Fara's Pov
Maaga akong nagising dahil sa narinig kong boses sa baba. Tiningnan ko ang cellphone at nakitang alas kwatro y medya palang.
Bumaba agad ako at nakita ang pagmumukha ni bakla na nakangiti habang naghahalo sa dough
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ay bakla!" Gulat na sabi niya
"Good morning bakla, nandito ako para ipagluto kayo ng pizza, at chicken barbecue" binatukan ko siya agad at napadaing naman siya
"Ang aga-aga nambubulabog ka. Hinaan mo boses mo, ba't ba kasi napakaingay mo, magluluto lang naman. At bakit naman kasali ako sa paglulutuan mo aber?"
"Siyempre bawi sa inyo, sayo dahil ikaw lang ang andun baka nga kako nabagot ka dun dahil walang kausap. At kay baby pogi dahil hindi ko na puntahan ang program. Wala siyang daddy" napangisi ako sa sinabi niya. Mabiro nga 'to.
"Sinong nagsabing wala? Siyempre hindi ako papayag no? Siyempre meron, ang gwapo pa" nanlaki ang mata niya saka huminto sa ginagawa niya
"Gwapo? Talaga? Pakilala mo naman ako"
"Bakla mo talaga pero hindi siya pwede eh. Dito nga siya natulog"
"Bakla ka! As in? Sino?" Kinikilig pa na tanong niya
"Si Jadyle" ngiting sagot ko
"Inimbitahan mo?" Tanong niya at pinagpatuloy ang pagmamasa sa dough
"Hindi no, nakakahiya kaya. Atsaka kusa siyang dumating at nag-alok na siya ang proxy"
"Alam mo bakla may something talaga sa Jadyle na yan eh"
"Sabihin mo lang crush mo siya"
Huminto uli siya sa pagmamasa atsaka ako tiningnan at pinalakpak pa ang kamay bago itinukod ang kanang kamay sa countertop
"Seryoso talaga. Gaga ka! Dahil hindi naman ikaw ang kumukuha kay Dyle oh well minsan, naaabutan ko siyang nasa skwelahan nila. Nagkukwento pa nga si Dyle na kinukuha siya minsan ni Jadyle kapag maaga ang uwian kala ko nga si Papa Gab ang kumukuha. Lumalabas din daw sila kapag lunch" mahabang sabi ni bakla
Ba't hindi naman sinabi sakin ni Dyle? O ni Jadyle? Pero wala namang malisya yun, mahilig lang talaga siguro si Jadyle sa mga bata.
"Oh, tapos? Okay lang yun sakin"
"Gosh ba't ba kasi hindi na lang siya ang naging daddy ni Dyle. Magkamukha kaya sila" sabi niya at pinagpatuloy uli ang ginagawa niya. Nagpaalam naman ako sa kanya para tingnan si Dyle at makapag-ayos na din.
Sinuklay ko ang buhok ni Dyle gamit ang nga daliri ko habang tinitingnan siya pagkatapos kong maligo. Hindi ko muna sinuot ang pangoffice-attire ko dahil aasikasuhin ko pa naman siya.
Habang tinitingnan siya napaisip ako sa sinabi ni bakla, totoo ngang magkamukha sila kahit di man sabihin ng iba. Habang lumalaki siya makikita mo sa kanya ang maliit na Jadyle. Siguro naman sa pagbubuntis ko 'to. Imposible naman kasing anak niya 'to.
"Hi, gurl." Bati ni Xia
"Hello! Good morning din po sa inyo" nakangiti kong bati sa kanila
"Uy, blooming ha"
"Lakas mong mambola eh no?"
"Hala di kaya. Mamaya may ichichika ako sayo" kindat pa niya. Napailing na lang ako sa kanya bago ini-on ang computer
Nang maglunch break na, sabay kaming kumain kasama si Tita Mag. Excited pa niyang ikwinento na ang saya daw ni Mr. Cruz, nakangiti at binati pa daw sila. Kilig na kilig naman siya.
"Talaga?"
"Oo kaya kung mapapansin mo lahat ng nasa department nating ang saya-saya. Magpapapizza nga 'yan mamaya sabi niya" sagot ni tita Mag dahil mukhang walang balak na sagutin ako ni Xia.
Nailing na lang ako sa sinabi ni Tita Mag at napangiti.
Nagpapizza nga si Xia nang maghapon na, nagpamerienda siya pero di ko nakita si Mr. Cruz, binigyan na lang daw nila sa office dahil hindi makakalabas sa sobrang busy. Dahil good mode lahat ng nasa department, maaga kaming pinauwi at hinarangan agad ako ng delivery boy sa may lobby ng floor namin. Siya yung naghatid din sakin ng bulaklak nung una at nung nakakaraang linggo. Siya lagi ang pinapadalhan tulad ngayon, may nagbigay na naman sakin ng bulaklak na may note.
Smile. Kahit sa ganitong paraan man lang napapasaya kita. I love you - J
Ang sweet talaga ni bakla sakin kahit di niya sabihin. Dumiretso na lang ako sa parking lot para sunduin si Dyle kahit day-off naman niya ngayon. Buti na lang at hindi pa rush hour kaya dire-diretso ang takbo ng mga sasakyan.
Pumunta agad ako sa classroom nina Dyle at napahinto nang makita ang pamilyar na likod ng lalaki.
"Mommy!" Nawala ang atensyon ko sa lalaking kaharap ni Dyle at napatingin sa kanyang kumaway-kaway sakin at patakbo papunta sakin.
"Si daddy tito nandito, kakain na naman po kami" nakangiti niyang sabi.
Napakunot agad ang noo ko nang makita ang gulat na mukha ni Jadyle habang nakatingin sakin.
A/N:
I know it's very lame, but I did try my best. At dahil nag-update ako sa isa kong story ba't di isali na 'to diba po? Draft na talaga 'to pero di pa tapos, pero dahil birthday ko ngayon at love ko po kayo, ito may update na! 😂. Dinagdagan ko lang ng kunti para mapublish haha. Sorry po sa matagal na update dahil sa reports at test (isa pa po tinatamad ako haha). Ba't ba kasi tuwing may test ako may magcocoment 😂. At thank you po ng marami sa 60k reads po sa book one nito na 'Revenge ni Mr. Nerd' at sa two thousand votes at two hundred comments at sa three hundred followers ko po. Hindi po 'to magiging ganito kung hindi dahil sa inyo (alam kong paulit-ulit ko na 'tong sinasabi but still thank you po) at sa four thousand reads din po nito, it's really a beautiful gift for me thank you po. I love you ❤️😘💋 (ngayon nakalagay na ng emoji na nakakiss at heart shape lips haha)
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Teen FictionHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?