Fara's Pov
Napangiti ako sa picture namin ni kuya na kuha nina mommy. Ginawa naman uli yung pose namin dati nung mga bata pa kami na naka-piggyback ako sa kanya. May kuha din kaming dalawa ni Dyle na piniggyback ko rin at family picture namin. Ang sarap lang isipin na parang bumalik ako sa pagkabata yun nga lang ngayon kasama na ang anak ko. Hindi ko aakalaing kami pala lahat ang ililibre ni kuya. Matagal na rin nang lumabas kami dahil sa schedule at malayo kami sa isa't-isa lalo na nung nasa Korea pa kami.
"Nakakamiss bunso no?" Napalingon ako kay kuyang nakatingin din pala sa camera at sa kuha ng Polaroid na kuha ni daddy
"Oo sobra"
"Akala ko nga hindi pwede sina daddy buti na lang at kinancel nila ang mga meeting at meet-ups nila"
"Kuya salamat talaga dito ha" sabi ko sa kanya at saka nilagay sa sling bag ang camera at yung picture bago siya niyakap
"Naglalambing na naman ang bunso namin, wala 'yun" niyakap niya ako binalik atsaka ginulo ang buhok ko
"Nakakamiss din pala ang paggulo mo ng buhok ko kuya" bumitaw siya sa yakap at ngumisi
"Ako pa. Sabi ko na ngang na miss mo ko eh"
"Oo na" pag-amin ko sa kanya bago umupo sa may maliit na upuang kahoy
"'Di mo pa rin sinasabi kung ba't ka biglang napatawag sa'kin"
"Kuya, ganun pala ang pakiramdam no?" Pagsisimula ko habang nakatingin kina mommy na naglalaro sa tubig kasama si Dyle
"Hindi ko 'to naramdaman dati pero ngayon iba eh, tinamaan na yata ako. Isang araw, isang tingin, isang ngiti dito nagsimula lahat. Kuya, ano ng gagawin ko?" Nilingon ko siya at nakitang nakatingin sa'kin habang may ngiti sa mukha niya
"Wala, hayaan mong siya ang may gawin. Sino naman 'yang lalaki na 'yan?"
"Kuya pa'no kung wala siyang gawin dahil hindi rin naman kami pareho ng pakiramdam? At hindi niya alam ang nararamdaman ko?"
"Kung kayo talaga eh di kayo, kung hindi, hindi. Simple lang naman ang sagot niyan, mahal mo na, at kahit kunti umaasa kang mamahalin ka niya,mahal ka rin niya"
Halos sabay kaming napatingin sa cellphone na bitbit ni kuya na nariring. Agad naman niya 'tong sinagot bago ko pa makita ang ID caller.
"Hello, dude ba't napatawag ka?" Napatingin ako sa kanya at nakita siyang nakatingin din sakin. Bigla akong kinabahan
"Nandito sa beach nagbabakasyon. Jadyle kung gusto mo naman pwede ka pa namang sumunod dito hanggang bukas pa naman kami ng umaga" nakangiting sabi ni kuya, ang puso ko parang magwawala na nang marinig ko lang ang pangalan niya.
"Sige ba, hinintayin ka namin. Geh" sabi niya bago ito binaba ang cellphone.
"Kuya ba't mo siya pinapunta rito? Makikita niya tayo? Hindi pa naman ako nakapaghanda, tayo wala tayong hinanda" agad na sabi ko sa kanya, pinapunta niya dito ang tao nang hindi man lang kami handa
Pinanlakhan ko siya ng mata nang hindi siya sumagot at may ngiting lumabas sa labi niya
"Ano? Kuya, sumagot ka naman. Hindi naman natin mawewelcome yung tao sa ngiti mo, halika na nga't magpapareserve tayo sa restaurant at sa hotel ng isa pang room" tumayo na ako at tatalikod na sana nang bigla siyang humagalpak sa tawa. Nakakainis na siya.
"Hindi siya pupunta dito, kalma lang pwede?"
"Anong kalma? Huwag ka ngang magbiro diyan"
"Si sugar yun okay? Naiinis na nga siya dahil iba ang pinagsasabi ko. Hindi yun si Jadyle, walang Jadyle na pupunta rito" nahampas ko siya sa balikat at pasalampak na tumabi uli sa kanya
"Ba't mo 'yun sinabi? Kinabahan tuloy ako"
"Para mahuli ka. Sabi na nga ba mahal mo yung tao eh"
Natahimik ako sa sinabi ni kuya at napayuko. Siguro nga mahal ko na siya, hindi. Oo mahal ko na siya. Alam kong nandito lang 'to eh pero pilit kong pinipigilan dahil ayaw kong masaktan uli at ngayon ay 'di ko na talaga kaya, lumabas na din. Sino nga ba ang hindi magmamahal sa kanya bukod sa hitsura niya may puso siya, mabait at mapagmahal.
"Kuya, natatakot ako. Ayaw ko na kasing masaktan"
"Kung hindi takot hindi ka pa handang magmahal ulit. Nasaktan ka pero iba 'to ngayon, ba't hindi mo subukan? Iba-iba ang lalaki, at iba-iba ang pagpaparamdam nila sa'yo ng pagmamahal at pagpapasakit. Kung masaktan ka man, ayos lang na matakot uli basta alam mong nagmamahal ka lang at magmamahal, malay mo ito na 'yun" napatingin ako kay kuya at niyakap siya bigla. Ramdam ko din ang mga luhang tumutulo sa mukha ko.
Minsan lang siya magsalita nang ganito at hindi naman kami nag-uusap tungkol sa mga love life namin yung huli siguro ay yung nagalit pa siya sa'kin dahil kay Jadyle, yung ginawa ko sa kanya. Niyakap din niya ako pabalik at hinalikan ang buhok ko.
"Salamat kuya"
"Tandaan mo lang na nandito ako palagi, sabihan mo lang ako" bumitaw ako sa yakap at pinahiran ang mukha ko bago siya nginitian
"Akala ko pagsisihan kong may kuya ako at walang ate eh"
"Aba't"
"Joke lang, I love you"
"Love you too" sabay kaming napatawa sa sinabi namin. Hindi naman kasi yung tipong nagsasabi ng 'I love you' pero ngayon feel na feel ko yung pagmamahal namin, kahit hindi naman sabihan ang salita ay alam naming mahal na mahal namin ang isa't-isa.
Two nights and three days lang ang stay naman at ngayon ang pangalawang araw, tiningnan lang namin ni kuya sina mommy at daddy na nag-eenjoy kasama si Dyle hanggang sa hatakin nila kami at sabay na lumusong sa tubig at nagsasabuyan habang naka-piggyback si Dyle kay kuya.
Sinubukan din namin ang iba't-ibang activities nila tulad ng kayaking dahil yun lang naman ang pwede naming masama si Dyle, masyado pa siyang bata para sa ibang activities. Nagset din ng tela sina daddy para mag picnic kami, dati kaming apat lang ang gumagawa nito pero ngayon ay lima na at sigurado akong madadagdagan pa 'to pagnagpakasal na sina kuya.
"Mommy uuwi na po ba tayo?" Nakalabing tanong niya habang nilalagyan ko ng pulbo ang likod niya saka nilagyan ng panyo.
"Opo, bakit? Gusto mo pa bang magstay dito?" Tumango-tango siya bago inilagay sa likod ang maliit na bagpack niya.
"But it's okay. I hope daddy tito can go with us, isn't it fun mommy right?"
Kahit siguro anong gawin namin ay naiisip niya parin si Jadyle. Minsan nga nagtataka na ko kung anong meron sa kanilang dalawa, at pati anak ko mahal na mahal rin siya.
"Alam mo baka hinihintay na nila tayo, halika na?"
Sabay na kaming lumabas at pumunta sa lobby para mag-check-out at sumakay na sa sasakyan ni kuya. Ayos na ang tatlong araw na pagleleave ko at sigurado akong bukas ay hindi nila ako titigilang tanungin, lalo na si Xia na nanghingi pa ng greet ni kuya.
A/N: Taray ang sipag ko ngayon, di ako tinatamad haha. Sana po magustuhan niyo
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Novela JuvenilHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?