TBS 5

4K 77 2
                                    

Fara's POV

Pagbalik namin sakto namang tapos na ang usapan nila tito. May iba na din silang kausap, nakatalikod siya sa'min kaya di ko malaman kung sino. Nakaakbay sakin si bakla kanina pa, si Dyle naman nakahawak sa kamay niya. Palibhasa kasi mas mataas kaya inaakbayan na lang ako.

"Lolo!" Sigaw ni Dyle at tumakbo papunta kay tito.

Napalingon silang lahat sa amin. Pareho kaming napangiti nang makita kung sino ang isa pang bisita. Si Tyler.

"Hey kiddo" bati niya kay Dyle at handa ng makipag-fist-bump pero hindi siya pinansin nito

"Do I know you mister?" Taas kilay na tanong ni Dyle.

"Whoa! Chill lil kid. I'm your mother's boyfriend" sabi niya sabay kindat sakin

Tumayo pa siya at hinalikan ako sa pisngi. Nagpipigil ng tawa sila bakla at tito. Si Jadyle naman nasa laptop lang ang atensyon.

He maybe a kid, pero alam niya na ang ibig sabihin ng boyfriend at girlfriend kesa sa pagbabasa.

Mas lalo pang inasar ni Tyler si Dyle nang tinanggal niya ang braso ni bakla sa balikat ko at siya naman ang umakbay. Umupo naman si bakla at naiwan kaming nakatayo dito.

Kunot-noong nakatingin sa'min si Dyle at kitang-kita ang simangot sa mukha

"Oh, babe why you didn't tell him? I'm cool kiddo. You'll like me for sure"

"I'm more handsome than you. Handsome, handsome. I'm way handsomer than you!" Napipikon na sagot ni Dyle.

Hindi na nila napigilan ang matawa kaya napuno ng tawanan ang opisina ni Jadyle sa sinabi ni Dyle. Pati si Tyler na nakaakbay sakin ay tinanggal na niya at kinurot ang ilong ni Dyle. Tinapik pa palayo ni Dyle ang kamay ni Tyler na hanggang ngayon tawa pa rin ng tawa.

"Talo ka pala sa bata eh" sabay kaming napalingon kay Jadyle na bahagyang nakangiti habang nasa laptop pa rin ang atensyon

"Hindi naman siya pogi eh, cute lang" nakangiting asar pa ni Tyler

"I heard that mister. Fol youl infolmation alam kong magtagalog!" Naiinis na sagot naman ni Dyle habang tinuturo si Tyler. Nabubulol na siya sa inis hindi dahil sa boyfriend ko si Tyler kundi sa sinabi ni Tyler na cute siya. Hindi gwapo.

Napangiti ako sa sinabi niya at ang tatlo naman napatawa uli kasama na rin si Jadyle na nakatingin na sa'min

"Ano? Hindi kita maintindihan" bago pa makasagot si Dyle sa pang-aasar ni Tyler ay inunahan ko na siya

"Don't worry baby. You're the most handsome baby. He's my ex, not my boyfriend. Well, dati. Inaasar ka lang ni tito Tyler. Say sorry"

Nagtago siya sa likod ko habang hawak-hawak ang damit ko

"Sorry" sabi niya at kinuha naman siya ni Tyler para kargahin.

"Pano ba yan, una na ako. Fara, anak, Dyle, Tyler, at Jadyle, kayo na lang muna dito" paalam ni tito bago tuluyang lumabas sa opisina ni Jadyle

"Ba't ka ba nandito?" Tanong agad ni Jadyle kay Tyler. Tumigil na rin siya sa pagtatype.

"Bakit bawal na ba akong pumunta dito? 'To naman nakakahurt ka bro"

"Tigilan mo nga ako Tyler. Ano bang kailangan mo?"

Umupo muna si Tyler sa couch katabi si Dyle at sumunod naman ako. Tumabi si bakla at umupo din si Jadyle sa harapan namin. May couch sa bandang gilid ng mismong lamesa niya dalawa ang couch, magkaharap at may center table sa gitna.

"Guess what?" Tanong niya habang may nakakalokong ngiti sa mukha niya

"C'mon idiot spell it out" nakangiting sabi ni Jadyle bago binato si Tyler ng throw pillow

Close na sila masyado. Sabagay, ilang taon din kaming wala dito sa Pilipinas baka nga magbestfriend na ang dalawa.

"Grabe, di ko kinaya ang pinaggagawa niyo. Sabihin niyo nga sakin, bestfriend na ba kayo?" Tanong ni bakla

"I don't know" sabay na sagot nila

"Tito Tyler, I like you na po." Singit ni Dyle

"Talaga? Ikaw na ring bearer namin. Andali mo naman palang kausap eh."

"What?"

"Ikakasal ka na?"

"Seryoso ka?"

"Asshole!"

Sabay-sabay na sabi namin. Mas matindi nga lang kay Jadyle. Itong dalawang 'to ang laki ng pinagbago.

"Asshole mo mukha mo! Inggit ka lang kamo. Don't worry invited ka pa rin" natatawang sagot ni Tyler at binato ang binatong throw pillow ni Jadyle kanina, nakailag naman ang huli

"Next month kasal namin. Seryoso ako, mukha ba akong nanloloko?"

"Oo. Kaya nga naghiwalay kayo diba?" Pambabasag ni Jadyle kay Tyler

"Nah, dati yun. Hindi na ngayon."

"Mommy, ano pong pinag-uusapan nila"

"Ah, tungkol sa business baby" sagot ko na lang. Inosenteng napatango-tango naman siya

"Bakla, akala siguro nila sila lang ang tao dito. Parang ngayon lang nagkita ang dalawang 'to oh. Ang haharot, mga gwapo pa naman" bulong ni bakla sakin

"Oo nga. Dapat pala sumabay na tayo kay tito"

"Tama ka bakla"

"Sige uwi na ko. Basta Fara, Jess, si Dyle na ha. Ikaw naman Jadyle ayusin mo sarili mo! Wala ka paring girlfriend!" Sabi niya habang lumalakad papunta sa pintuan. Bago siya makalabas natamaan pa siya ng unan na binato ni Jadyle

"Tarantado ka!"

"Mas ka pa!" Sigaw pabalik ni Tyler

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon