Jimin.

Paalam, Park Jimin. Hanggang sa ating muling pagkikita... Mahal na mahal kita. Saranghaeyo </3

Nagmamahal, Joanna

Hindi ko mapigilan mapaluha sa hanggang sa matapos ko ang sulat. S-She loves me...at hindi ko alam kung hanggang ngayon mahal pa rin niya ako. Damn Jimin. Anong ginawa mo? Fuck, huli na ang lahat. Huli na dahil iniwan na niya ako, katulad ng pang-iiwan ko sakanya noon.


[Bangtan #1] Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon