Fara's Pov
Kanina pa panay ring ng ring ang cellphone ko. Hindi ko naman masagot dahil hindi ko alam kung kaninong number 'to. Baka nga importante kaya sinagot ko na lang.
"Hello good morning. This is Swift's Company. May I talk to Ms. Fara Gabriel Smith?"
"Good morning. This is Fara speaking"
"Congratulations ma'am. You're hired. You can start working next week."
Totoo ba 'to?! Ako? Tanggap? Nakagat ko ang ibabang labi ko at napayakap kay Dyle na mahimbing pa ring natutulog. Impit na napatili ko.
"Thank you"
"You're welcome and have a nice day" sagot naman niya bago binaba ang telepono.
Yeah, indeed. It'll be a nice day. I'm going to work next week. Hinimas ko ang buhok ng anak ko bago siya tinitigan. I hope he's happy that I've finally got work. Hindi ko inaasahan na makuha ako. Ni wala nga akong work experience.
Gumalaw si Dyle kaya napatalikod siya sakin. Maya-maya ay humarap siya at napupungay ang matang tumingin sakin. Nginitian ko siya pero nakatulog lang siya uli. Bumangon na ako at naghilamos at nagtoothbrush. Tinali ko na ang buhok ko bago hinalikan sa noo si Dyle na mahimbing pa ring natutulog.
Dahil malapit na akong magtrabaho, susulitin ko ng magluto. Magluluto ako ng hotcake.
"Iha, magandang umaga" napalingon ako kay manang na kumukuha ng kamatis at itlog sa ref
"Oh manang good morning po. Omelet po?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang ibang ingredients para sa hotcake
"Oo. Ikaw? May gusto ka bang ipaluto?"
"Salamat na lang ho. Ipagluluto ko ho kasi yung anak ko ng hotcake"
"Paniguradong magugustuhan yan ni Dyle. Masarap ka kayang magluto" pabiro kong tinulak si manang at hinawakan naman niya ako sa bewang
"Ikaw talaga manang anlakas mong mambola"
"Totoo naman iha. Siya sige, magluto ka na. At magluluto na rin ako nito baka magising na yung bata"
Hinanda na ni manang ang mga gamit sa pagluluto niya pati na rin ang sakin. Si manang Sarah nakakabatang kapatid ni Nanay Rosa. Halos magkasabay silang nagtrabaho sa'min kaya hindi na rin naging iba si manang Sarah sa'min.
Nag-umpisa na ako sa paghalo ng mga ingredients. Hindi ko pa nalalagay ang mixture sa pan nang matapos na si manang sa niluluto niya. Nauna na siya dahil maglilinis pa daw siya sa sala.
May narinig akong yabag ng paa papunta sa kusina pero hindi ko na nilingon. Paniguradong si manang lang bumalik. Ilalagay ko na sana ang mixture sa pan nang may naalala ako. Yung itlog, nakalimutan ko.
"Manang pakikuha po ng itlog"
Sabi ko sa kanya habang hinahalo-halo pa rin ang mixture. Hindi sumagot si manang pero inabot naman niya ang itlog. Kinuha ko 'to nang hindi siya nililingon bago nagpasalamat sa kanya. Alam kong nasa likuran lang siya pero hindi ko na lang pinansin. Hinalo ko na lang ng maigi ang lahat na mga ingredients bago inilagay sa pan.
"Manang an-" natigil ako sa sasabihin ko nang makita si Jadyle sa likuran ko. Muntik ko ng matapon ang hawak-hawak kong mixture nang makita siya. Kaya pala hindi sumasagot si manang dahil hindi pala siya kundi si Jadyle.
"Hi?" Nag-aalanganing sabi niya
"Oh hi!" Sagot ko sa kanya
Nagkatitigan lang kami hindi alam kung sino ang unang magsasalita. Tumalikod na lang ako para ilagay ang iba pang mixture.
"Dito ka na lang magbreakfast"
"Hindi na. Yung an-ano kasi, si Dyle yung pinunta ko dito" nilingon ko siya at binalik din ang tingin sa niluluto ko
"Tulog pa. Kung gusto mo hintayin mo na lang at dito ka na lang din kumain" humarap ako sa kanya at nahuli ko siyang nakangiti
"Thank you but I need to go. Tell Dyle that I came here. Please"
"Okay. Don't worry sasabihin ko sa kanya" tumango siya bago umalis.
Wala sa sariling napabuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang pagluluto. Kalahating oras din nang matapos ko ang niluluto ko.
Umakyat agad ako sa kwarto at napangiti sa nakita. Lumapit agad kay Dyle bago siya hinalikan sa noo. Gising na siya at naglalaro ng superman.
"Morning mommy" nilingon niya ako at hinalikan ang pisngi ko. Bumalik din siya sa paglalaro pagkatapos
"Good morning baby. Kain na tayo, nagluto si mommy ng breakfast"
Inilapag niya ang laruan at lumundag-lundag sa kama habang nakangiti
"Yehey! What? What?"
"Pancake"
"Let's go!"
Nauna na siyang lumabas habang hila-hila ako. Umupo agad siya sa stool at kinain agad ang pancake.
"It's soo delicious! Super!"
Kumain na din ako napapangiti sa reaksyon niya.
"Nga pala baby. Your tito Jadyle came here." Bakas sa mukha niya ang pagkatuwa ng banggitin ko ang pangalan ni Dyle
"Really?!"
"Opo"
"Yes!" Sumuntok-suntok pa siya sa hangin habang hawak-hawak ang tinidor
"Why? Ang saya ng baby ko ah. What is it?"
"Nothing mommy" sabi niya bago pilyong ngumiti at kumindat pa sakin
A/N: Hi po! Haha. Thank you po sa 400+ reads. Mahal ko kayo :*. Pasensya na din po sa mabagal na ud. Sana naman po maintindihan niyo na busy din ako (busy-busyhan LMAO). Haha. So yeah. Thank you po uli
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Teen FictionHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?