Chapter 7

576 19 0
                                    

Chapter 7

JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko, sobra na ang sakit na nararamdamn ko ngayon. Ngumiti na lamang akong mapakla at nagdesisyon na umalis. Ang sakit na makita na ang minamahal mo ay may kasamang iba at hindi ako 'yun. Ngumingiti siya at hindi ako ang dahilan ng ngiti na 'yun.

F L A S H B A C K

Naglalakad ako sa hallway, at pupuntahan sana si Jimin sa klase nito. Kailangan ko na siyang makausap, it's now or never. Ito na ang tamang panahon para malaman niya ang nangyari sa nakaraan. Na wala akong kasalanan, at coincidence lamang 'yun.

Break time na ngayon, kaya tapos na niyan ang klase niya. Sana naman maabutan ko siya, sigh. Hindi pa ako nakakalapit sa classroom nila, nakita ko siyang may kasama babae. Isang babae na maputi, matangkad ng kaunti sa akin, at ang ganda pa. S-Sino siya? At hawak hawak pa ni Jimin ang kamay niya. G-Girlfriend kaya niya 'yun? Impossible.

Nakita ko silang palabas na ng classroom ni Jimin, magkaklase ba sila?

"You should get going, Jimin. Papunta na niyan ang mga kaibigan ko" rinig kong sabi ng babae kay Jimin, they looked so close to each other.

"Samahan na kita babe, wala rin naman akong kasabay" biglang nanlambot ang buong katawan ko sa sagot ni Jimin sa babae. Babe? Ibig sabihin lang 'non, sila nga dalawa. M-May nobya na si Jimin.

At lalo pa ako nanlambot ng makita kong ngumiti si Jimin sa babae, sincere smile, na never pa niya ginawa sa akin simula noong nag-away kami.

E N D  F L A S H B A C K

Masyado bang mabilis kung susuko na ako sakanya? Sabihin na natin na mabilis 'nga, pero sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Sobra. Kung gaano ko siya kamahal, ganoon din ang sakit na nararamdaman ko sakanya. Wala na akong pag-asa. Wala ng pag-asa na magkaayos manlang kami.

Hindi naman sa sumusuko na ako, pero ititigil ko na ang paghahabol ko sakanya. Tama na ang sakit na nararamdaman ko ngayon lalong lalo na may nobya na pala siya. Wala na akong magagawa 'don, at sa nakikita ko mahal na mahal niya ang babaeng 'yun kaya ano pa ang laban ko diba?

Gusto ko man siya ipaglaban, pero hindi sapat ang pagmamahal ko. Gusto ko man ibalik ang dating pagsasama namin, pero paano kung siya naman ang lumalayo sa akin diba? Sigh. Hahabulin ko siya, tatakbuhan at lalayuan naman niya ako. We're just playing hide and seek.

I guess, I should stop playing hide and seek. Itatago ko nalang ang nararamdaman ko sakanya, at sa paglipas ng panahon, alam kong mawawala rin 'to. Katulad ng pagkakaibigan naming dalawa. Mawawala na parang bula.

[Bangtan #1] Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon