Chapter 27
PARK JIMIN POV:
She's crying, at nararamdaman ko 'yun. Tumutulo ang mga luha niya sa balikat ko, at naramdaman ko ang paggaan ng ulo niya. Nakatulog siya.
Napangiti ako ng mahina, I should make my move to win her heart again.
Napatingin ako sa pintuan, at nakita ko si Jeremy, na boyfriend kuno ni Joanna. Hndi ako naniniwala na boyfriend ni Joanna ang lalaking 'yun. Alam kong may natitira pang pagmamahal si Joanna sa akin. Hndi pa nawawala ang dati nyang nararamdaman, I swear.
Lumapit siya sa amin, at akmang kukunin si Joanna pero pinigilan ko siya. "Ako na ang maghahatid sa kanya pauwi" umiling naman siya
"No, ako na bahala sakanya. Iisa lang naman tintirhan namin" nanuyo ang lalamunan ko. Iisang bahay? Bakit?
Hindi na ako nakapagsalita nang kunin niya si Joanna sa bisig ko. Binuhat niya ito na parang bagong kasal, "Sorry for the inconvenience..." at umalis na sila, at naiwan akong mag-isa sa unit ko.
JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:
"J-Jeremy?" ngumiti siya pero alam kong pilit lang 'yun. "Matulog kana. Bukas nalang tayo mag-uusap. Goodnight princess..." and he kissed my forehead. Ngumiti lang ako ng mahina at pumikit.
PAGKAGISING ko hinanap ko kagaad si Jeremy sa unit, pero nalibot ko na ang buong unit pero hindi ko pa rin siya makita. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number niya pero hindi niya sinasagot 'yun. Where the hell is he? Napansin ko ang isang papel na nakadikit sa ref at nakasulat don ang pangalan ko. Galing kay Jeremy, pero bakit naman siya magiiwan ng papel para sa akin?
Kinuha ko 'yun at binasa,
Good morning Princess,
alam kong pag nabasa mo 'to wala na ako. Yes, I decided to leave without you at alam ko na alam mo ang dahilan. I heard everything last night, 'yung usapan niyo ni Jimin. Naramdaman ko ang pangungulila sayo ni Jimin at ganon ka rin kaya ako na ang gagawa ng paraan para maibalik ang dating kayo.
Masakit man pero ako na ang unang magpaparaya, Joanna. I don't want you to be hurt again at alam kong siya lang ang makapagpapasaya. I want you to be happy once again, guso kong makita ang totoo mong ngiti. We all know that you've been wearing a fake smile all these years.
You and Park Jimin are meant to be, kayo ang karapat-dapat sa isa't isa at hindi ako 'yun. Gusto ko man tanggalin ang sakit sa puso mo, hindi ko magagawa dahil si Jimin lang ang makakatanggal 'non.
Goodbye Princess. I hope pag nagkita tayo ulit, maayos na kayo ni Jimin at masaya kana sa buhay mo. I will miss you, princess. And I will miss calling you 'princess'. 'Till we meet again.
Jeremy.
Hindi ko napansin ang pagtulo ng mga luha ko. I sniffed and hid my face to my palm. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko.
"S-Sorry J-Jeremy... S-sorry...." mahinang hikbi ko. Walang tigil akong humikbi, hanggang sa lamunin ako ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
[Bangtan #1] Park Jimin
Fanfiction❝ Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it is the only thing that I know ❞
![[Bangtan #1] Park Jimin](https://img.wattpad.com/cover/67956371-64-k478935.jpg)