TBS 19

2.1K 51 0
                                    

Fara's Pov

Tinanong ko kay Dyle kung okay lang ba si Jadyle at sagot naman niya sakin maayos naman daw. Dinadaan niya na lang sa biro ang problema niya. Hindi niya naman kasi sinabi kung ang ano talaga maliban sa biro niyang anak niya si Dyle. Naiintindihan ko naman kung hindi niya muna sasabihin pero nag-aalala talaga ako sa kanya.

"Girl okay ka lang ba?"

Mabilis akong napalingon kay Xia. Balik trabaho na naman pagkatapos ng dalawang araw na off ko sa trabaho.

"Oo naman"

"Sige nga, anong sinasabi ko?"

Napakunot ang noo ko at medyo napangiwi sa inasta ko. May sinasabi pala siya di ko namalayan.

"Oh diba? Ang ba ang iniisip mo girl?"

"Wala. Ikaw, ano nga uli yung sinasabi mo?"

"Yung boss kasi natin magiging bago na. Yung anak na ni boss. Gosh girl, dalawang crush ko na ang makikita ko! Finally!"

Impit siyang napatili at pinanggigilan ang braso ko. Tinapik naman siya ni Tita Mag sa balikat.

"Xia. Bumalik ka na sa pagtatrabaho makita ka pa ni sir may CCTV pa naman"

"Tita Mag. May five minutes pa naman eh atsaka hello? Kunti pa lang tayo dito at hindi pa office hour"

Napailing na lang si Tita Mag sa sinabi ni Xia atsaka bumalik ang atensyon niya sa computer. Medyo napaaga kami kaya may time pang magkwento si Xia tulad ngayon.
Pero ibig ba sabihin nito ay si Jadyle na ang magpapatakbo ng kompanya nila? Yun ba ang pinoproblema niya at iniyakan niya pa?

"Kailan daw?"

"Curious ka no? Sinasabi ko sayo, pagnakita mo na si sir mapapalingon ka talaga sa kagwapuhan niya. Susundan mo talaga ng tingin"

"Mas gwapo pa kesa kay Sir?" Taas babang kilay na tukso ko sa kanya. Napalabi siya sa tanong ko.

"Ibang usapan na yan. Basta gwapo silang dalawa. Parehong pogi." Kinikilig na sagot niya

"Kailan nga daw papasok ang bagong CEO?"

"Bukas iha" sagot ni Tita Mag bago pa makasagot si Xia.

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Hindi man lang niya sinabi sakin. Sino nga ba naman ako para pagsabihan niya? Kaibigan, oo pero sana naman sinabi niya na sakin nang macongratulate ko siya.

"Trabaho na tayo?" Sabi ni Xia sakin. Isang ngiti lang ang sagot ko sa kanya at nagsimula na ngang magtrabaho.




Maaga akong pumasok gaya nga ng sabi ni Mr. Cruz sa'min. Ngayon papasok si Jadyle sa kompanya nila. Pagpasok ko pa lang sa lobby marami ng empleyado ang nakaantay sa elevator. Maaga din siguro silang pinapasok ng head ng department nila. May mga letter balloons din sa lobby na 'Welcome Mr. Michael Jadyle Swift'. Pinaghandaan talaga nila, kulang nalang pakain eh.

"Fara! Fara!" Napalingon agad ako sa tumawag sakin.

Si Xia at Tita Mag na mukhang may nilakad at ngayon bumalik sa floor.

"Bakit?"

Pinatayo niya ako at nagmamadaling hinila papunta sa elevator

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon