TBS 34

1.8K 44 23
                                    

Note: Please read my note in the end. Thank you

Fara's Pov

"Mommy?"

"Baby pasensya ka na kung hindi ako makakauwi ngayon nang maaga. Ininvite kasi ako ng boss ko ng dinner, babawi na lang si mommy. Anong gusto mong pasalubong?"

"Okay. Can you buy me a boba?" Rinig sa boses niya ang excitement

"Kahit ilan pa gusto mo, yun lang ba?"

"Yey! Thank you mommy!"

"You're welcome"

"Mommy pakibantay po kay Dyle. Pasensya na po ha, may dinner lang kasi"

"Enjoyin mo lang yang dinner mo kasama ang boss mo. Baka mahanap mo na ang para sa'yo, magboyfriend ka na anak"

"Mommy"

"Sige na, enjoy sweetheart" rinig ko pa ang hagikhik niya at bago pa ako makasagot ay binaba niya na ang telepono.

Tinanggap ko ang pa-dinner ni Mr. Cruz kasi nakakahiya naman kung tatanggihan ko. Tahimik lang naman kaming kumakain, ni hindi nga siya nagsasalita. Wala akong ideya kung para saan 'tong dinner. Inayos ko muna ang bag ko bago lumabas sa restroom.

Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi na nakatiis kaya tumikhim ako nagbabakasakaling mag-gets niya nag ibig kong sabihin pero wala.

"Uh sir? Kung okay lang po sa inyo pwede niyong sagutin pero kung ayaw niyo naman ayos lang. Bakit po kayo nag-imbita ng dinner?"

Napatingin siya sa'kin at nahinto sa pagkain

"Dahil natanong mo lang rin naman, gusto lang talaga kitang makilala. Hindi gaanong maganda ang unang pagkikita natin and I'm very sorry for that"

"'Yun po ba? Sorry rin po dahil hindi ko kayo nakilala"

"We're fair. So, dahil nagtatrabaho ka na sa kompanya kailangan kong makilala ang mga nagtatrabaho sa floor department."

"May boyfriend ka na ba?" Muntikan na akong mabilaukan sa una niyang tanong

"Wala po"

"Good. Dahil kadalasan sa empleyado namin ay umaalis dahil sa boyfriend nila, masyado raw silang maraming overtime at hindi na nakikita ang mga boyfriend nila. Alam mo naman siguro kung gaano kabusy ang mga tao sa kompanya 'di ba?" Nakangiting tumango ako sa kanya.

Pinipigilan kong matawa sa rami ng sinabi niya. Akala ko pa naman ay hindi siya palasalitang tao pero may pagkadaldal rin pala.

"Naiintindihan naman nila ako at ng anak ko"

"Anak mo ba talaga yung kaklase ni Li?"

"Opo" sagot ko sabay ngiti sa kanya

Tumango siya sa sinabi ko at nagpatuloy ulit kami sa pagkain. Wala na namang nagsalita. Hinintay rin niya akong makaalis at ngumiti pa siya sakin na siyang kinagulat ko. Hindi ko na hinayaang ihatid niya ako dahil sobrang nakakahiya na at dala ko naman ang sasakyan ko.

Dinaanan ko na rin ang favorite bubble tea shop ni Dyle na may franchise dito galing sa Korea. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na lang si Dyle na natutulog na, sabi nina mommy kanina pa raw ako hinihintay hanggang sa makatulog. Inilagay ko na lang ang bubble tea sa ref at naglinis bago at tinabihan si Dyle na natutulog.

"Kuya una na 'ko" nagmamadaling sabi ko sa kanya habang inaayos ang belt ko. Late na 'ko.

"Hindi mo man lang ba babatiin si Jadyle?" Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya na pinagsisihan ko ng kunti dahil yung puso ko, natutuwa na namang makita si Jadyle. At ayaw kong malaman niya 'to

"Uy, hi! Una na 'ko. Enjoy kayong dalawa" napangiwi ako nasabi ko at lumabas agad sa pinto.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging dinner namin ni Mr. Cruz. Lately, he's been acting weird. Weird na siguro para sa'kin ang makita siyang nakangiti at mukhang good mood palagi unusual sa nakaugalian kong nakasimangot at bad trip na Mr. Cruz.

"Xia! Ganda ng ngiti natin ah" biro ko sa kanya pagrating ko at late na ko ng thirty two minutes.

"Girl! Kilig na kilig ako kagabi! Salamat rin pala sa make-up artist niyo na pinaganda ako lalo kagabi" sabi niya habang pinipigilang mapatili. Kitang-kita naman sa mukha niya ang saya.

"'Yan ang gusto ko sa'yo eh taas ng confidence" sabi ko sa kanya.

"Dapat lang talaga no, pero salamat ha"

"Wala yun"

I really admire her for her confidence she have. She's a bubbly person na hindi nahihiyang sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin, she's quite frank, frank that you need. Kadalasang marinig na natin ang salitang prangka ay parang masama but no you'll want to talk to her dahil malalaman mo ang totoo na hindi siya nakakasakit. May ganun siyang epekto.

"Alam mo ba girl, di'ba off niya kahapon pero pumunta siya rito?" Tumango ako sa kanya. Sumabay pa nga ako kay Jacob kahapon sa elevator pero 'di ko natandaang off niya pala.

"Sabi niya sinave niya 'yun sa ibang araw dahil gusto niya akong makasama hanggang sa date. Ang sweet di'ba?" Tanong niya sabay bigay sa'kin sa USB na kinuha ko naman

"Pa'no na si Mr. Cruz?" Balik kong tanong sa kanya habang tinitingnan ang monitor

"Eh, feeling ko nawala na. Feeling lang ha, teka wait- naguguluhan na ko" Napatingin ako sa kanyang nag-aactong litong-lito habang hinawakan ang temple niya.

"Fara, I think pass na ako kay Mr. Cruz. Gusto ko na si Jacob" pabulong niyang sabi sa huling salita.

Napailing ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang trabaho.

"Bakla! Ang aga mo yata ngayon?"

"Maaga kaming natapos sa trabaho, ikaw ba't ang aga mo yata"

"Hindi, wala kaming trabaho ngayon. One week, bakit? Dahil, maayos ang naging trabaho namin na ikinatuwa ng mga boss'" masayang balita niya

"Mommy!" Napalingon kami kay Dyle na tumatakbo

"Baby! Kumusta baby ko?" Tanong ko sa kanya pagkatapos halikan ang pisngi niya

"I'm so happy! Daddy is free this week and next week! More family time!"

Napatingin ako kay bakla na nakatingin din sa'kin, pareho kami ng naiisip. Kahit gustuhin man naming makasama siya lagi di rin namin nagagawa dahil busy kami pareho. Kung pwede nga lang aalis na ako sa trabaho.




A/N: Hi po! If you want me to update this and type comments like that please don't, don't waste your time typing it. Ayoko kayong maghintay naman sa wala, pakibasa na lang po sa Ask Station ko (5) nasa works ko lang din kung bakit. But it's okay if you won't. Thank you for reading this, I love you ❤️

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon