Fara's Pov
"Daddy! Mommy!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napakunot-noo ako nang makita ang anak namin na nasa ibabaw ng puno.
"Bakla! Emerghed. Baby pogi, anong ginagawa mo diyan?!"
"Daddy naglalaro po. Fresh air!"
Siniko ko si bakla habang nakatingin parin kay Dyle. Hindi naman kataasan ang puno pero baka mahulog pa siya. Sinabihan ko agad si bakla na kunin si Dyle. Pano ba naman kasi siya napunta dun? Kanina naglalaro pa nga siya sa harapan namin. Dapat pala hindi nalang muna kami pumunta dito sa garden.
"Here you go!"
"But daddyyy"
Kinarga ko siya at pinanggigilan ang pisngi niya. Ang cute niya talaga, napalabi siya sa ginawa ko.
"No buts ok? Mahuhulog ka baby. Magkakaroon ka ng boo-boo!"
"You're gonna kiss it to make the boo-boo go away. I wanna climb, I wanna. I want!"
Pumadaos-daos siya kaya naman kumawala siya sa karga. Tumakbo siya papunta sa puno, buti na lang nayakap agad siya ni bakla.
"San ka pupunta?"
"Daddy! Please puh-please!"
"Baby gusto mong bumisita kina lolo mo?"
Ngumiti siya sa sinabi ko bago pumalakpak. Kumikislap naman ang mata niya sa tuwa. Matagal na niyang gustong pumunta sa opisina ng mga lolo niya. He wants to be like them, sabi niya.
"Really mommy?!" Tumango ako bilang sagot. Tumakbo siya sakin bago ako niyakap. Nagsquat ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya. Hinigpitan pa niya ang yakap bago ako tinadtad ng halik sa mukha.
"Baby pogi tama na" Natatawa kong awat sa kanya. Umayos siya ng tayo at hinila ako patayo papasok sa bahay.
"Daddy we'll go to lolos' building! C'mon! Hurry up dad!"
Binihisan ko si Dyle bago kami umalis papunta sa opisina ni dad. Mas malapit ang building niya kesa kay tito daddy ni bakla. Dumaan muna kami sa isang fast food restaurant para bumili ng tanghalian at snack.
Pinababa kami ni bakla ng makarating na kami sa building. Magpapark lang daw muna siya. Si Dyle naman pumasok agad. At namangha sa nakita sa loob. Namilog pa ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang bibig.
"Woah! This is so cool!"
"Yeah, you like it baby?"
"Ne! Ne!" Tuwang-tuwang sagot niya
"Hala! Ikaw ba yan ma'am? Mas lalo pa po kayong gumanda!" Napalingon ako sa gilid at nakita si manong guard. Buti na lang pala at hindi pa ako tuluyang nakapasok.
Nagmano agad ako sa kanya bago siya nginitian. Parang pamilya ko na rin ang turing ko sa kanila. Kahit minsan lang akong pumunta dito nung nag-aaral pa ko dahil hindi pa si dad ang nakabantay dito, naging close ko na rin sila.
"Si manong talaga oh, nambola pa. Kayo rin oh mas lalong pumogi at bumata" napatawa siya sa sinabi ko bago napailing-iling
Pabiro ko siyang tinulak at nginuso si Dyle sa loob
"Manong regalo naman po sa anak ko oh"
"Ma-"
"Manong guard na sobrang pogi na crush ko!"
Niyakap niya agad si manong at hinalikan sa pisngi. Napatawa ako ng inilayo ni manong ang mukha niya kay bakla.
"Jess aba'y hindi ka pa rin pala nagbago. Akala ko naman at naging lalaki ka na" lumabi si bakla
"Manong lalaki naman talaga ako pusong babae nga lang" sabay na kaming napatawa ni manong sa sinabi niya
"Uy manong tawa ka ng tawa yung sinabi ko po nakalimutan mo na ata. Regalo naman po ng anak ko, namin pala ni bakla" sabi ko sabay kindat kay bakla
"May anak na kayo? Kung ganun dapat pala magpakasal na kayo." gulat na sabi ni manong.
"Pagkain na lang din regalo ko sa anak niyo, yung kare-kare paborito ni Sir Tyler na gusto niyo ding dalawa ni Jess. Siguradong matutuwa na naman asawa ko kapag sinabi kong lulutuan niya kayo pero ngayon yung anak niyo na" Napangiti na lang ako sa kanya
"Teka, hindi na ba kayo ni Tyler?" Umiling ako at sinagot naman ni bakla ang tanong niya
"Manong naman oh late na sa balita. Matagal na po."
"Sige po manong, punta na kami kay daddy"
May lumapit na babae sa'min pagpasok agad namin ni bakla. Tinanong niya ang kung ako ba si Fara at isang tango naman ang binigay ko. Mukhang bago pa yata 'to dito.
"Ma'am yung anak niyo po" Kunot-noo ko siyang tiningnan. Oo nga yung anak ko, asan?
"So Dyle?" Medyo nagulat naman siya sa tanong ni bakla
"O-opo. Ah ano kasi ma'am, sir. Nagpasama po siya sa akin sa floor ni Mr. Swift, kinulit niya po kasi ako. Pasensiya na po" nakayuko niyang sabi
"Makulit talaga ang batang yan. It's okay, papunta na din kami. Salamat sa pagsabi"
Pagdating namin sa floor ni dad, binati namin ang secretary niya bago binuksan ang pinto ng opisina niya, mukha agad ni Dyle ang nakita ko. Nakangiti siya sa'min habang hawak-hawak ang handle ng pinto.
"Hi mommy! Hi daddy!"
"Anak naman nandito ka lang pala. Hinintay mo sana kami"
"But I wanna go up here. I want to see lolo's office that much."
"Fara, Jess buti naman bumisita kayo"
"Oo nga po tito. Nga pala, want some luch first? Tanghali na rin po may dala kami ditong pagkain"
Inilagay ni bakla ang mga pagkain sa mini-table ni dad. Si dad naman tumayo at umupo, sumunod naman kami
"Lolo your place is so cool! Gusto kong tumira dito. But, I want to see dad's dad office too."
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Teen FictionHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?