Fara's Pov
"Mommy I'm a big boy already. I know how to take a bath" napalabi ako sa sinabi niya at umupo na lang sa kama ng sinarado niya na ang pintuan
He's still my baby boy kahit pa sinasabi niyang malaki na siya. He's still five years old for Petes sake, akala naman niya ang laki-laki na niya simula nung mag-accelerate siya a week ago. One week pa lang sinabihan kami ng mga teachers niya na magtake ng test so he did it and now, he's in grade two.
Ni hindi ko nga malaman kung san siya natuto puro kalokohan lang naman ang tinuturo ni bakla sa kanya.
And today is their Father's Day Program at dahil wala na naman si bakla kaya ako ang pupunta sa program nila. May meeting sila at kailangan silang lahat, pumayag na ang boss nila yun nga lang humindi nang madagdag ang biglaan nilang meeting.
"Mommy! Can you please come here?" Pinigilan ko ang mangiti nang binuksan niya kunti ang pintuan atsaka sumilip dun
"Why? You're a big boy na diba?"
"I can't get the shampoo, I thought I can do it now but I can't. Please?"
"Nope" biro ko sa kanya bago tumayo at tumalikod
"Please? Please? Please? I'm still you're baby pogi. I don't want to be a big boy" humarap ako sa kanya at napatawa sa reaksyon niya. Naiiyak na siya
Mabilis ko siyang pinuntahan bago kiniliti. Tumawa naman siya. Pinaliguan ko siya pagkatapos ko siyang kilitiin.
"Mom?"
"Hmm?" Sagot ko sa kanya habang nagdadrive
"Si daddy po ba, makakapunta?" Napalingon ako sa kanya saglit at hinaplos ang buhok niya.
"Anak, alam kung malungkot ka pero Father's Day Program niyo. Smile ka naman diyan."
"But I thought dad can come"
"Baby, bumabawi naman si daddy diba?"
"Opo" mahinang sagot niya. Napabuntong-hininga naman ako sa sagot niya.
Dumaan muna kami sa isang pastry shop para bumili ng dalawang cake, ito kasi ang naassign samin nang magkaroon nang meeting na pareho naming hindi nadaluhan ni bakla.
Tinawagan na lang kami ng mga teachers niya sa dadalhin namin. Saktong pagdating namin sa may indoor court nila hindi pa nagsisimula. May mga batang sumasayaw at naglalaro. Para ngang may fiesta sa design nila. May mga banderitas at balloon na nakasabit at may malaking lettering naman na 'Happy Father's Day' na napapalibutan naman ng mustache at hearts na design sa may mini stage na sinet-up nila.
And everyone's wearing their family shirts. And we're wearing gray matchy shirt. May drawing na eyeglass sa tee ni Dyle na may 'MAN' sa baba. May tiara naman sakin at may 'WOMAN' sa baba. Kahapon lang namin 'to binili ni Dyle sa may malapit na mall.
"Good morning Ms. Smith" nabalik ang tingin ko sa gilid at nakita ang nakangiting teacher nila Dyle
"Oh, hi sir. Good morning din"
"Good morning sir! Maglalaro na po ba?" Napatawa naman ang teacher niya sa sinabi ni niya
"Good morning din sunshine. Mamaya muna ang laro you want to play?"
"Yes sir"
"Good. Upo muna kayo ma'am" sabi niya bago kami sinamahan sa may lamesang puno ng pagkain at may iba ding nakaupo
"Dyle!"
"Li!"
Naagaw ng isang batang lalaki na may suot suot na baseball cap at may dalang bola ang atensyon ko. He's also wearing a gray shirt with a little child print on it at may nakalagay sa taas na 'I'm Mommy's Boy' at sa baba naman ay 'But definitely Daddy's Boy'. Lahat ng grade two students ay kailangang magsuot ng gray shirt para madaling malaman kung anong grade kayo nabibilang.
"Wanna play?" Tanong ng bata kay Dyle. He's really cute.
Tumayo ako para bumati sa bata.
"Hey there little boy, what's your name?" Mukhang nagulat naman 'to sa tanong ko
"Don't worry she's my mommy" sabat ni Dyle atsaka hinawakan ang kamay ko para kamayan ang batang lalaki
Nahiya naman siya at tinago ang kamay sa likod niya. Lumapit pa siya kay Dyle para bumulong pero dinig na dinig ko naman
"Really?" Ulit ni Dyle sa sinabi ng bata
"Yeah she's so pretty. I think I have a crush on her" napataas ang kilay ko sa sinabi ng bata habang pinigilan ang matawa
"Excuse me boys, pero ano nga ulit pangalan mo?" Nagsquat ako sa harapan nila. Nakita ko naman na kinalabit ni Dyle ang bata.
"Li"
"Li? Wow, ang cute naman ng name mo kasing cute mo" nahiya naman uli siya sakin
"Oh, ako nga pala si Fara, mommy ni Dyle. You can call me Tita Fara" sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman siya bago sinuklian ang ngiti ko
"Mommy maglalaro muna kami"
"Sige pero wag kayong lalayo ha. Atsaka huminto na kayo kapag pawis na" sabay naman silang napatango
"Li, nasan nga pala parents mo?"
"My mama and da buys food 'cuz they forgot it. They said I'll just sit there, then I saw Dyle that's why I'm here"
"Ikaw lang mag-isa ang nandito?" Tumango uli siya
"Sige, Dyle tsaka Li wag kayong maghihiwalay ha. Balik kayo dito pagkatapos. Titingnan ko lang kayo dito" Mabilis namang tumakbo ang dalawa
Napailing-iling na lang ako sa dalawang bata at bumalik na sa kinauupuan ko kanina. Ngumiti ako sa babaeng medyo may edad na na nakatingin sakin, katabi niya din ang asawa niya. Ngumiti din naman siya.
"Hi, bago ka lang dito?"
"Opo" sagot ko naman sa tanong niya
"Kaya pala, si Dyle pala anak mo. Alam mo bang napakatalino niyang anak mo, nakakatuwa rin siya"
"Salamat po, napakakulit din po kasi ng batang yan."
"Ganyan talaga ang mga bata iha. Ako nga pala si Gwen"
"Fara po"
"Asan na yung daddy ni Dyle?"
"Nako may emergency meeting po kaya hindi makakapunta"
"Alam mo bagay kayong dalawa. Palagi ko kasi siyang nakikita kapag sinusundo namin 'tong anak namin" Turo niya sa batang babae na nasa gilid niya, nakaupo lang habang nakatingin sa mga batang naglalaro
Napangiti na lang ako sa sinabi niya
A/N: Sorry po sa bagal ng ud ko. But still hope you like it :). Busy po kasi si ako haha
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Teen FictionHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?