TBS 12

2.2K 46 0
                                    

Fara's POV

"Taya!"

"Andaya niyo naman! Ako palagi tinataya niyo!"

Sabay kaming tumawa ni Dyle. Tinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko at tinignan siya

"Kaya mo yan daddy!" Sabi ni Dyle at nagthumb-up sa kanya

"Kaya mo daw bakla. Go!" Natatawa pa ring sabi ko

Kumunot-noo siya at walang sabi na tumakbo papunta sakin. Dali-dali naman akong napaayos ng tayo at nagsimula na ding tumakbo. Kanina pa kami naglalaro pero hindi manlang kami nakaramdam ng pagod.

Huminto bigla si bakla at tumingin kay Dyle na nakatingin din sa'min. Tinaas-baba pa niya ang kilay bago ngumiti sa'min.

Bigla naman akong napatili nang may humawak sa bewang ko galing sa likuran ko. Nakayakap sakin.

"Huli ka!"

"Ah!" Gulat na tili ko.

"Bakla!" Tili ko pa sa kanya. Binitawan naman niya ko agad.

"Nakakagulat ka!" Tawang-tawa naman siyang tinuro ako

"Nakakatawa ka naman" Pabiro ko siyang pinalo sa braso at tinaasan ng kilay

"Mom and dad you're so sweet! Lovey-dovey"

"San mo naman nakuha yan baby pogi?"

"Nah. Really you're so sweet"

Umupo ako at sumunod naman sila. Kinuha ko ang nachos at chips sa basket bago ang soft drinks. Mabilis na kumuha ng chips si bakla at sinubuan naman niya ang anak namin. It's like a family day to us. At minsan lang kami nagkakaroon ng oras para gumala talaga tulad ngayon. Busy sa trabaho si bakla at ako naman palaging binabantayan si Dyle. Malapit na din akong magtrabaho kaya bumabawi na lang kami kapag wala siyang trabaho tulad ngayon. Kahit may tatapusin pa siya o di kaya ay pagod pa inuuna niya pa rin kaming dalawa.

"Say ah" natatawang sabi ni bakla sakin habang may hawak na nachos. Nilapit niya pa ang nachos sa bibig ko

"Ayos ka lang ba?" Napalabi siya sa tanong ko

"Sabi kasi ni baby pogi sweet tayo" napatawa ako sa sinabi niya kaya kinain ko na lang din ang sinubo niyang nachos

Sabay naman kaming napalingon sa pumalakpak. Nakita namin si Dyle na pumapalakpak habang tumalon-talon

"Anak wag kang tumalon-talon. Kakakain mo lang. Sasakit yang tiyan mo" paalala ko sa kanya at umupo naman siya sa hita ni bakla

"Mommy, your gonna work tomorrow." Nginitian ko siya at bahagyang kinurot ang pisngi niya

"Pero si daddy hindi. It means si daddy naman ang makakasama mo" sumimangot siya sa sinabi ko at sumubo ng nacho

"But daddy work also"

"Baby, may work nga si daddy pero hindi naman katulad kay mommy. Hindi pa nag-aaply si daddy ng work na katulad kay mommy. Maybe he's working but he can work naman kahit sa bahay lang siya. Nagwowork pa siya sa binigay ni lolo"

Napabuntong-hininga ako nang makitang nakakunot ang dalawa sa sinabi ko

"Sinabi ko naman kasi sayo na wag ka ng magtrabaho, ako na lang. Susuportahan ko naman kayo eh. Nagtatampo tuloy yung anak nating gwapo"

"Hindi naman din sa lahat ng pagkakataon nakadepende lang kami sayo. Alam mo naman kung ga'no ko kagustong magtrabahi diba?" Nagkibit balikat si bakla at sumubo rin ng nachos

"Baby, wag ka ng magtampo kay mommy okay? Parin naman 'to sayo"

"Smile ka na dali" lumingon naman siya at sapilitang ngumiti. Napabuntong-hininga na lang ulit ako at sinandal ang ulo ko sa balikat ni bakla

"Now what? Kung sino ang huling tatayo siya ang taya" halos mapasubsob ako sa biglaang pagtayo niya

Karga-karga niya si Dyle ng tumayo siya dahil nakakandong ang bata sa kanya. Binaba naman niya si Dyle na nakangiting nakatingin sakin.

"Mommy! Kung mahuhuli mo si daddy hindi na ako magtatampo" natatawang sabi niya

"Talaga lang ha?"

"Hindi ako magpapahuli sayo" nakangising sambit ni bakla

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon