TBS 15

2K 48 1
                                    

Fara's Pov

Nagmamadali ako ngayong pumasok sa office. I'm late, thirty minutes. Nilutuan ko pa kasi si Dyle para naman makabawi ako but that's not the main reason. Kahit naman nilutuan ko siya maaga parin akong umalis yun nga lang talaga naabutan na ng traffic. Medyo traffic na papunta dito kasi kadalasan may mga skwelahan at malls. Kahit hindi pa naman bukas ang mall may mga tao paring naghihintay sa labas para makauna at nagmamadali.

"Good morning Fara!" Bati agad ng mga officemates ko

"Good morning din" sagot ko sa kanila sabay ngiti kahit na kinakabahan

Dumiretso agad sa cubicle ko para ilagay ang bag at nagmamadaling pumasok sa office ni sir.

Pagpasok ko pa lang nakita ko na ang nakakunot niyang noo, ito na nga ba ang sinasabi ko. Nagagalit na 'to. Pano na ang trabaho ko? Sisante na ako nito.

"Good morning sir"

"You're late"

Napayuko ako at wala sa sariling napakagat sa labi

"Traffic po sir"

"It's still not an excuse Ms. Smith" napatingin ako sa kanya at napaiwas din agad

Ayan na naman yang makatunaw tingin niya

"Now, I want you to bring this to the boss right now. And save your explanations to him why you're late. Kanina niya pa 'to hinihintay"

Tumango-tango ako sa kanya bago kinuha ang mga folders sa lamesa.

Paglabas ko sa office niya ni hindi ko na nasagot sila Tita Mag at Xia dahil sa pagmamadali ko. Buti na lang at pagkabukas ng pintuan sa opisina ay ilang hakbang lang elevator na.

Kinakabahan kong pinindot ang floor ng CEO. Alam ko naman kahit di sabihin ni sir dahil nung nag-apply ako diretso agad sa kanya. Kung hindi mo talaga tatanungin hindi din magsasalita.

Pikit mata akong lumabas sa elevator ng huminto ito. Nagbuntong-hininga at pumunta agad sa secretary ng boss.

"Good morni-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kung sino ang secretary

"Good morning iha. Yan na ba ang mga reports? Nako, kanina pa yan hinihintay ni sir." Tumayo siya at inalayan ako papasok sa office.

Nanlaki ang mata ko sa nakita at kinabahan lalo. Totoo ba 'to?

"Fara, iha"

"Tito?"

"What are you doing here?"

Naalala ko bigla ang mga folders at lumapit agad ako sa kanya para ibigay ang mga 'to.

"Sorry po natagalan. Traffic na po kasi papunta dito"

"Sorry po talaga, sir" ulit ko pa

"So, your the new employee ha. I see" tumango-tangong sabi niya habang tinitingnan ang mga papel

"Yes, sir"

"Sir, mawalang galang po ha. Sino po ang nag-interview sa'min?"

Hindi siya ang nag-interview sa'min kundi ibang tao. Ibig sabihin sa kanila ang kompanyang 'to? Itong Swifts' Company? Oh. Kaya naman pala. Napatingin ako sa kanya ang bahagya siyang tumawa

"Iha, buti naman at natanong mo yan. That's my older brother. May pinuntahan kasi akong party"

"Ganun po ba. Ah, sige po alis na ko" nginitian ko siya at sinuklian din naman niya yun.

Sila pala ang may-ari ng kompanyang 'to. Hindi ko naman kasi naisip lalo na hindi ko namalayan ang pangalan ng kompanya. So hanggang ngayon hindi parin pala si Jadyle ang bagong CEO kaya naman pala panay punta niya sa bahay. Minsan nga iniisip ko wala ba siyang trabaho o ganyan lang talaga siya malapit sa mga bata.

Lutang akong bumalik sa department. Ni hindi ko namalayan na may tao sa harapan ko kung hindi siya nagtanong sakin.

"Oo. Bakit?" Sagot ko sa tanong niya.

Tinatanong niya kung sino si Fara Gabriel Smith. Nagkataon namang papasok pa lang ako sa office. Napatingin ako sa dala-dala niyang bouquet na binigay niya din sakin.

"Ma'am. Pakipirmahan niyo na lang 'to." Turo niya sa isang papel bago binigay sakin ang ballpen. Kahit nagtataka pumirma parin ako.

"Thank you"

Tumango lang ako sa sinabi niya at pumasok na sa office. Abala silang lahat sa ginagawa nila kaya di nila napansing may dala-dala ako. But not Xia.

"Uy, may pa bouquet si boss oh" natatawang sabi niya sabay harap sakin

"Hindi no. May nagbigay kanina bago ako pumasok sa office"

"Kanino daw galing? Mukhang mamahalin ha. Galante si boy"

Palihim kong inamoy ang bulaklak at napangiti sa bango nito. Nakangiti kong binasa ang nasa card.

Don't stress yourself. Always keep that smile of yours. Have a nice day. Love you.
J

J. Isa lang naman ang naiisip kong magpapadala nito si bakla. Pero hindi niya alam kung saang kompanya ako nagtatrabaho dahil di pa niya natanong. Pwede din namang sinabihan siya ni Dyle dahil alam na ng batang yun kung saan ako nagtatrabaho, Mag kulit kasi palaging nagtatanong.

Ano naman kaya ang napasok sa utak niya't nagpadala ng bulaklak sa office with short sweet message. Iba talaga mga pakulo niya.

"Ganda ng ngiti natin"

"Siyempre, minsan lang 'to."

Minsan lang maging lalaki si bakla with an effort. Napangiti ako sa naisip ko

"Eh, sino nga. Boyfriend mo? Sweet naman"

"Kaibigan ko"

"Sige hindi na ako mangungulit pero alam kung higit pa yan sa kaibigan."

Kibit balikat niyang sabi bago bumalik sa pagtatrabaho. Nailing nalang ako sa sinabi niya at napatingin uli sa bulaklak. Bumalik nalang ako sa pagtatrabaho at napangiti.







A/N: Thank you po sa 600+ reads! And thank you for the 200 followers. Hope you enjoy reading this :)

The Bachelor's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon