Chapter 6
JOANNA FRITZ DELA FUENTEPinaglalaruan ko ang daliri ko, 'eto na ang tamang oras para sabihin ko sakanya ang nangyari 'non. Para mawala na ang galit niya sa akin.
Kakatukin ko sana ang pintuan ng kwarto niya pero narinig ko ang boses niya, at mukhang may kausap siya.
"Hey babe." biglang kumirot ang dibdib ko sa narinig ko, "Miss na kita" rinig ko pang sabi nito. Darn. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sa dibdib? Ganito ba talaga pag one-sided love? Sobrang sakit.
"I love you. Mag-ingat ka 'jan" sabi pa nito. Hinawakan ko ang dibdib ko at umalis na 'don. Masakita. Sobrang sakit. Hindi na kaya ng puso ko ang sakit, kahit sinasabi ng utak ko na pakawalan siya, hindi ko magawa dahil ito ang sinasabi ng puso ko.
I only have 3 weeks to go, at wala pa akong nagagawa. Yes, sa sobrang bilis ng panahon ilang linggo na ang makalipas at hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sakanya. Kailangan ba aayon ang tadhana sa gusto ko?
"Hindi ka pa ba nawawalan ng problema?" napatingala ako, at si Youngjae lang pala. Bakit ba pag may problema ako, siya palagi ang nakakakita sa akin? Hindi ba pwedeng si Jimin naman? Sigh. Baka hindi na mangyari 'yun. Baka nga hindi ko pa masabi sakanya ang totoo 'e.
"A-Anong ginagawa mo dito sa subdivision namin?" takang pagtatanong ko sakanya, napakamot siya ng batok at napatawa ng mahina.
"Pupuntahan sana kita sa bahay niyo, pero hindi ko naman alam" napatawa ako bigla. Tae, hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sakanya. Pfft
Napataas naman ang kilay niya, "Anong nakakatuwa?" tanong niya sakin, nainis ko ata siya.
"Pfft, hindi ko alam na tanga ka pala" tawa na sabi ko sakanya, napanguso naman siya. Shit, ang cute niya pala. Nevermind.
"Tsk. Maganda na ng sabihin mo sakin na tanga ako, basta mapatawa lang kita" seryosong sabi niya, napatigil naman ako at tinignan siya. A-Anong ibig niyang sabihin? Oo na—ako na ang slow.
"I really like you, kahit si Jimin ang nilalaman ng puso mo" napalunok ako sa biglaang confession niya sakin. Shit, hindi ko alam ang isasagot ko. Napayuko naman ako, pero narinig ko siyang tumawa ng peke.
"Maghihinitay ako. Hihintayin kita hanggang sa pakawalan mo na si Jimin." at hinalikan niya ang noo ko at umalis na sa harapan ko. Napahawak ako sa noo ko, kung saan niya ako hinalikan. W-What was that for?
"Maghihinitay ako. Hihintayin kita hanggang sa pakawalan mo na si Jimin."
Napangiti na lamang ako ng mapakla at napayuko. Hindi ko aakalain na may nagmamahal pala sa akin maliban sa magulang, kaibigan ko pati ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
[Bangtan #1] Park Jimin
Fanfiction❝ Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it is the only thing that I know ❞