Chapter 21

483 14 0
                                        

Chapter 21

JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yun. Ngumiti naman ako, "Don' be nervous, Princess." Bulong niya sakin

"I'll try..." bulong ko sa kanya, he suddenly chuckled.

PARK JIMIN POV:

Tinignan ko si Jungkook na para bang hindi mapakali, "Hey, ano ba ang nangyayari sayo?" tanong ko sakanya pero hindi siya sumagot at nakatitig pa rin sa kanyang phone.

"Jungkook-ah." Tawag ko ulit sakanya, at mukhang napabalik siya sa realidad, "ha?"

"Ano bang nangyayari sayo? May problema ba kayo ni Margarette?" bumunong hininga siya at tumango ng mahina. Ang maknae talaga namin.

"Ano naman ang problema niyong dalawa? Noong isang araw maayos naman kayo diba?" tanong ni Jin hyung sakanya

"O-Oo, pero napapansin kong umiiwas na siya sa akin. Kasama pa niya si Mark" napatigil kaming lahat sa sinabi niya. Mark?

"Mark tuan?" tumango si Jungkook sa tanong ni Namjoon hyung.

"Baka naman kasi may ginawa kang hindi niya nagustuhan..." sabi ni Hoseok hyung, "at baka hindi mo na naman nagawa ang pangako mo sakanya" dagdag ni Taehyung

Nakita kong napailing si Yoogi hyung, at binaba ang kanyang headphones, "Noon si Jimin ang may problema sa lovelife, ngayon ikaw naman maknae. Sino naman kaya ang susunod? Baka ikaw Taehyung..." sabi ni Yoongi hyung, napatahimik naman kaming lahat.

"Oo nga pala, may ibabalita ako sayo..." tumingin siya sa akin, "She's back and guess what? She's with another guy, and she looks happy" at bumalik naman siya sa ginagawa nito, napatiim-bagang naman ako. Paano niya nalaman 'yun? Napatitig ako kay Yoongi hyung na para bang wala ng pakialam sa mundo, bakit ba ang dami mong alam Min Yoongi?

"'Wag mo nalang pansinin si Yoongi, Jimin-ah. Nagkakaganyan lang 'yan dahil hindi na siya kinukulit ni Celine" napatango naman ako sa sinabi ni Jin hyung sa akin. Papaano ko hindi pansinin ang sinabi ni Yoongi hyung kung tungkol naman 'yun kay Joanna? Isang taon na noong huli kong makita si Joanna, at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Gusto ko man siya makausap, pero paano? Ano ang sasabihin ko? Kapag kaharap ko siya nawawala lahat ng lakas ko, kaya natatakot ako.

I want to have her forgiveness, kaya lang sa nalaman ko kay Yoongi hyung kanina may iba na siya. Masaya na siya, at mukhang wala na siyang nararamdaman sa akin kaya para saan pa ang pagpapatawad na hihingin ko? Pero napakasakit na marinig na mayroon na siyang iba, 'eto ba ang pakiramdam na naranasan niya noon? Ang sakit pala...

[Bangtan #1] Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon