Fara's Pov
Medyo napaaga uwi ko kaya dumiretso agad ako sa venue ng kasal ni Tyler. Malapit na ang kasal niya. Dalawang linggo na lang. Nandun na si Dyle at Jess. Tinawagan nila ako kanina. Yung bulaklak naman hindi ko na tinanong kay bakla baka kasi bawiin niya pa yung pinapadala niya. Ilang araw na din siyang nagpapadala, tulad ngayon.
"Hi Fara!" Salubong sakin ni Kyren
"Hi!"
"Halika, nandun sila sa loob."
Giniya niya ako sa loob at agad ko namang nakita si Dyle na nakaupo.
"You're son is so cute. Nakakatuwa siya"
"Yup. Pasensya na rin sa kakulitan niya, alam ko namang kinulit niya kayo"
"No, no, no. It's okay. We actually enjoyed the whole practice because of him"
Tumango ako sa kanya at nilapitan si Dyle sa inupuan niya. Niyakap niya agad ako nang makita ako
"Baby, are you okay? What's wrong"
"Nothing mommy" hinalikan ko ang ulo niya saka tumingin kay bakla na papunta sa'min
"Andito ka na pala. Tapos na ang practice nila." Napatingin siya sa gilid ko at ngumuso. Nagkibit-balikat ako
"Tyler! Kyren!" Tawag ni bakla sa atensyon ng dalawa.
"Oh?"
"Uwi na kami. Maggagabi na rin kasi"
"Dinner muna tayo" aya ni Tyler
"Wag na, sa'min na lang. Salamat"
"Sige. Ingat kayo" sabi ni Tyler
"Kayo din"
Kinarga agad ni bakla si Dyle at nauna naman akong pumasok sa front seat para kunin si Dyle. Pumunta naman siya sa kabila para magdrive. Saking kotse ang ginamit namin dahil kinuha naman sila ni Tyler kanina sa bahay.
"Mommy"
"Hmm?"
"Can you please buy me an ice cream?"
"Sige. Anong flavor?"
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Nasa daan lang ako nakatingin. Marami ng mga sasakyan at traffic. Nilingon ko si Dyle ng hindi siya sumagot. Napangiti na lang ako sa nakita ko bago hinalikan ang noo niya.
"Tulog na" biglang sabi ni bakla
"Oo"
"Napagod yata kanina. Panay pa naman ang laro niyan"
Whole day ang practice nila para daw hindi na sila magpapractice sa susunod. Dumaan muna kami sa isang 24/7 na convenient store. Medyo marami rin ang binili ni bakla na mga pagkain. Bumili na rin siya ng maiinom at siopao para sa'ming dalawa. Nang ilagay niya ang mga pinamili sa backseat, napahinto siya sa paglalagay at nagtama ang mata namin sa rearview mirror. Agad akong nag-iwas ng tingin at tinuon ang pansin kay Dyle na mahimbing paring natutulog.
Nasa backseat ko inilagay ang bulaklak hindi ko naman alam na ilalagay niya sa likod ang mga pinamili niya at hindi ko rin naman din inisip na bibili siya ng marami. Narinig ko ang pagsira ng pinto sa likod bago siya umupo sa harapan at binigay ang siopao sakin.
"Kain ka muna, matatagalan pa tayo"
"Salamat bakla ha"
"Wala yun. Baka pumayat ka pa"
"Payat kaya ako. Grabe ka, kain ka din"
"Naks naman bakla. Mas sexy parin ako" nailing na lang ako sa sinabi niya bago kinagatan ang siopao
Kumain na rin siya habang hindi pa kami umaalis dito sa convenient store. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagmaneho na siya at umalis na kami. Dumaan pa kami sa isang drive thru para bumili na rin ng ulam.
Pagdating sa bahay, dineretso agad namin si Dyle sa kwarto. Tulog pa rin kasi. Kaya sabay na kaming pumunta sa kusina ni bakla para makakain na rin. Hinanda na ni manang ang kanin at ulam kaya naupo na agad kami
"Sweetheart! Jess!" Halos sabay kaming napalingon sa nagsalita
Napatayo agad ako bago sila niyakap.
"Mom! Dad!"
"Tita, tito"
"Nasan yung apo namin?" Tanong ni dad
"Nasa kwarto po nakatulog na sa prac-"
"Lolo? Lola?"
"Dyle! Apo!" Mabilis silang lumapit kay Dyle bago kinarga ni daddy. Bumalik na lang din ako sa pagkakaupo
"I miss you lola, lalo ka na po lolo. I miss your building"
"Eh yung mga laruang binibigay ko naman sweety?" Tanong ni mom
"Of course I miss that to lola. But I really love buildings" humagikhik pa siya bago nakipaghighfive kay daddy
Binaba naman siya ni dad at tumakbo siyang lumapit sa'min
"Oh siya, kayo na bahala diyan. Akyat na kami ng daddy mo. Jess iho. Ikaw na bahala diyan"
"Sige po tita. No problem" kumindat pa siya kay mommy na siyang ikinatawa naman ng huli.
They've been into business trip for almost a month. At sa rest house namin sila minsan tumutuloy dahil mas malapit yun sa kompanya namin.
Nagpatuloy na kami sa pagkain kasama si Dyle at pagkatapos ay nanuod kami ng movie sa kwarto bago nagpaalam si bakla na uuwi na siya.
"Mommy, I saw the flowers earlier. Is that yours?" Tumingala siya para tingnan ako. Tumango-tango ako bilang sagot
"Did you like it mommy?" Tanong niya bago sumiksik sakin para yumakap
"Of course"
"Buti naman po"
"Ang alin?"
Mabilis siyang umiling bago hinalikan ang pisngi ko
"Good night mommy"
"Good night baby"
Hinalikan ko ang noo niya bago inayos ang kumot at laruan na nagkalat kanina.
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
أدب المراهقينHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?