TBS 30

1.9K 39 4
                                    

Fara's Pov

Ilang araw na ang lumipas simula nung makita ko si Jadyle sa skwelahan ni Dyle, at ilang araw na ding 'di ako masyadong nakakatulog sa kakaisip sa nararamdaman ko. Nagsimula lang naman 'to nung sumama ako sa kanilang dalawa.

"Girl ayos ka lang?"

"Ha?"

"Mukha ka kasing walang tulog. May problema ba?"

"Wala naman"

"May iniisip?" Nahinto ako sa pagtingin sa folder at napatingin kay Xia na nasa gilid ko.

"Sabi na nga ba. Girl, papa ba?" Napabuntong-hininga ako at umayos ng upo

"Ewan ko" naguguluhang sagot ko sa kanya pati ako hindi ko na rin alam

"Go ako diyan girl, mamaya na lang ang chika pagbreak na" sabi niya sabay taas-baba ng kilay bago bumalik sa upuan niya

"Fara, nabigay mo na ba kay sir ang draft?"

"Po?"

"Yung binigay ko kahapon sa'yo" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita Mag at hinanap agad ang folder.

Natapos ko na yun kahapon, pati soft copy niya pero mas kompleto 'yun dahil yung ibang corrections na tama na, inuna ko pa nga 'yong tapusin kahit hand written ang iba. Nandito lang 'yun eh, ba't nawawala dito.

"Tita Mag, nawawala po dito eh" kinakabahang sabi ko sa kanya

"Ano? Fara, tingnan mo nang maigi baka nandiyan lang 'yan. Draft pa lang yun, gagamitin na nila ngayon 'yun para sa meeting nila"

"Ano bang nangyayari sa'yo Fara? Mukhang may problema ka nga, tama si Xia" iiling-iling na sabi niya

Pati ako hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin, palagi ko na lang naiisip si Jadyle at hindi nakatulong ang pagpupunta niya sa bahay para makipaglaro kay Dyle. Sa tuwing makakasalubong ko naman siya dito kompanya halos didikit na ako sa pader para umiwas sa kanya at 'yun ang hindi ko nagagawa, baka ano pang isipin niya.

"Mapapagalitan tayo niyan Fara"

"Tita Mag ako na po bahala. Sorry po sa abala" sabi ko bago tumayo para puntahan si Mr. Cruz, narinig ko pa siyang tinawag ako pero nakapasok na ako office ni Sir.

Napatingin agad sakin si Mr. Cruz at kinakabahang binati ko siya, hindi ko alam kung sa'n sisimulan dahil hindi ko rin naman alam kung anong nangyari sa draft. May soft copy naman ako pero mas importante ang hard copy para ballpen lang ang corrections tas sulat lang at kompleto na yun 'di tulad ng dala-dala kong soft copy ngayon.

"Sir, okay lang po sa'king sisantehin niyo ako pero huwag naman sana" pagsisimula ko, nakatingin lang siya sa'kin at mukhang hindi siya busy ngayon

"Sir, yung draft po nawala ko. May meeting pa po kayo ngayon sir, pero sir magagawa ko pa po 'yun. Anong oras po ang meeting niyo?"

"You're wasting your time" napayuko ako sa sinabi niya. Hiyang-hiya na ako

"Iniwan mo lang sa desk mo ang draft kahapon kaya kinuha ko na lang at tinapos kahapon" Mabilis akong napatingin sa kanya at pigil na lumabas ang ngiti ko

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon