Chapter 15

523 15 0
                                        

Chapter 15

JOANNA FRITZ DEA FUENTE POV:

Naluluha akong sinusulat ang isang sulat para sakanya. This is the day, my last day. Aalis na ako. Iiwan ko na talaga siya ng tuluyan. Hindi na niya makikita pa muli, dahil aalis na ako ng bansa. 'Yun naman ang gusto niya diba? Ang umalis ako, iwan na siyang masaya kapiling ang iba. Masakit, sobrang sakit na pinipilit mo ang sarili mo na wala na talaga, wala ka ng laban pero sa huli mahal mo pa rin siya. Kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ko, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sakanya.

Tama nga ang sinabi ni Ed Sheeran sa kanta niyang Photograph. Loving can hurt, Loving can hurt sometimes. Sigh.

Niyakap ko si mama, "Ma, mag-iingat ka dito" bulong ko sakanya, niyakap naman niya ako pabalik.

"Ikaw ang mag-ingat 'don, Joanna. Bakit naman kasi biglaan ang pag-alis mo? Alam ba 'to ni Jimin?" umiwas ako ng tingin at binigay kay mama ang sulat na ginawa ko.

"P-Pakibigay nalang po sakanya, kung sakali man na hanapin niya ako" mahinang sabi ko. Napakunot ng noo si mama, "Bakit? Bakit hindi ikaw ang magbigay sakanya? Sigurado akong malulungkot siya sa pag-alis mo" ngumiti lang ako ng mapakla. Kung alam mo lang ma—baka 'nga masaya pa 'yun sa pag-alis ko 'e.

"B-Baka po kasi p-pag nakita ko pa po siya, b-baka hindi na ako makaalis." pagsisinungaling ko, "Ganon ba. Basta mag-iingat ka, wala munang magb-boyfriend huh?" natawa naman ako, at tumango.

Hinatid ako ni mama sa labas ng bahay, at sinakay na ng driver ng taxi ang maleta ko. Hinalikan ko sa pisngi si mama at ngumiti.

"Love you, ma" Love you Jimin

"Love you too, anak" pumasok na ako sa taxi, and I waved my hand to her.

Ngumiti ako ng mapakla, at umalis na ang taxi na sinasakyan ko. I guess—goodbye Philippines, hello France. 

[Bangtan #1] Park JiminMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon