Kabanata3@
•••••••
"Mommy!"
Masayang sabi sakin ng isang batang babae na sa tingin ko ay halos 7 taon gulang ang edad; sa ngayon ay mahigpit na nakahawak saking beywang.
"Mommy! Mommy bumalik ka na?"- masiglang tanong nito sakin.
Hindi ako makapagsalita sa bilis na lang ng pangyayari.
Mommy?!!... joke ba to?
Pero isa lang ang tiyak ko ngayon. At Yun ay pinagkamalan ako ng isang batang 'to na kanyang ina.Kitang-kita ko ngayon ang lubos na kasiyahan sa mukha nito, yun feeling na nakikita mo sa kanyang mga mata na nagnining-ning ito sa saya?
Palipat-lipat ang tingin ko sa main door at sa batang kaharap.
Hindi ko alam ang gagawin dahil malapit na akong makalabas sa lugar na'to pero sa isang iglap lang napurnada pa.
Gusto ko nang tumakbo sa main door at iwan ang bata kaso sobrang higpit ng pagkakayakap nya sakin. At nag-aalinlangan din ako dahil hindi ko kayang magpaiyak ng isang batang lalong-lalo ang katulad nya na mala-angel ang mukha. Sa isip ko dapat na kong umalis pero pilit na sinasalungat ito ng puso ko para sa kanya.
"A-ano kasi hind-"
Gusto ko na sana sabihin sa kanya na mali ang inaakala nya. Na hindi ako ang sinasabi nyang 'Mommy'. Kaso hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa Kanya ng bigla na lang ito nagsalita.
"Bakit po mommy?"
Naging matamlay ang kaninang masigla nitong boses. Pati na rin yung kanyang mga mata napalitan na ng lungkot.
"Aalis po ba ulit kayu? Iiwanan mo po ba ako muli pati na rin si daddy?"
- dagdag pa nitong mga katanungan.Hindi ko alam kung papano ko sasagutin ang mga katanungan ng isang bata.
Lalong-lalo na at nakikita ko syang nasasaktan para bang dinudurog ang aking puso. Kahinaan ko talaga ang mga batang katulad nya.
Bigla na lang itong napatingin sa sahig at naramdaman kong lumuwag na lang ang pagkakayakap nito sa akin. Katahimikan ang agad na bumalot sa amin ng hindi na ito umiimik pa simula ng hindi ko sya masagot.
Maya-maya pa nakarinig na lng ako ng mahihinang hikbi na nanggaling sa kanya. Dahil dun wala sa isip kong yakapin sya ng mahigpit at sabihin.
"Hindi na ako aalis at lalong-lalo na hinding-hindi kita iiwan"
Bigla na lng muling nagliwanag ang kanya mukha sa kasiyahan.
"Talaga po!? Pati si daddy hindi mo na rin iiwan Mommy?"
"Yea...hindi na ako aalis, don't cry na ha?" Sabay pahid ko ng mga luha sa kanyang magagandang mga mata na kulay brown.
"Promise?"
Muling tanong nito sakin. Kasabay nun ang biglang pagbaba mula sa hagdan ng misteryosong lalaki.
BINABASA MO ANG
"Reciprocal"
Gizem / GerilimShe is just a simple girl with simple life. Tipikal na normal na tao na laki sa hirap. All her life she needs to beg to others in order to survive but her fate suddenly change in one mistaken night.