Fara's Pov
"Gosh, hindi na magiging bachelor si papa Tyler. Akalain mo yun? Yung dating mong jowa naunahan ka pa. Bes, kinabog beauty mo"
"Oo nga. At kinuha pa talaga anak natin."
"Pinapainggit ka lang nun. Oh baka naman bakla, wag" iniharang niya pa ang kamay niya sa mukha ko, mabilis ko naman 'tong tinanggal
"Anong wag?"
"Alam kong gusto mo ko, at hindi ako papayag na maging tayo 'no? Malay ko, ako na lang pala hinihintay mo." Binatukan ko siya.
Ang daming alam. Hindi na lang kainin ang pagkain ng tahimik. Magkasama kami ngayong dalawa, hindi kasama si Dyle nasa kina mommy at tita. Gaya ng dati, pumunta kami sa mall para maglibang ni bakla. Tapos na rin naming ipaenroll si Dyle sa isang private school.
"Para sabihin sayo mas okay na nga lang din kung si Tyler na lang"
Bigla niyang tinapik ang kamay ko, nahulog tuloy sa plato ang pizza na kakainin ko dapat. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan niya naman ako
"At para sabihin sayo may fiancé na si Tyler. Kaloka ka, wag mong sabihing di ka parin naka get over bak-"
"Matagal na. Gusto ko lang naman sabihing mas gusgustuhin ko pang makabalikan uli yung ex ko kesa sayo. Bakit papayag ka ba na may iba ng daddy si Dyle?" Taas kilay kong sabi bago siya nginisian
Napabusangot mukha niya at inakbayan ako. Magkatabi lang din kasi kami. Gusto din ako ni bakla eh, pakipot pa 'to.
"Siyempre hindi no"
"Aray naman."
"Siyempre kung si papa Jadyle pwede na siguro basta ipahiram mo siya sakin"
Mabilis kong tinanggal ang braso niya nasa balikat ko at kinurot siya sa gilid
"Tigilan mo na nga 'yang kabaklaan mo bakla. May anak na tayo"
"Yeah I know. Pero wala pa rin akong matandaan na may nangyari satin. Sigurado ka ba talagang anak ko 'yan?"
Nabulunan ako sa sinabi niya at pinandilatan ng mata
"Anong akala mo sakin ha? Eh tayong dalawa lang naman ang nasa condo nun eh"
"Oo nga. Pero iba din eh. Ganun ba kalakas tama natin na hindi natin matandaan. But oh well okay na rin kasi nakakasuka kaya kung maaalala natin"
Inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. It's really weird lalo na ng hindi namin maalala ang nangyari especially na kami pang dalawa. It's not a problem, alam naman naming anak namin si Dyle. And we're happy for it.
Naglibot pa kami sa mall at naglaro sa time zone. Ngayon lang ulit kami nakapagpasyal na kaming dalawa lang. Dahil na rin sa pagbabantay kay Dyle. Balak narin naming mag-apply ng trabaho, hindi sa sariling kompanya namin kundi sa iba para naman hindi maging parang bias. Kahit hindi naman talaga. Napag-usapan na namin ni bakla kaya lang kahit ayaw niya wala parin siyang magagawa. Ayaw niya akong dahil gusto niyang siya ang magtrabaho sa'min.
"Daddy! Mommy!" Salubong ni Dyle sa'min pagkabukas pa lang namin sa pintuan. Dala-dala ang laruan na bitbit niya, tumakbo siya at nagpakarga agad kay bakla bago hinalikan ang pisngi namin
"Look! Look! May new toy ako!"
Umupo ako sa couch habang nakatayo pa rin sila bakla
"Sinong nagbigay?" Rinig kong tanong ni bakla bago tumabi sakin at pinaupo si Dyle sa gitna
"Sila lola"
"Naman, ang dami mo ng toys baby. Magfafive ka na sa susunod na linggo" sabi ni bakla bago hinawi ang hibla ng buhok sa noo niya
Nakuha na rin namin ang paboritong movie ni Dyle na binili namin.
"Oh, sige babalik na lang si daddy bukas ha. May aasikasuhin pa kasi ako" May inoffer kasi si tito kay bakla na trabaho pero panandalian lang din. Gusto niyang makakuha ng trabaho si bakla hindi sa kompanya nila kundi sa iba.
"Night daddy!" Niyakap niya si Dyle bago hinalikan ang buhok
"Night" sagot naman niya
Tumayo na siya at hinalikan ang pisngi ko bago umalis
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Son
Teen FictionHe was hurt, he took revenge and regret. Unexpected thing happened. One night. One night changes everything, will he make it this time? Or would do nothing like a damn teenager that he was before. Perhaps he'll act like a man this time?