Chapter 26
Hinawakan ko ang kamay niya bago siya makaalis sa unit ko, "Joanna" napatingin siya sa akin, I saw pain in her eyes.
"Maiwan ko muna kayong dalawa" ani Jeremy sa amin, magsasalita pa sana si Joanna pero nakaalis na si Jeremy, at naiwan na lang kaming dalawa.
Kaagad niyang inalis ang kamay ko sa kamay niya at tumingin sa akin, " Bakit na naman ba, Jimin?" inis na ani niya sa akin, "Nagsorry na ako sa naging inasal ko noong isang araw. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin?" napalunok ako at yumuko
"S-Sorry. Alam kong marami ng sorry ang sinabi ko sayo, at hindi ako magsasawa na sabihin 'yun sayo. I regret what happened years ago, and I regret the day I told you to stay away from me and to break our friendship"
"A-And..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pinutol niya ito, "And you love me? 'yan ba ang sasabihin mo, Park Jimin?" napatahimik ako, nawalan ako ng boses sa sinabi niya.Yes, yan nga ang sasabihin ko.
I suddenly heard her chuckle, "Should I be thankful or what?" I felt the sarcasm in her voice, "J-J-Joanna..."
"What? Tell me, Park Jimin... A-Ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon?" and I heard her sniff. She's crying.
Hindi ko alam pero I felt myself hugging her. "S-Sorry. I-I'm really s-sorry. G-gagawin ko ang laat p-para bumalik n-na sa dati ang l-lahat. G-Gagawin ko..." mahinang ani ko sakanya, naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko. I-Is this the sign?
JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:
Ipinikit ko ang aking mata at niyakap siya pabalik, hindi ko alam kung bakit nakayakap ako sakanya ngayon. Should I give him another chance? pero paano nalang kung sasaktan nanaman niya ang puso ko? Hindi ko alam... Halo-halo na ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. What if---siya na naman ang sisira ng tiwala ko? Argh, naguguluhan na ako.
BINABASA MO ANG
[Bangtan #1] Park Jimin
Fanfiction❝ Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it is the only thing that I know ❞
![[Bangtan #1] Park Jimin](https://img.wattpad.com/cover/67956371-64-k478935.jpg)