Chapter 20
JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:
"The hell is wrong with you, Jeremy?" I asked him, I saw him pouted his lips. The heck.
"Ano na naman kasi ang problema? Hindi mo ko madadaan sa nguso mo na 'yan" maarteng sabi ko sakanya, he suddenly held my hand.
"I know hindi ka papayag sa hiling ko, pero please samahan mo na ako sa pilipinas. Wala akong kilala 'don wala pa akong matitirhan" huminga ako ng malalim, tumingin sakanya
"Alam mong busy ako, Jeremy. Wala akong balak na magbakasyon at sa pilipinas pa." at tinutok ko ulit ang tingin ko sa aking school papers na hanggang ngayon hindi ko pa natatapos.
"Joanna naman...please..." pagmamakaawa niya, "Ano ba kasi ang gagawin mo 'don? At pati ako idadamay mo" inis na tanong ko sakanya
"May pinapagawa si daddy sa akin, at ayaw naman akong samahan ni Josh. Nasabi ko na kay daddy na ikaw ang kasama ko kaya..." hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at tinitigan ko siya ng napakatalim.
"Jeremy... The heck is your problem?! Damn it" at ginulo ko ang buhok ko
"S-Sandali lang naman tayo 'don. One week lang naman tapos babalik na tayo." I heaved out a big sigh, "What if hindi ako pabalikin ni mama dito? What if bigyan niya ako ng ilan pang linggo para magstay. Damn, hindi ka ba nag-iisip?" napakamot naman siya ng batok.
"Mag-iingat naman tayo, Joanna. Hindi naman kayo magkikita ni Tita Belle dahil sa sobrang laki ng pilipinas diba?"
"Nothing is impossible, Jeremy." Huminga naman siya ng malalim, "Osige. Pag nakita tayo ni Tita, at maghingi siya ng ilang linggo, pagbigyan nalang natin." Damn it, hindi talaga ako makagawa ng rason pagdating sakanya.
"Fine, pero makakaalis lang tayo pag natapos ko na 'to" napangiti naman siya ng napakalapad, at bigla naman akong niyakap ng napakahigpit. Isang taon na ang makalipas¸at hanggang ngayon hindi pa ako nakakauwi sa pilipinas at mukhang panahon na para bumalik na ako pero kasama si Jeremy. Jeremy and I are—I don't know? I can't explain kung ano ang relasyon naming dalawa. Pero sa harap ng parents ko at parents niya and even at Lian's, we're acting like a couple at kahit hindi namin sila kaharap ganon pa rin ang inaakto namin. Nakasanayan na namin 'yun kahit hindi na bago sa amin.
Humahalik siya sa noo at pisngi ko pero never sa labi. Duh, hindi naman kasi kami. Fake relationship lang.
Nagsimula ito 4 months ago, and still going. Naging close na kaming dalawa, at marami na siyang nalaman tungkol sa akin at ganon din siya. Naalala ko pa noon, simula noong muntikan na akong maaksidente at nailigtas niya ako, naging close na kami. Wala na ang malamig niyang tingin at walang emosyon na mukha. Nakikita ko na siyang ngumingiti at tumatawa, pero nawawala 'yun kapag may kasama na kaming iba. At hindi ko alam kung hanggang ngayon, may gusto pa rin siya kay Lian or nakamove on. Hindi ko naman kasi siya matanong, dahil 'nga natatakot ako. Jeez.
HINALIKAN niya ang nook o at ngumiti siya, "Good night, Princess" napangiti naman ako, He always call me Princess at maganda 'yun sa pandinig ko. Haist. Maswerte si Lian na nagustuhan siya ni Jeremy, pero mas maswerte ang mamahalin niya in the future.
"Just text me kung tapos na ang school paper mo, para makapagbook na ako ng flight natin" tumango naman ako. Hindi ko alam pero bakit nararamdaman ko, nahuhulog na ang loob ko sakanya?
BINABASA MO ANG
[Bangtan #1] Park Jimin
Fanfiction❝ Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it is the only thing that I know ❞
![[Bangtan #1] Park Jimin](https://img.wattpad.com/cover/67956371-64-k478935.jpg)