Chapter 22

533 16 0
                                        

Chapter 22

JOANNA FRITZ DELA FUENTE POV:

Pumasok ako sa loob ng unit ko, isang taon na rin noong huling nakapunta ako dito. Napakunot ang nuo ko dahil sa linis nito. Nagbago ang ibang posisyon ng mga gamit ditto, wait—may nakapasok dito at sigurado ako 'don. Pero sino? Wala akong naalala na may nakakaalam ng unit ko, kundi si Lian at ako lang at ngayon pati si Jeremy alam na niya.

"May problema ba?" tanong sa akin ni Jeremy habang bitbit niya ang gamit naming. Binaba ko ang shoulder bag na dala ko sa kitchen counter at tumingin sa paligid.

"M-may nakapasok dito pero hindi ko alam kung sino" mahinang bulong ko sakanya, napakunot naman ang nuo niya sa binulong ko.

"Sigurado ka?" and he also roamed his eyes, tumango ako ng mahina. Nagulat kaming dalawa nang makarinig kami ng kalabog sa kwarto ko, shit. Sino 'yun?! Naunang naglakad si Jeremy, habang nakatago naman ako sa likuran niya. Dahan dahan niyang pinihit ang doorknob at binuksan 'yun. Napatigil ang isang lalaki at nakatalikod siya sa amin. Pamilyar ang likod na 'yun sa paningin ko. Hinawakan ko ang ilalim ng damit ni Jeremy at hinila ko ito pababa.

"Who are you?" malamig na tanong ni Jeremy sa lalaking nasa harapan namin ngayon.

Dahan dahan siyang humarap sa amin, at nagulat ako sa lalaking nasa harapan namin ngayon.

"M-Min Yoongi?" mahinang tawag ko sakanya, napalitan ang pag-aalala na nasa mukha niya at ngumiti siya sa akin.

"Kilala mo siya?" bulong sa akin ni Jeremy at hinapit ang bewang ko, tumango naman. Napatingin si Min Yoongi kay Jeremy, at naging malamig ang tingin nito. Pareho talaga sila, sigh.

"Min Yoongi, meet Jeremy my boyfriend. Jeremy, meet Min Yoongi my cousin." Nagulat naman si Yoongi sa sinabi ko.

"B-Boyfriend mo?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Yoongi, tumango naman ako at ngumiti. Tinanguan lang ni Jeremy si Yoongi at ganon din siya.

"Joanna, let me talk to you for a second" seryosong sabi ni Yoongi sa akin, tinanguan ko si Jeremy at bago siya umalis hinalikan muna niya ang nuo ko.

Nilapitan ko si Yoongi at niyakap, "Yah, I miss you" sambit ko sakanya, "Me too. Hindi mo manlang ako sinabihan na uuwi ka pala" sabi sa akin ni Yoongi

"Sigurado ka ba na boyfriend mo 'yun? How about Jimin?"seryosong tanong niya sa akin, napayuko naman ako. Alam ko naman na botong boto siya kay Jimin para sa akin, at alam kong nagulat siya sa sinabi ko sakanya ngayon.

"I'm happy with Jeremy, Min Yoongi."

"Are you sure? Pag nalaman ko na sinaktan ka niya, mapapatay ko siya Joanna" ngumiti ako sakanya. He is really protective. I am sorry Min Yoongi at pati ikaw nadamay sa kasinungalingan namin ni Jeremy.


[Bangtan #1] Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon