Fara's Pov
Napakunot ang noo ko sa nakitang bulaklak na dala ni Jadyle habang nasa gilid niya si Dyle. Kinuha niya ang anak namin at natulog 'to sa kanila.
"Mommy! May binili kami ni daddy para sa'yo"
Binigay naman agad ni Jadyle ang bulaklak sa'kin. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko pero sa hinuli ay kinuha ko naman at nagpasalamat sa kanya at kay Dyle
Nakakapanibagong hindi 'to matanggap sa isang delivery guy kundi mismo sa kanyang nagpapadala. Ang pinagkaiba nga lang din ngayon ay alam kong hindi niya na 'to ginagawa para sa'min ni Jess dahil sabi ni Dyle kundi sa kanya na 'to mismo.
"Bakit pa kayo nag-abala?"
"Can I court you?"
Nanlaki ang mata ko sa diretso niyang tanong. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko lalo pa nang pumunta siya sa likuran ko at may kinabit na kwintas sa'kin.
"I'll ask you again, can I court you?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakagat ko ang labi ko at nakita na lang siyang ngumiti nang pagkalaki-laki.
"Yes! Thank you"
Niyakap niya agad ako nang mahigpit, ni hindi ko namalayang tumango ako sa kanya. I'm lost in his eyes, his presence.
"I love you"
Sa pangalawang pagkakataon nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. My heart beat goes wild. Bago pa siya kumalas sa yakap ay hinalikan niya ang pisngi ko na ikinapula ng mukha ko.
Walang pasabing hinawakan niya ang kamay ko at kinamay rin si Dyle bago hinawakan din siya gamit ang kanang kamay ng huli.
"Ayos ba?"
Dyle give him a thumbs up and a high five before Jadyle look at me and wink.
"Kumain tayo sa labas" sabi niya at binitawan ang kamay ko para kargahin si Dyle bago binalik uli ang hawak sa kamay ko.
The day turned out to be so good. We eat and play with Dyle. Makikita sa mukha ni Jadyle na matagal na niya na 'tong gustong gawin, he's so happy and I saw his watery eyes everytime Dyle look at him with his bright smile.
Karga-karga niya na ngayon si Dyle papunta sa kwarto namin. Sinabi niya sa anak namin na rito siya matutulog. Akala ko pa hindi pa matutulog si Dyle at makikipaglaro uli kay Jadyle pero nakatulog na sa kakalaro kanina.
Dahan-dahang binaba ni Jadyle si Dyle. Naramdaman 'to ng huli at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya
"Daddy" mahina niyang sabi. Inaantok pa
"Matulog ka na"
Kumunot ang noo niya bago umupo
"Hindi ka ba aalis?" Kinukusot ang matang tanong niya
"Hindi po. Sabi mo kasi papatulugin mo ako rito"
Awtomatikong nanlaki ang mata niya at lumabas ang ngiti niya
"Tabi tayo?"
Tumango sa kanya si Jadyle
"The three of us?"
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Ficção AdolescenteHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?