chapter 15: The return

11 1 0
                                    


*Kesha's POV*

Sa totoo lang ang hirap pala mag panggap no? Ang hirap mag panggap na okay ka lang, yung nakangiti ka sa harap ng mga tao kahit yung totoo nasasaktan kana, ang hirap talaga maging masaya kahit alam mong sa sarili mong malungkot kang talaga.

Sabi ng character yan ng binabasa kong libro. Grabe hugot kung hugot ah.Damang dama ko yung sakit, hinagpis, kirot ouchy talaga. Feeling ko ako si lyra eh yan kasi yung ginagawa ko nung nag kahiwalay kami ni unggoy tristan. Tsh, change topic guys.

Mahilig ako sa mga pocket books, wattpads ganerns actually yung mga boys na wattpad characters especially yung mga bad boys shocks dream boyfriend ko yun gusto ko kasi badboy ang magiging boyfriend ko at ako ang mag papatino sakanya wahaha.

"What are you doing here?" Ayan na naman sya sa tanong nya nakakairita na.

"Can't you see im reading. Kaw ano ginagawa mo dito?"umupo sya sa tabi ko. Hoy! Rashied pag tayo nakita ng bruhilda mong gf ay nako malilintikan ka sakin.

"Gusto kita samahan bawal ba? O baka takot ka lang makasama ako kasi naiinlove kana."sabay kindat nya pa. Feeler ampotek.

Papaluin ko sana sya ng hawak kong libro kaso nagulat akong palapit sya ng palit sakin. Omoh, anong gagawin nya? Hahalikan nya ba ako?

"Your blushing kesha."utot mo ako pa lokohin mo. Mahawakan nga ang fes ko, shit nag iinit ako. Baka may sakit ako omoh, itago nyo ako plith.

"Kapal mo ah wala sa vocabulary ko ang blushing kaya pwede ba wag ka ngang assuming."tatayo na sana ako para di nya na ako makita pang namumula kaso bigla nya akong hinawakan sa may wrist part ng arms ko.

*tugdug*tugdug*tugdug*

Bat ang bilis ng tibok ng puso ko?
Ina atake ba ako or what? Dont tell me kinikilig ako? OMG.

"See your blushing again wag munang itago, cute mo nga eh. Stay here muna kesha okay? I want to talk to you seriously."ano naman kaya sasabihin nya?

"Kesha?"si troy seryoso? Mag uusap pa kami ni rashied eh pero wait, sabing wait eh, teka iba si troy ngayon ah may nangyari kaya?

"Bakit? May nangyari ba?"

"Iwan ko muna kayo maya na lang, kesh una na ako."sabi naman ni rashied, tumango na lang ako tsaka ko ibinaleng agad ang atensiyon ko kay troy.

"Kesh, i have to tell you something." parang takot na takot sya ah, ano bang nagyayari sayo troy?

" Mag ingat ka pag uuwi kana or kung aalis ka man, palaging may matang naka masid sayo. Kung kailangang sabay tayo umuwi sumabay ka okay? At pwedeng umiwas ka muna sa mga kaibigan mo baka madamay pa sila nag balik na kasi sila hinahanap ka."di pa ba sila tapos?

"May ginawa ba sila sayo?"

"Wala kinausap lang nila ako basta mag ingat ka palagi ah mukhang di parin nila nakakalimutan yung ginawa mo. Osya una na ako may pasok pa ako eh."sabay halik nya sa noo ko.

Di pwede to, hanggang dito ba naman guguluhin nila ako. Nag paraya na ko't lahat lahat tapos hahabulin parin ako wtf.

Di ko naman ginusto yung ginawa ko eh, ginawa ko lang kong ano yung tama. Sana naman maintindihan nila yun.

"Bat kailangan mong mag ingat?"biglang sulpot ni tristan.

"Kanina ka pa ba dyan? Tsismoso ka talaga."nag biro na lang ako para di nya mahalata.

"Hinahabol ka parin ba nila? Kesha sagutin mo ko."galit na ba sya?

"Nanliligaw ka ba?"naiinis na sya. Di na nya dapat pa kasi malaman baka madamay pa sya ulit kulit talaga kainis.

Till I DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon