Chapter 18
JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:
"Ano na naman ba 'to, Lian?" inis na tanong ko sakanya, inikot lang niya ang kanyang mata at tumingin sa akin ng diretso.
"Duh. It's a blind date, Joanna." natawa naman ako ng mapakla, "You're just wasting my time, Lian. Hindi ako sasali sa laro mo" at akmang tatayo, pero pinigilan niya ako gamit ang paghawak ng isang kamay ko.
"Bes naman. It's just a simple blind date. It's been 6 months since you stayed here, pero wala kang inatupag kundi ang pag-aaral mo." sagot niya sa akin
"Lian, alam mo naman na wala akong plano na pumasok sa isang relasyon at pinangako ko 'yun kay mama" giit ko sakanya, napanguso naman siya
"Ang sabihin mo lang, hindi ka pa nakakaget-over kay Park Jimin" nanuyo naman ang lalamunan ko sa sinabi niya.
"What?"
"Tsk. Ikaw na 'nga ang tinutulungan na maghanap ng lovelife, ikaw pa 'tong tumanggi." nagtatampong sabi niya. I heaved out a big sigh, bakit ba pag nagiging ganito si Lian hindi ko siya matanggihan? Sigh.
Huminga ako ng malalim, at tumango ng dahan dahan. Pumalakpak naman siya ng mahina at ngumiti ng napakalapad.
"Parating na sila" at humagikgik siya, tsk. Sabi na 'nga ba planado na niya 'to
Wala pang limang minuto, may pumasok na dalawang lalaki sa restau at napatayo naman si Lian. Sila ba ang tinutukoy niya? Jeez.
Lumapit ang dalawang lalaki sa amin, niyakap naman ni Lian ang lalaking nakapolo, "Bes, meet Josh, my boyfriend at 'eto naman ang kakambal niya na si Jeremy" pakilala ni Lian sa kanila. Ngumiti lang ang boyfriend ni Lian, habang nakapoker face naman ang Jeremy na pinakilala niya.
"She's Joanna, my bestfriend" pakilala sa akin ni Lian, tinanguan ko lang silang dalawa at umupo na. Umupo sa tabi ko si Lian, habang kaharap ko naman si Jeremy at kaharap ni Lian ang boyfriend nito. Nakatungo lang ang lalaking kaharap ko, mukhang silent treatment ang makukuha ko dito tsk.
Napakamot naman ang ulo si Josh, "Sorry ha? Tahimik talaga si Jeremy, pero pag naging close kayo niyan hindi na tatahimik 'yan" tumango lang ako, mukha nga, pero wala akong balak maging close sakanya. Hihintayin ko lang matapos ang araw na 'to at babalik ako sa dati kong gawi.
Kitang kita ko ang napakalapad na ngiti ni Lian at kislap sa kanyang mga mata. She's really in love with him huh? Psh.
"Joanna, pwede ba na maiwan na muna namin kayo ni Jeremy?" bulong niya sakin, napataas naman bigla ang kilay ko. The heck, iiwan niya ako sa lalaking sobrang tahimik? Nasisiraan na ba siya ng ulo?
Bigla naman siya nagpuppy-eyes. Shit. "Sige na, bes." I sighed as a defeat, ngumisi naman siya at sinenyasan ang nobyo niya na aalis na sila.
"Ingat kayo" bored na sabi ko sakanya, tumango naman siya at inakbayan siya ni Josh habang naglalakad na sila papaalis ng restau. Napatingin ako kay Jeremy na nakatingin nagyon kaynila Lian na papaalis na. I raised my brow while staring at him, is he staring at them or at Lian?
Wait lang—tama baa ng iniiisip ko ngayon? Tch, I shrugged my mind off. Nababaliw na ako. Impossible naman na inlove si Jeremy kay Lian diba? Tapos kakambal pa nito ang boyfriend ni Lian, unrequited love I guess? Psh, nababaliw na talaga ako.
"Ahem" pekeng ubo ko sakanya, kaya nabaling ang kanyang tingin sa akin. Nakakunot ang nuo nito pero walang emosyon ang kanyang mukha. Naalala ko tuloy si Jimin sakanya. Aish, ano ba 'tong iniisip ko?! Damn it.
"What?" malamig na tanong niya, napalunok naman ako. Nawalan ata ako ng dila ngayon, taena. Hindi ako makapagsalita dahil sa talim at lamig ng kanyang titig sa akin
"U-Umalis na kasi sila, L-Lian. K-Kaya aalis na rin ako" mahinang sambit ko sakanya, napataas naman ang kilay niya at umangat ng kaunti ang dulo ng kanyang labi. Did he smirk in front of me? Damn it
"I thought this is a date?" he asked me, pero malamig pa rin ang kanyang boses. Lumunok ako ulit, mauubosan ata ako ng laway dahil sakanya. Sigh.
"P-Pinilit lang naman ako ni L-Lian, at m-mukha naman w-wala ka rin balak na p-pumunta kung hindi lang dahil sa kakambal mo" sabi ko sakanya, at dahan dahan akong tumayo at yumuko sa kanyang harapan.
"S-Salamat sa oras. A-Aalis na ako" mahinang paalam ko sakanya, at akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko. Bakit ba hindi nila ako magawang paalisin? Noong una si Lian tapos ngayon siya, ano ba ang problema ng mga tao sa akin?
"I-I like you" tipid na sabi niya sa akin, ngumiti lang ako ng mapakla sakanya at dahan dahan tinanggal ang kanyang pagkahawak sa braso ko.
"'Wag mong pilitin ang sarili mo sa katagang 'yan. Hindi lahat ng bagay pinipilit, at hindi lahat ng bagay tinatago" makahulugan na sabi ko sakanya, nakita ko naman siyang napalunok. Tinapik ko ang balikat niya
"Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko o napaparanoid ako, pero sa nakita ko kanina gusto moa ng kaibigan ko pero hindi mo magawang sabihin dahil nobyo niya ang kakambal mo at masakit 'yun para sayo. Masakit talaga 'yan dahil napagdaanan ko na 'yan pero ang pagkakaiba natin, galit sa akin ang taon mahal ko at nasira pa ang pagkakaibigan namin na pinaiingatan ko at ngayon meron na siyang iba." Kwento ko sakanya
"We can be friends, kung gusto mo lang naman pero kung hindi kalimutan mo nalang sinabi ko" at tumawa ako ng peke.
"Osige aalis na ako, mag-iingat ka. Ako na bahala kay Lian magexplain kung anong nangyari ngayon" at umalis na ako sa restau na 'yun at iniwan siyang nakatulala. Bumuntong hininga ako ng malalim, at tumingin sa kalangitan. Sa ilang buwan na lumipas, kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya noong umalis ako? Haist.
BINABASA MO ANG
[Bangtan #1] Park Jimin
Fanfiction❝ Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it is the only thing that I know ❞
![[Bangtan #1] Park Jimin](https://img.wattpad.com/cover/67956371-64-k478935.jpg)