Chapter 13

599 18 1
                                        

Chapter 13

JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:

Napatigil ako sa paglalakad ng may naramdaman akong may sumusunod sakin. Shit, kinakabahan ako.

Binilisan ko ang paglalakad ko, pero mukhang hindi ako tinatantanan ng sumusunod sakin. S-Sino ba kasi 'to? Darn.

"Ayoko pang mamamatay..."bulong ko sa hangin, at nanlambot ang buong katawan ko ng may nagtakip sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko at nagpupumiglas, at hindi ako makawala. Shet, patay na ako. Huhuhu.

Napatigil naman ako sa pagpupumiglas ng bumulong siya sa tenga ko, "J-Joanna..." Jimin. Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay sa bibig ko at inayos ang buhok ko. Shit, hindi ba siya marunong makipag-usap?! Muntikan na akong mamatay sa nerbyos, akala ko pa naman oras ko na.

Tinignan ko siya ng masama, "Tangina, hindi ka ba marunong lumapit ng maayos? Kung gusto mo 'kong mamatay, 'wag naman siya ganitong paraan, parang awa mo na!" galit na singhal ko sakanya, napayuko naman siya

"S-Sorry..." natawa naman ako ng mahina, sorry? tsk.

"Tsk, ano ba ang kailangan mo?!" masungit na sabi ko sakanya, napakamot naman siya ng batok

"I-I just want to talk about us..." lalo pa akong natawa ng mahina, tama ba ang narinig ko?

"You're kidding me, right? Ano pa ang pag-uusapan natin? Walang tayo, at ikaw pa ang nagsabi na hindi na magbabalik ang dating tayo, Park Jimin" diin na sambit ko sakanya, naalala ko na naman ang sinabi niya sakin noon.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya't napatingin siya sakin ng matalim. Masakit, sobrang sakit na makita at malaman na sobra ang hinanakit sayo ng taong mahal mo. Pero hindi ko pa kayang sumuko, gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Jimin, kahit ang ibalik lang ang pagkakaibigan namin, ayos na ako.

"Ano na naman ba, Joanna?" napayuko ako at dahan dahan tinanggal ang pagkahawak sa kanyang kamay

"A-Ano pa ba ang d-dapat kong gawin para maging m-maayos tayo, J-Jimin?" nauutal na sabi ko

"Wala, dahil hindi na mababalik ang dating tayo, Joanna. Ako na ang magsasabi sayo na kahit anong explain mo, hindi na tayo magkakaayos" malamig na sabi niya sakin at iniwan akong luhaan. Masyado ng sarado ang isip at puso ni Jimin para maging maayos ang pagkakaibigan namin.

"Remember that time? Ikaw na ang nagsabi at tumatak na 'yun sa isip at puso ko Jimin" walang emosyon na sabi ko sakanya, napalunok naman siya sinabi ko.

"Hindi na ako maghahabol sayo, 'yan ang tandaan mo. Wala na ang pangarap ko na maging maayos pa ang lahat, Jimin. Dahil noong araw na nakita kita na may kasamang babae na naging dahilan ng ngiti mo, sumuko na ang puso ko sa paghahabol sayo, sumuko na ang puso ko na mahalin ka pa ng higit" at ngumiti ako ng peke, at iniwan siyang nakatulala. Sa bawat hakbang ko papalayo sakanya, bumagsak ang mga luha na kanina pang gusting lumabas.

[Bangtan #1] Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon